Janelle Manahan finds new love after the tragedy: "He inspires me to move on and love life again."

Sa kabila ng trahedyang pinagdaanan ni Janelle Manahan ay nakatagpo pa rin siya ng isang lalaking magmamahal sa kanya muli. Saad niya, “Nakakatuwa lang na alam mong may taong nandiyan na sinusuportahan ka sa lahat ng laban na hinaharap ko. He inspires me to move on and love life again. He understands what I am going through and he is there to push me into this life na kailangan kong harapin ulit."


Handa nang ipagpatuloy ni Janelle Manahan ang kanyang showbiz career pagkatapos ng mga naganap na trahedya sa kanyang buhay.

Para kay Janelle, kailangan na niyang mag-move on dahil hindi raw habang buhay ay mananatili siyang takot.

Saad niya, “I want to build a new life for myself.

"For the past two years, I was living this life na nagtatago sa mga tao. Ayoko na ng gano’n.

“I want to move on with my life.

"Kahit na alam kong mahirap at medyo nandoon pa ang takot, I need to be brave in order to have the life that I deserve.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janelle nang mag-guest siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel.

INTERACTING WITH PEOPLE. Nagtatrabaho ngayon si Janelle sa isang real-estate company at maganda naman daw ang katayuan niya rito.

Naging priority raw niya ang kanyang trabaho dahil iyon ang simula ng kanyang pagiging independent ulit.

Sabi ni Janelle, “I need to be with other people. Gusto ko yung nakikipag-interact ako with different people.

"Yun ang nature ng work ko ngayon.

“Of course, may mga nakakilala sa akin. I don’t mind kung makilala man nila ako because of what happened.

"Yun naman ang nangyari, e. That is what I have to face every day.”

Noong mangyari ang malagim na trahedya sa buhay ni Janelle noong October 2011, na ikinasawi ng kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla, matagal din siyang hindi pinayagan na lumabas at makisalamuha sa ibang tao.

Lahad niya, “Siguro eight months din yun na hindi ako puwedeng makipag-communicate with other people—not unless it’s my family or the lawyers.

“It took me almost a year to adjust to that kasi hindi ako sanay na walang kausap, e. Masayahin akong tao and I love going out.

“But because of what happened, kailangan maprotektahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naintindihan ko naman iyon. Buhay ko na ang importante.

"I was just lucky to have survived kaya kailangan pahalagahan ko ang panibagong buhay na ibinigay ni Lord sa atin.

“Now that two years had passed, gusto ko naman na maiba na lahat.

“I want to show them na kaya ko na, hindi na ako natatakot.

“Kung meron mang mga nagsasabi sa akin ng hindi maganda, okey lang. Ipinagdarasal ko na lang sila.”

FAMILY FIRST. Sa lahat ng nangyari kay Janelle, nagising siya sa katotohanan na kailangang bigyan niya ng halaga ang mga importanteng tao sa buhay niya tulad ng kanyang pamilya.

Inamin ni Janelle na matagal siyang nahiwalay sa kanyang pamilya noong may relasyon sila ni Ramgen.

“Naging priority ko kasi ang relationship ko with Ramgen.

“Yung family ko, almost four years ko rin silang hindi nakasama because of my personal relationship.

“Before, kapag bibisitahin ko ang family ko, pinapauwi ako agad ni Ramgen. Kaya I had almost no time for my family noon."

Dagdag ni Janelle, “Noong mangyari nga ang lahat, the very first people who were there ay ang family ko.

“Doon ko na-realize na kahit ano pa ang nagawa kong mali, my family will always be there for me.

“Kaya ngayon, isa na sila sa priorities ko.

"My family kasi, sa Bicol sila nakatira lahat. Ngayon, kahit malayo, I try my best to be with them.

“Kung hindi ako ang uuwi sa Bicol, sila ang dumadalaw sa akin dito sa Manila.

“Ngayon nga ay constant ang communication ko with them.

“Malaki ang pagkukulang ko sa pamilya ko and I’m doing my best to make up for the many years na hindi nila ako nakasama.”

SHOWBIZ COMEBACK. Sinimulan ni Janelle ang kanyang pagbabalik sa sowbiz sa pamamagitan ng paggawa ng isang indie film, ang Bad Romance. Magandang start daw iyon sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “At first, worried ang family ko kasi baka hindi ko pa raw kaya. Matagal kasi akong nagpakalayo.

“But I said to them na huwag silang mag-worry kasi ito ang gusto kong gawin. Kakayanin ko.

“It just so happens na yung director ng Bad Romance is my cousin [Ian del Carmen], kaya I know na I am in good company. Walang masamang mangyayari sa akin.

“When I started shooting for Bad Romance, sa isang location lang kami at ako lang ang kinunan muna.

“Medyo careful din sila sa akin and they don’t want a lot of people around.

“One whole day lang naman kami nag-shoot ng mga eksena ko.

Bad Romance was my very first movie.

"Never pa akong gumawa ng kahit na anong movie. Puro TV lang ako before."

Si Janelle ay produkto ng artista search noon ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

Patuloy niya, “Ngayon, they are talking about a sequel to Bad Romance at makakasama ulit ako.

“Aside siyempre sa pagsimula ulit ng showbiz career ko, I’m still working with a real-estate company.

"Hindi ko naman puwedeng iasa lahat sa showbiz, di ba?”

NEW LIFE, NEW LOVE. Kasama sa pag-move on ni Janelle sa kanyang buhay ay ang pagkakaroon ng bagong buhay-pag-ibig.

Katuwiran ni Janelle, kailangan din niya ng inspirasyon sa buhay.

Sabi niya, “Nakakatuwa lang na alam mong may taong nandiyan na sinusuportahan ka sa lahat ng laban na hinaharap ko.

“He inspires me to move on and love life again.

“He understands what I am going through and he is there to push me into this life na kailangan kong harapin ulit.

“I can say that he helped me heal the wounds that affected me physically, emotionally, and mentally.

“Dahil diyan, I am thanking him for the love and support that he gives me every day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pinangalanan ni Janelle ang kanyang sinasabing inspirasyon dahil pribadong tao raw ito.

“It’s better to keep him to myself. Mahirap na kasing may masabi ang ibang tao.

“There are people who understand and there are people who don’t and they judge you right away.

“Mabuti na itong quiet na lang tayo,” sabi niya.

MISSING RAMGEN. Hindi naman itinatanggi ni Janelle na nami-miss pa rin niya si Ramgen.

Sabi niya, “I miss him every single day.

“Matagal ang pinagsamahan namin and you just don’t throw that away nang basta-basta.

“But like what I said, I have to move forward. I still have my life to take care of.

“Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko ngayon, ako na ang nagdesisyon at hindi ibang tao.

“It’s time for me to take control of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN