John Lloyd Cruz celebrates 30th birthday with back-to-back parties last weekend

Nagdiwang ang aktor na si John Lloyd Cruz ng kanyang ika-30 kaarawan sa pamamagitan ng magkahiwalay na parties noong Sabado at Linggo. Ilan sa mga kuha mula sa parties na ito ay ipinost ni Angelica at ng kanilang mga kaibigan sa Instagram.


Ngayong araw, June 24, ang 30th birthday ng premiere actor na si John Lloyd Cruz.

Pero noong Sabado (June 22) at Linggo (June 23) ay nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na birthday celebration ang Box-Office King.

Last Saturday, sa isang event ng ini-endorse niyang watch brand, ay nakasama ni John Lloyd ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Dito niya naikuwento sa TV Patrol, na umere kanina, ang tungkol sa inihandang malaking party ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Sinabi ni John Lloyd na wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon.

Saad ng aktor, “I’m in a very good place, wala na akong mahihiling pa sa personal kong buhay.

"People can say what they wanna say, but in truth I’m very blessed, and I have my family, I have a very big support system.

"Meron akong trabahong... I enjoy doing, puwedeng [sa] ibang tao ’to [mapupunta] pero ako yung nandito kaya nagpapasalamat ako.”

Excited din siya sa inihandang party sa kanya ni Angelica.

Kuwento niya, “Angelica is throwing me a big party. Feeling ko, lahat ng gusto ko, mangyayari sa araw na yun.”

Nangyari ang nasabing party kagabi, June 23, sa Le Pavillion, Roxas Boulevard, Pasay City.



IDAN ALIENS. Isang private party ang birthday salubong na personal na inasikaso mismo ni Angelica.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account kagabi ang litrato ng stage na may malaking mga letrang "IDAN ALIENS."

Ang "Idan," ayon sa mga usap-usapan ng mga IG followers ni Angelica, ay ang palayaw sa totoong buhay ni John Lloyd.

Patuloy namang tinatanong pa rin ng followers ni Angelica kung ano ba ang ibig sabihin ng "Aliens," pero wala pa itong sagot hanggang ngayon.

Kasunod na ipinost ni Angelica ay ang litrato nila ni John Lloyd na naghahalikan. Repost daw ito mula sa IG account ni Direk Ruel Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ilan pang posts ng isang kaibigan nila, makikita sina John Lloyd at Angelica na sweet na sweet sa isa’t isa.

Ilan sa mga nag-perform sa birthday party ni John Lloyd ay sina Charice at Aiza Seguerra. Nakipag-jam pa ang aktor kay Aiza.

Ang birthday cake naman ni John Lloyd ay may katabing mga bote ng isang brand ng beer, kaya hinala ng iba, baka isa ito sa maging endorsement ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN