Warrants of arrest issued for rogue cop kidnappers of teen actor Jake Vargas’s brother and sister-in-law

Sa ulat ng Rappler.com noong June 21, sinabi dito na ipinag-utos na ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Branch 74 ng Regional Trial Court sa Philippine National Police (PNP) para hanapin at iharap sa kanyang sala sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, PO3 Arnold Chantengco, at PO1 Jayson Asuncion.


Nag-issue na ng warrant of arrest ang lokal na korte ng Olongapo City para sa apat na akusadong pulis na kinasuhan ng pag-kidnap sa kapatid at sister-in-law ng teen actor na si Jake Vargas.

Sa ulat ng Rappler.com noong June 21, sinabi dito na ipinag-utos na ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Branch 74 ng Regional Trial Court sa Philippine National Police (PNP) para hanapin at iharap sa kanyang sala sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, PO3 Arnold Chantengco, at PO1 Jayson Asuncion.

Ang mga nasabing pulis ay involved diumano sa kidnapping ng kapatid ni Jake na si Joseph at sa hipag nito last year at pinalaya lamang matapos magbayad ang pamilya ng halagang dalawandaang libong piso.

September 2012 noong mag-file si Joseph ng kaukulang kaso sa Olongapo RTC.

Sinabi ng kapatid ni Jake na ang limang armadong pulis ay bigla na lamang daw pumasok sa kanilang bahay noong September 5 last year at inaresto siya at ang asawa niyang si Jonalyn, sa akusasyong pagkakaroon daw nila ng pot session.

Ayon naman sa mga akusadong pulis, pinaghinalaan din daw nila na ang bahay nila Jake ay isang drug den.

Ayon pa sa ulat, sinabi din daw ng mga pulis na kailangan daw nila Joseph na makalikom ng halagang P200,000.00 para pambayad sa kanilang kalayaan.

Dagdag pa dito, nakahiram daw ang mag-asawa ng naturang halaga mula sa manager ng kapatid na si German Moreno.

Matapos nito, nagsampa na ang pamilya ni Jake ng kasong “kidnapping for ransom” laban sa mga pulis sa korte.

Ayon pa sa court order, inaatasan ni Judge Ginez-Jabalde ang provincial director ng PNP sa Baler, Aurora na arestuhin ang mga nasabing pulis na na-assign na doon.

Dagdag pa sa direktiba ng korte na arestuhin ang mga “rogue cops in Aurora or anywhere else in the Philippines they can be found for having been charged before this court with the crime of kidnapping for ransom and bring them forthwith before this court to be dealt with according to law.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa mga akusado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN