Cherie Gil on working for ABS-CBN and GMA-7: "They are both treating me well and I’m enjoying it."

we’ve been in the business for a while now and, I think, my siblings, nieces, and nephews are strong in their hearts and we support each other.

“And I believe that the work and dedication that they put into the craft, well, yun ang mas nangingibabaw to all those intrigues. At the end of the day naman, gusto naming maipakita sa mga tao, sa mga tagahanga na ang pagmamahal sa aming mga trabaho ang nauuna. At sana ay yun ang mapa


Isa marahil sa pinakaabalang aktres ngayon ay si Cherie Gil.

Sa panayam nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magaling na character actress ay inisa-isa niya ang kanyang mga proyekto.

“Now, I’m doing Muling Buksan Ang Puso with ABS CBN.

“So, after doing Temptation of Wife sa GMA, sa kabilang network naman ako ngayon.

“But I’m glad both networks are giving me jobs.

“But, of course, masaya ako sa dalawa. They are both treating me well and I’m enjoying it.

“I hope Muling Buksan… will be airing soon.

“Then, I was doing Sonata for the Sineng Pambansa, which is an indie movie, and I’m glad I’m a part of the indie scene now.

“I also did Ekstra and even though it’s a cameo role, it’s with Ate Vi [Vilma Santos] for Cinemalaya.

“I also did a film with Marlon Rivera… this is a good year for indie films.”

Nakausap ng PEP si Cherie sa 36th Gawad Urian Awards na ginanap sa NBC Tent, Bonifacio Global City, noong isang linggo.

PRIMERA KONTRABIDA. Maituturing nang institusyon si Cherie sa larangan ng pag-arte, lalo na sa pagganap ng kontrabida roles.

Ano ang masasabi niya na maraming young character actresses ang gustong sundan ang kanyang yapak?

Nakangiting pahayag ng aktres, “Oh, I couldn’t say anything to that.

“I’m loving the fact that more and more young character actresses are coming into the scene.

“At sana ay makatrabaho ko sila and I hope I’ll be here for the longest time to have that opportunity.

“Ewan ko nga ba, but in Muling Buksan ang Puso, it will be a diferent take.

“I’ll be playing a barrio lass, so that would be something new.”

Ibig bang sabihin ay lilipat na siya sa panibagong yugto ng kanyang pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Cherie, “I would like to have the other taste sa roles na gagampanan ko. Kasi, the more diverse, the more fun.

“Minsan ay nauubusan ka na ng materyal kapag lagi kang nagtataray na lang, di ba?

“Gusto ko ring makita nila ang the other side of me. And I think I can.

“That’s the challenge to every actor na gawin ang iba’t ibang klaseng pag-arte just possible and whatever is available.”



SHOWBIZ CLAN. At this point, inalam ng PEP kay Cherie ang kanyang opinyon kapag nai-involve ang mga kamag-anak niya sa iskandalo sa showbiz.

Ang Eigenmann ang isa sa pinakamalaki at pinakapopular na showbiz clan—mula sa mga magulang niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil; sa mga kapatid niyang sina Mark Gil at Michael de Mesa; hanggang sa mga pamangkin na sina Gabby Eigenmann, Ryan Eigenmann, Sid Lucero, Geoff Eigenmann, at Andi Eigenmann.

Pahayag ng 48-year-old actress, “I think as public figures, that’s the price we pay.

“Bahagi din ‘yan ng actions na aming ginagawa in public.

“You know, for whatever, we’ve been in the business for a while now and, I think, my siblings, nieces, and nephews are strong in their hearts and we support each other.

“And I believe that the work and dedication that they put into the craft, well, yun ang mas nangingibabaw to all those intrigues.

“At the end of the day naman, gusto naming maipakita sa mga tao, sa mga tagahanga na ang pagmamahal sa aming mga trabaho ang nauuna.

“At sana ay yun ang mapansin nila.”

Napag-uusapan ba nila ang mga intriga at iskandalo sa kanilang pamilya?

Sabi ni Cherie, “We get together once in a while, but it’s always about fun and love.

“Wala, wala… hindi ganoong pinag-uusapan.

“They have their parents, they know what they are doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They all have to grow up just like us para matutunan nila ang leksyon sa kanilang buhay. Life is a lesson and now it’s a journey.

“We all make mistakes at mula sa karanasan na yun, we all grow up and becoma mature individuals.

“Ang pinakaano diyan ay maitawid nila ang kanilang trabaho at magampanan nila ang kanilang roles to the best of their ability.”

Ano naman ang usual na napag-uusapan nila kung hindi tungkol sa mga intriga?

Natatawang sabi ni Cherie, “Well, they would ask me, ‘Tita, who’s the best stylist? Sino ang magaling na make-up artist na puwedeng…’

“Nothing about lovelife. Pero minsan, yeah, we share, but only when asked.”

Maituturing na nga raw na isang “showbiz dynasty” ang kanilang pamilya tulad ng mga Padilla, Estrada, at Revilla.

Komento ni Cherie na natatawa: “Maganda naman kasi mas marami kaming nako-contribute sa artistic side ng industry.

“It’s in the DNA and the more na ma-propagate ‘yan, why not, di ba?

“We can also be curious what creativity can be passed on sa next generation.

“But I can’t take credit on that.

“I think it’s the seed that was planted to us starting from our parents and I’m just blessed I’m part of this clan.”



CHERIE’S CHILDREN. Kinumusta rin ng PEP kay Cherie ang kanyang sariling pamilya.

Matatandaan na taong 2008 nang makipaghiawalay siya sa kanyang Israeli husband na si Roni Rogoff.

Sabi ng aktres, “My family is okay.

“Although they are miles away from me, and that’s a little sacrifice para sa amin, pero they are okay.

“But you know, ang paniniwala ko… my kids are all in the States right now at malalaki na rin.

“And my daughter [Bianca] is all the way in college, my son [Raphael] is completing his high school, and the other one [Jay] is working in New York.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Bianca at Raphael ay anak ni Cherie kay Roni; samantalang ang panganay na si Jay ay anak ng aktres sa character actor na si Leo Martinez.

Patuloy ni Cherie, “We make the most of it and we make the most what God gave us.

“Kahit siyempre, bilang isang ina ay ayaw kong mawalay sa kanila, pero alam ko ring happy sila for me doing what I really want and do what is best.

“And I hope maging example din ito sa kanila kung anuman ang gusto nilang gawin sa buhay nila at sa kanilang talents.

“Buti na lang ay may Skype. We get to see each other more often kahit sa net lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN