Charice still not on good terms with mom Raquel Pempengco: “Hindi po talaga... hindi po okay.”

Umaasa si Charice na magkakasundo rin sila ng kanyang ina at mga kamag-anak. Sabi niya, “Gusto ko lang pong sabihin na, alam ko pong nasaktan ko po sila, pero ito po talaga ang journey ng anak nila, kapatid nila—family will always be family.”


Muling nagpaunlak ng panayam si Charice sa kanyang ninong na si Boy Abunda sa The Buzz kahapon, June 23.

Matatandaang sa showbiz talk show rin na ito ng ABS-CBN umamin si Charice na isa siyang tomboy.

(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")

Sa live interview ni Boy kay Charice kahapon, kinumusta ng TV host ang "paglalakbay" ng singer mula nang umamin siya.

Sagot niya, “So far po, sobrang blessed po.

“Basta, nagpapasalamat po ako na ginawa ko yun—yung napakalaking desisyon.”



ACCEPTANCE. Kung sa mga social networking sites, mababasa ang iba’t ibang naging reaksiyon kay Charice ng netizens.

Ang nakakatuwa raw ay maluwag siyang tinanggap ng mga kababayan niya at mga kasamahan niya sa industriya.

Pahayag ni Charice, “Gusto ko po siyempreng magpasalamat, pero particularly po sa sambayanang Filipino.

“Kasi po, noong nag-decide po akong mag-come out, yun po ang inisip ko— kung ano ang magiging reaksiyon ng fellow Filipino.

“Sa ipinakita po nila sa aking suporta, unexpected po, gusto ko pong magpasalamat."

May choice si Charice na sa Amerika o dito sa Pilipinas sabihin ang kanyang tunay na katauhan, pero sa huli ay sa sarili niyang bansa pinili ng singer na ilantad na siya ay isang tomboy.

Sabi niya tungkol dito, “Dahil isa rin po yun sa malaking dahilan kung bakit ako nakahinga nang maluwag, dahil sa suporta ng fellow Filipino.”



MOM’S FEELINGS. Bukas din sa lahat na pagkatapos lumabas at umamin ni Charice, sumunod na linggo ay ang ina naman niyang si Raquel Pempengco ang nagsalita at nagpahayag ng nararamdaman nito.

(Read: Raquel Pempengco: "Ang pakiramdam po namin ay itinakwil na kami ni Charice)

Kumusta na silang mag-ina ngayon?

Sabi ni Charice, “Hindi naman po ako magsisinungaling. Hindi po talaga... hindi po okay.

“Pero, nandoon lang naman po, always, yung hope ko.

"At alam ko, eventually, maaayos din po ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ang ini-expect ko lang siyempre ngayon, hindi naman agad maaayos nang ganoon kabilis.

“Naiintindihan ko po ang narararamdaman nila.

“Sa akin po, gusto ko lang pong sabihin sa kanila na, puwede po nilang kunin ang lahat ng time na gusto po nila.

“Kahit na gaano katagal, maghihintay po ako.

“Siyempre, gagawa rin po ako ng effort para maayos ang lahat.

“Gusto ko lang pong sabihin na, alam ko pong nasaktan ko po sila, pero ito po talaga ang journey ng anak nila, kapatid nila—family will always be family.”



JAMMING WITH AIZA. Kinumusta rin ni Boy kay Charice ang pagdu-duet nila ni Aiza Seguerra sa isang concert.

Kuwento ni Charice, “Nangyari po ito sa Greenbelt.

“At isa lang ang masasabi ko—ang galing niya po!

“Kaya po nagpapasalamat po ako kay Aiza for giving me the chance na makapag-perform po with her.

“Sana hindi yun ang last, para maulit pa.”



FORTHCOMING. Ano na ang mga susunod niyang proyekto?

“Hindi ko po alam kung puwede ko nang sabihin, pero na-record ko na po siya, dito po sa Pilipinas.

“Tinulungan po ako ng mga producers ko, nasa L.A. [Los Angeles] po sila, through Skype.

“Para po yun sa isang animation show sa U.S.

“Bukas po [June 24], magpa-fly po rito ang musical director ko, si Troy Laureta, kapatid po siya ni Cheesa, para ma-start na po namin yung album ko dito sa Philippines.

"Excited po ako.”



SONG FOR ALYSSA. Tinanong din ni Boy si Charice kung wala ba itong planong gumawa ng project kasama ang rumored girlfriend na si Alyssa Quijano.

Maaari raw kasi na ikuwento nina Charice at Alyssa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagkanta.

“Pinag-iisipan po namin, puwede!” natatawang sabi ng singer.

Pero kumusta ba si Alyssa?

“Okay po, nahihiya po siya. Pero, at least, hands-down, napakagaling niyang kumanta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, hindi naman pinayagan ni Boy na matapos ang interview na hindi pinapakanta si Charice.

Ang ipinakanta rito ay kung ano raw ang kanta nito ngayon.

Sabi naman ni Charice, “Wala po itong konek sa nararamdaman ko ngayon. Pero, ito po ang favorite namin ni Alyssa."

Ang naturang kanta ay “Just Give Me a Reason.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN