Enchong Dee keeps mum about cause of breakup with Julia Montes: “Kung anuman ang nangyari sa amin in the past, it’s just between the two of us.”

Ayaw nang ungkatin pa ni Enchong Dee kung anuman ang nakaraan nila ni Julia Montes. Ang mahalaga raw, “Whatever happens… basta nandito kami sa ngayon sa estado na pinagtitibay muna namin ang pagkakaibigan namin. ’Coz doon naman talaga nagsisimula ang lahat, e.”


Sa press visit para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Muling Buksan Ang Puso, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) si Enchong Dee.

Kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa Baras Church kahapon, June 24.

Gagampanan ni Enchong sa teleserye ang papel ni Leon, isa sa leading men ng lead actress na si Julia Montes.

Ito ang unang pagkakataon na gaganap sila bilang lovers sina Enchong at Julia dahil sa mga nakaraang pagsasama nila, tulad sa mga pelikulang Reunion at The Strangers, ay laging magkabarkada ang roles nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Enchong?

Sabi niya, “To be honest and be detailed about it, noong prinisent [presented] yung kuwento, I asked for a workshop—bonding for the two of us.

“And, shockingly, yun din ang hiningi niya [Julia].

“So, sa first move pa lang, what we gained or whatsoever, swak na kami.

“Kumbaga, pareho naming winish [wished] na maging okay bago magsimula ang proyektong ito.

“Kaya noong nandoon na kami sa workshop, inilabas na namin lahat.”



TIMING. Ano naman ang napag-usapan nilang dalawa noong bonding nila? Part ba ng naging usapan nila ang past nila na walang masasabing closure?

Bagamat hindi nila inamin sa publiko, marami ang nakakaalam na naging sila talaga at nag-break noong October 2012.

Sabi ng Kapamilya young actor, “We talked about... we agreed na wala kaming ilalabas.

“Then, after the workshop, naging maayos na.

“Honest kami sa isa’t isa at yung tiwala namin sa isa’t isa, sabi namin ay muli naming ibabalik.

“At saka kung sasabihin man ng tao na, ‘Grabe naman, timing naman. Porke’t may gagawing teleserye…’

“Oo, timing siya na meron kaming gagawing teleserye and naging daan ang teleseryeng ito para kami magkaayos.

“Kumbaga, kung anuman ang nangyari sa amin in the past, it’s just between the two of us.

“Kaya nga mas madaling naayos namin ang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaming dalawa lang kasi ang involved kaya, ayun, mas madaling nagawan ng paraan.”



CLOSURE. Sa muli nilang pagsasama nina Enchong at Julia, marami ang may gustong malaman kung may karugtong na ba ang naudlot nilang relasyon noon.

Sabi ng young actor, “Siguro, let’s put it this way... yung wish ng karamihan na magkasama kami every day, na magkasama kami sa isang soap opera, nandito kami ngayon sa posisyon na yun, e.

“Whatever happens… basta, nandito kami sa ngayon sa estado na pinagtitibay muna namin ang pagkakaibigan namin.

“’Coz doon naman talaga nagsisimula ang lahat, e.

“Basta siguro, paisa-isa.

"Siguro kapag nagka-book two na ito [Muling Buksan Ang Puso], doon ninyo kami tanungin uli,” pagbibiro pa niya.

“Pero sa ngayon," patuloy ni Enchong, "nandoon na kami sa moment na yun na… ako, to be honest about it, parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin yun.

“Kasi, kagagaling ko pa lang sa Ina Kapatid Anak.

“Sabi mo nga, noong isang araw ay parang MMK [Maalaala Mo Kaya] ang ginagawa ko, kasi panibagong set na naman.

“So, nandoon ako sa stage na nag-a-adjust pa lang.

“And even with Julia, nabubulul-bulol pa kami sa dialogues namin. Ganoon talaga.

“Siguro, yung bulol moments namin ay yung workshop.

“Pero kasi, matagal na yun. At sa ngayon, nabubulol kami not because of naiilang kami sa isa’t isa—it’s more of the new… yung character namin.”



DISCOVERING. Inalam ng PEP kay Enchong kung ang chemistry ba nila ni Julia ngayon ay mas solido at mas may dating.

Sagot niya, “Hoping. Kasi, ano, e, hindi pa naming masabi talaga, e.

“Pero, iyon yung dini-discover pa lang namin sa ngayon… sana.”

Paano ba sila sa bumabawi sa mga nawalang pagkakataon nila sa isa’t isa?

“Conversation, communication... Ayun, kuwentuhan sa madalas na small talks.”

May kilig pa ba siyang nararamdaman sa dati niyang minahal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Again to be honest, kailangan namin yun dahil sa ginagawa namin ngayon, pero hindi namin pinipilit.

“Hindi namin sinasabi ito just for the audience to patronize our show.

“Sinasabi namin ito ‘coz that’s what’s happening.

“Naging parte... kumbaga sa isang bagay, isa siya doon sa ingredients sa aming teleserye. Yun.”

Binabalikan pa ba nila ang kanilang nakaraan sa kanilang pag-uusap sa set ng Muling Buksan Ang Puso?

“Siguro yung mga good na lang, not the bad [memories].

“Kumbaga, ibinaon na. Ako, ibinaon ko na, ewan ko sa kanya,” sabay-turo ni Enchong kay Julia na nangingiti-ngiti.

Dagdag niya, “Ang lagi naming napag-uusapan ay may kinalaman sa pagkain. Like, ‘What do you want, sweet or salty?’

“Yun, kabisado na namin ang isa’t isa.”



DREAM ROLE. Ayon kay Enchong, ang role niya sa Muling Buksan ang Puso ay "mas mature but gray role."

Kasing bigat ba ito ng mga ginampanan nina Coco Martin at Paulo Avelino sa Walang Hanggan?

Pahayag niya, “Basta noong prinisent [presented] yung story, sinabi ko na, ‘Siguro, heto na ang role na ang tagal ko nang pinangarap, ang tagal kong hinintay.’

“Kaya nga kahit nalaman ko na si Julia ang makakasama ko, sabi ko, ‘Wait...’

“Pero, napakaliit na bagay yun para haluan ko ng personal ito.

“Kasi, ang ganda... ang mga pinangarap kong ito, ang character.”

Paano ba niya aatakihin ang ganitong klaseng role?

Sabi ni Enchong, “May mga taong nag-offer ng guidance nila.

“Example, si Ate Janice [de Belen], si Ms. Pie [Cherry Pie Picache].

“Sabi nila sa akin, ‘Just text me if you need any help and guidance.’"

Sina Janice at Cherry Pie ay nakasama ni Enchong sa katatapos lang na teleseryeng Ina Kapatid Anak.

“And now, I always collaborate lagi sa aming director [Manuel Palo] kasi siya ang lagi kong kasama.

“Ayoko kasing i-limit ang sarili ko sa mga taong handang tumulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, may mga pieces kang makukuha sa kanila na puwede mong magamit in the future, maybe not today.

“Kaya, very open ako doon sa mga advices nila at saka sinasarado ko ang sarili ko doon sa mga, ‘Uy, ang galing mo!’

“Kasi, kapag ipinasok ko sa ulo ko yun, baka hindi na ako matuto.”



FAVORITISM. May nararamdaman ba siyang pressure ngayon bilang isang aktor?

Sabi niya, “Mas mataas ngayon, kasi nga, rare ang opportunity na mabigyan ka ng pagkakataon na katatapos mo pa lang sa isang proyekto, heto na naman.

“Tapos, may pelikula ka pa [Four Sisters and A Wedding] na sasabihan ka na, ‘Siguraduhin mo na kung ano ang napapanood sa iyo sa big screen, ganoon din sa TV.’ So, yun.”

Kaya raw hindi maalis ang issue ng favoritism dahil sa sunud-sunod niyang projects.

“Siguro kung may favoritism, ba’t ngayon lang? Matagal na ako sa ABS-CBN,” pagtatanggol ni Enchong sa sarili.

“Siguro, nakita lang nila na handa akong magtrabaho 24/7.

“Wala sa akin yun. Handa akong hindi makatulog, hindi ako nagrereklamo.

“Siguro yun ang mga bagay na nakita nila.

“With regards to favoritism, hindi ako makakasagot niyan kasi…”

Sa tingin ba niya ay may naiinggit na ibang aktor sa kuwadra ng Dos sa dami ng kanyang ginagawa?

Sagot ni Enchong, “Siguro, pana-panahon lang.

“Dumating din naman ako sa punto na nagtatanong kung ano ang susunod kong gagawin—naghihintay.

“Pero kapag dumating naman sa iyo, huwag mong pakawalan, huwag kang mag-inarte, huwag kang mag-complain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN