Aiza Seguerra on Charice: "Her being a lesbian doesn’t make her a lesser person."

Hindi isinasara ni Aiza Seguerra ang posibilidad na maging matalik silang magkaibigan ni Charice, matapos nilang mag-duet sa nakaraang concert ni Aiza kasama ni Noel Cabangon.


Marami ang natuwa nang makitang magkasama sina Aiza Seguerra at Charice nang mag-jamming sila sa Tambayan Hits concert ni Aiza, kasama si Noel Cabangon, noong Biyernes, June 21.

Nag-duet ang dalawa ng kantang “Titanium” ni David Guetta.

Mula sa pagtanggap ni Charice sa imbitasyon ni Aiza na mag-duet sila, marami ang nagsasabing may isang pagkakaibigan ang nabuo.

Gaya ni Aiza noon, umamin din si Charice tungkol sa kanyang tunay na sexual preference.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza last week ay tinanong namin siya kung maaari silang maging matalik na magkaibigan ni Charice, kung mabibigyan ng pagkakataon at panahon.

Pahayag ng singer-actress, “Well, wala pa naman talagang chance where we can sit and talk together. Pero, ba’t hindi, di ba?

“I mean, you know, we’ve seen each other in a few times, pero hindi pa naman talaga kami nagkakausap na matagal.”

Sa tingin ba niya kung sakaling mangyari iyon ay magiging magkasundo silang dalawa?

Ani Aiza, “Younger kasi siya sa akin.

“Ako, mostly barkada ko ngayon ay mostly nasa 30s na. Kasi I’m turning thirty this year also.

“Pero, why not? Walang namang masama kung maging friends talaga kami.

“Na-step one na kami and I hope na magtuluy-tuloy na yun.”

Kung magkaroon sila ng pagkakataong magkausap nang matagal, ano ang puwede niyang ipayo kay Charice?

“Sasabihin ko sa kanya na her being a lesbian doesn’t make her a lesser person.

“Alam mo yun, di ba? And I think it should inspire her more kasi naging totoo siya sa sarili niya at maramng tao din ang na-inspire niya.

“Just continue kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Don’t burn bridges kumbaga.

“And I think, ngayon, nandun na siya sa mentality na, ‘If they can’t accept me, that’s fine. I will not push.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, as long as tanggap niya ang sarili niya, mahal niya ang sarili niya, at totoo siya sa sarili niya, it’s gonna be fine.”



RYZZA MAE DIZON. Sa puntong ito ay napag-usapan naman namin ang child sensation na si Ryzza Mae Dizon.

Si Ryzza Mae ang itinanghal na Little Miss Philippines noong 2012 at sumikat nang husto nang maging mainstay sa noontime show na Eat Bulaga!.

Matatandaan na si Aiza ay naging contestant din ng Little Miss Philippines noong 1987, when she was just three years old. Bagamat naging runne-up lang siya ay naging child wonder siya pagkatapos.

Sabi ni Aiza, “Ako, natutuwa ako kay Ryzza. She’s very witty, very smart, at cute na cute.

“Nakakatuwa kasi when I watch her on TV, naaalala ko ang aking childhood. So, I’m very happy for her.

“Hindi ko talaga maiwasang hindi balikan ang pinagdaanan ko na rin. At tulad ko noon, alam ko na she’s in good hands.

“Andiyan sina Tito Vic, Tito Joey… lahat sila sa show, alam na mahal na mahal nila si Ryzza.”

Ano naman ang masasabi niya, bilang dating child sensation, ay halos wala ring pahinga ngayon si Ryzza Mae?

Tugon ni Aiza, “Mahirap. Medyo mahirap.

“But one thing is she’s in Eat Bulaga.

“You know, one thing na proud ako sa Eat Bulaga, kapag kinuha ka sa poder nila, mananatili ka doon. Hindi ka nila pababayaan.

“So, I’m happy for Ryzza Mae.”

Masasabi bang ang pagtatrabaho nila sa napakamurang edad ay nasasakripisyo ang kanilang childhood? Na sa halip na naglalaro sila ay nasasabak na sila agad sa trabaho?

Sabi ng dating child star, “Lost? No naman, no naman. I don’t think so.

“Kumbaga, iba man ang childhood ko.

"Hindi ko masasabing lost kasi hindi man ako nakapaglaro sa kalye tulad ng ibang mga bata, but I had other perks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami akong nagawa na hindi nagawa ng ibang bata.

“Kumbaga, quits lang, ‘ika nga.”



SOULFUL SINGER. Pagkatapos maging child wonder ay dumaan sa tinatawag na awkward stage si Aiza at pansamantalang nawala sa sirkulasyon.

Ngunit nang bumalik siya sa limelight ay isang bagong Aiza ang lumantad sa publiko—isang acoustic singer.

Marami ang humanga, hindi lamang sa ganda ng boses ni Aiza, kundi maging sa kanyang madamdaming pag-awit.

Saan ba humuhugot ng emosyon si Aiza kapag kumakanta siya?

Medyo naiiling-iling na sagot ni Aiza, “Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

“Hndi ko iniisip, e.

“Ako kasi, when I sing, I just sing. I think and just feel.

“So siguro lahat ng napagdaanan ko rin, naging tulong yun sa akin.

“That makes it more genuine or real. Parang nagagamit ko yung pinagdaanan ko to push that emotion.

“When I sing din kasi, I just tune out. Kung ano ang lumabas, di lumabas.”

Dumating din ba siya sa puntong tinamad na siyang kumanta o magsulat ng isang kanta?

Saad ni Aiza, “I’m not really a good songwriter.

“Kumbaga, hindi naman ako tinatamad, hirap pa din ako bilang songwriter. I’m still struggling.

“Hindi naman sa moods. Hindi ko lang makuha yung tamang timpla.

“Sa pagkanta naman, there are times na, yeah, parang napapagod ka na rin.

“So, you need some outlets para ma-balance mo ‘yan.

“When I think naman about the people who would like to listen to me, nawawala na yung burnout thing na ‘yan.”

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve sa kanyang career?

Sagot ni Aiza, “Siguro, I just want to stay here for a long time. Alam mo yun?

“Yung basta maraming makikinig ng mga kanta ko and mas marami akong ma-inspire na tao—siguro yun ang gusto ko.

“Hangga’t I have the capacity and people still want me and want to hear my songs, nandito pa rin ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN