Shamcey Supsup and Lloyd Lee announce December wedding

Bago ang kasalan, nagpalitan ng mga pangako ang magkasintahang Shamcey Supsup at Lloyd Lee.

Lloyd: “Ako, I can promise to always put Shamcey first in our relationship and she will always be my everything.”

Shamcey: “I will never leave you and sana, go with this life, in this journey, with you as my partner.”


Sa pamamagitan ng isang Chinese wedding engagement ceremony ay inanunsiyo ang nalalapit na pagpapakasal ng magkasintahang Shamcey Supsup at Lloyd Lee.

Sa ginanap na ceremony ilang linggo pa lang ang nakalilipas, napag-alamang sa December ngayong taon mag-iisang dibdib ang beauty queen at kasintahan nito.

Noong Linggo, June 23, magkasamang humarap sina Shamcey at Lloyd sa panayam ni Boy Abunda sa The Buzz upang ikuwento ang simula ang kanilang pag-iibigan.

Una raw nasilayan ni Lloyd si Shamcey sa 2011 Binibining Pilipinas coronation night, kung saan ang architecture graduate bilang Bb. Pilipinas-Universe.

Nanonood sa Araneta Coliseum si Lloyd kasama ang kanyang ina dahil isa rin sa mga contestant ang pinsan niya.

Kuwento ni Lloyd, “Nakita ko na kasi siya before.

“And I asked my mom, sabi ko, ‘Mommy, kung yun ba ang magiging girlfriend ko, papayag ka kaya?’

“Sabi ng mommy ko, ‘Naku, magagalit yata si Daddy sa iyo, kasi beauty queen, public life. Kapag Chinese, mas gusto nila na tahimik lang, private.’”



BY INVITATION. Pagkatapos ng Miss Universe pageant, kung saan naging third runner-up si Shamcey, nagkaroon ng birthday at victory party ang beauty queen.

Lahad ni Shamcey, “I had my birthday/victory party.

“Of course, I was inviting a lot of Binibining friends to come to my party.

“Si Carol [Lloyd’s cousin], actually, wasn’t part of my guest list, so hindi siya invited. Kasi nga, wala akong number niya.

“The day before my birthday, she texted me.

“Sabi niya, ‘Sham, ano na ang balita?’

"So, sabi ko, ‘O, Carol, tomorrow is my birthday, punta ka.’

“Then, she texted me back. Sabi niya, ‘Can I bring my cousin?’

“Sabi ko, ‘Okay, you can bring somebody.’

“Kasi, medyo malayo ang party, malapit sa bahay namin.”

Ano ang nangyari sa party niya?

Saad ni Lloyd, “Nakita ko si Shamcey, having pictures with some of the guests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, kasama ko si Carol with other candidates.

“Tinatanong nila ako kung single ako... ‘Ayun o, single rin si Shamcey!’"

Sabi naman ni Shamcey, “Actually, hindi raw niya alam na yung birthday was my birthday.

“So, I was looking sa table nila, Carol introduced him to me.

“Sabi niya, ‘He’s my cousin, single ‘yan. Patay na patay sa iyo ‘yan—i-date mo na!

“Yun pala, wala naman itong sinasabi kay Carol,” tukoy niya kay Lloyd.



FRESH APPROACH. Matatapos na ang party ay hindi pa nakukuha ni Lloyd ang cell phone number ni Shamcey, at tinutukso na raw siya ng pinsan na hingin niya ito.

Nang hingin ni Lloyd kay Shamcey ang number niya, parang napreskuhan naman daw ang beauty queen sa binata.

Natatawang kuwento ni Shamcey, “E, kasi, first time naming magkita, tapos hinihingi na niya ang number!

“So, sabi ko, ‘Carol has my number. You get it from her.’

“The next day, wala pa ring nagti-text sa akin.

“I went to Carol’s Facebook and I looked for his account.

“Pag-open ko, nakita ko na, ’Shamcey’s 25thbirthday.’ Parang yun ang naging way to message him.

“Parang, ‘Hi, where did you get the pictures? Nauna ka pa sa akin. Saan mo nakuha?’

“He was asking my number. Sabi ko, ‘No, Facebook muna tayo.’

“The next morning, Facebook ulit kami. Sabi ko, ‘I have to go. I have to go to the gym.’

“Sabi niya, ‘Can I get your number?’ Sabi ko, ‘Give na lang your number.’

“So, he gave me his number. Tapos, hindi ko natiis, Wednesday night, tinext ko siya.

“Then, Friday, he asked me out, ‘Do you wanna watch Pirates? Sabi ko, ‘Sige.’”



FIRST DATE. Biniro ni Lloyd si Shamcey na mas maganda pa ang katabi niya kaysa sa pinapanood nila.

Lalo na’t panay raw ang tanggal niya sa 3-D glasses niya dahil may suot siyang salamin sa mata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Shamcey, “I remember, during our first date, he brought me to his house.

“Which means, walang iba, wala siyang itinatago.

“And then, Sunday, I had work, I had a guesting.

"Then, he texted me. Sabi niya, ‘You want, I’ll drive for you?’

“Wala raw siyang ginagawa noong Sunday, he can accompany me raw.

“Sabi ko, ‘Okay, sure.’

“Noong sunduin niya ako sa bahay, nakita siya ni Mommy. Nagulat siya.

“Sabi niya, ’Bakit iba itong nagsusundo sa iyo? Parang bago ito? Parang ngayon ko lang ito nakita.’”

Habang nasa sasakyan, tinanong ni Lloyd si Shamcey kung bakit hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend.

Sagot naman ni Shamcey, “Gusto ko, kapag magkaka-boyfriend ako, yun na ang mapapangasawa ko—ayoko munang mag-commit.

“Sabi niya, he loves me daw.

“Siyempre, noong time na yun, lutang lang ako. So, smile lang ako, sumakay na ako.

“Doon ko na-realize na I forgot my lady guard who’s been waiting in Cubao.

“I forgot my shoes after the event, so, sabi ko, ‘Hindi puwede ito. Kakapanalo ko pa lang. I have a lot of commitments.’

“Parang doon sa nangyari, parang nawala na ako.

“E, ako pa naman, very focused ako, ayoko ng distraction.”



DISTRACTION. Noong oras na yun, ang tingin na raw ni Shamcey kay Lloyd ay posibleng maging “distraction” sa kanya.

Sabi ni Shamcey, “I texted him. Sabi ko, ‘Maybe, we shouldn’t text each other.”

Sabi naman ni Lloyd, “I said, ‘Okay lang naman kung medyo busy ka ngayon. I’m willing to work things out… wait.’"

Ayon naman kay Shamcey, “That was time na parang hindi pa ako sigurado. Even though I like him, sabi ko, ‘I have to be sure.’

“One whole day, ’Oh, my God!’

“And then, I was telling my Binibining friends, kasi palagi ko silang kasama.

“Sabi nila, ‘Ano ka ba? Halata namang gusto mo, pinapabayaan mong mawala.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun, I told him, ‘Hindi ko kaya!’”



MONTHSARY. Ano ang meron sa petsang June 16?

Ayon kay Lloyd, “Nag-Instagram ako sa kanya, ‘I love you.’ Sabi niya, ‘___ you too.’ Sabi ko, ‘Ano yun?’"

Si Shamcey ang nagkuwento na, “Sabi ko, ‘Ayoko na, ayoko nang ulitin!’

“Tapos, napilit niya ako. Sabi ko, ‘I love you.’

“Pero ayoko ngang lagyan ng label, gusto ko lang, happy.

“Tapos, June 16, nag-text siya sa akin na, ‘Happy monthsary.’

“Sabi ko, ‘Bakit?’

“Sabi niya, ‘Kasi, May 16 tayo nag-meet. So, one month na tayong magkakilala.’

“Yung mga nangyari, one month lang yun.

“Tapos, nag-text siya, ‘Will you be my girlfriend?’

"Sabi ko, ‘Ang pangit naman, sa text lang.’"

Sabi ni Lloyd, “Ayaw niya sa text, kaya ang ginawa ko, yung ibinigay niya sa akin noong birthday ko…”

Ang tinutukoy ni Lloyd ay ang drawing ni Shamcey na ibinigay sa kanya.

Kuwento ng beauty queen, “He didn’t know that while we’re talking on the phone, I was sketching him already.

“During his birthday, I took him to U.P., binigyan ko siya ng gift.”

Pagpapatuloy ni Lloyd, “Ang ginawa ako, pina-frame ko ang drawing niya.

“Pumunta ako sa bahay nila at ipinakita ko yung frame.

“Then, pagtingin niya sa akin, ibinigay ko yung bouquet, nakaluhod na ako, ‘Will you be my girlfriend?’



ENGAGEMENT. Nag-propose si Lloyd ng 3 a.m. at ibinigay niya ang promise ring kay Shamcey.

Ayon sa dalawa, December 2011 pa lang ay engaged na sila.

Sabi ni Lloyd, “Proposal or engagement or whatever you call it, basta, sure na ako na siya na talaga.”

Sa preparasyon ng kasal, si Shamcey ang nakatoka sa mga pagpaplano habang si Lloyd naman sa costing o budgeting ng kasal.

Ano ang masasabi nila sa Panginoon?

Sabi ni Lloyd, “Sana He keeps fighting for our relationship.”

Sabi naman ni Shamcey, “Everyone that gets married get the person that they really like for the rest of their life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And He would guide us every step of the way. He can use us to show people that there can still be love on marriage—love can endure.”

Ano naman ang maipapangako nila sa isa’t isa?

Ani Lloyd, “Ako, I can promise to always put Shamcey first in our relationship and she will always be my everything.”

Sabi naman ni Shamcey, “I will never leave you and sana, go with this life, in this journey, with you as my partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN