Ai-Ai delas Alas clarifies security escorts at court hearing

Nilinaw ni Ai-Ai delas Alas na hindi miyembro ng PSG ang mga kasama niyang security escorts sa hearing ng civil case na isinampa niya laban kay Jed Salang noong June 19. Ang mga ito raw ay mula sa PNP na siya mismo ang nagbabayad.


Binigyang-linaw ni Ai-Ai delas Alas ang napaulat na kasama niya diumanong mga miyembro ng PSG (Presidential Security Group) sa hearing ng kasong isinampa niya laban sa asawang si Jed Salang sa Quezon City Regional Trial Court Branch 94 noong June 19.

Ayon pa sa report, ang mga naturang PSG ay nanggaling diumano sa matalik na kaibigan ni Ai-Ai na si Kris Aquino.

Ngunit ayon kay Ai-Ai, “Hindi sila PSG, PNP [Philippine National Police] ko sila.

“At ako ang nagbabayad sa kanila. And apat yun, dati pa.

“Hindi n’yo lang nakikita, pero dati pa yun, noon pa yun.

“May PGT [Pilipinas Got Talent] pa noon, apat na sila.

“Nagpatulong lang ako kay Kris, doon sa dalawa.

“Then, noong nalaman ko na ang process, ako na ang kumuha ng iba—dalawa sa bata [her children], dalawa sa akin.”

Sa isang banda, inamin naman ni Ai-Ai na umiiyak pa rin siya kapag naaalala niya ang kanyang mga pinagdaanan.

Isa raw sa ginagawa ni Ai-Ai upang magamot ang sugat na pinagdadaanan ay ang ituon ang kanyang oras at atensiyon sa mga anak.

Noong Huwebes, June 20, ay lumipad papuntang Amerika si Ai-Ai kasama ang anak na si Sancho upang dalawin ang dalawa pa niyang mga anak na sina Sophia at Nicolo na doon nag-aaral.

May isang buwan daw mawawala si AiAi.

(Read: Ai-Ai delas Alas "starting to heal" after split from husband Jed Salang)

Sabi ni Ai-Ai, “Maganda pang pangyayari, kasi ngayon, magba-bonding kami. At siyempre, iba pa rin ang suporta ng mga bata sa akin.”

Malaking tulong daw ang suporta sa kanya ng mga anak niya, lalo na ng panganay na si Sancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN