CBCP scrutinizes My Husband’s Lover, says TV networks should be sensitive about the theme of the shows they air

CBCP-ECY executive secretary Fr. Kunegundo Garganta raised CBCP’s concern over GMA-7’s new teleserye, My Husband’s Lover. Fr. Gargantaang says, “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng My Husband’s Lover... na sana maisaalang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad.” Ang<


Binatikos ng Simbahang Katoliko ang bagong primetime teleserye ng GMA-7, ang My Husband’s Lover.

Ang naturang show—na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez—ang kauna-unahang programa sa telebisyon na tumatalakay sa relasyon ng dalawang lalaki o ng dalawang bakla.

Gumaganap si Tom Rodriguez bilang lalaking may asawa (Carla Abellana) at mga anak, ngunit may pagmamahal din sa dating karelasyon na ginagampanan ni Dennis Trillo.

Ayon sa artikulong lumabas sa rappler.com ngayong araw, Hunyo 25, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) executive secretary Fr. Kunegundo Garganta na kailangan pag-aralan mabuti ng mga writer ang tema ng mga ginagawa nilang palabas.

Kailangan daw maging sensitibo ang mga television network sa bansa sa mga ipinapalabas nilang programa, lalo na ang magiging epekto nito sa kabataan.

Ani Fr. Garaganta, “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng My Husband’s Lover...

“Na sana maisaalang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad

“Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye.”

APPROVED BY MTRCB. Samantala, tinugunan naman ng Malacañang ang panawagan na ito ng Simbahang Katoliko sa mga TV network.

Ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa ganitong mga isyu.

Kaya naman bago pa ipalabas ang My Husband’s Lover ay dumaan na ito sa MTRCB para sa isang screening.

Pinahintulutan ng ahensiya na maipalabas ang teleserye, ngunit binigyan ito ng Strong Parental Guidance (SPG) rating.

Nangangahulugan na kailangang subaybayang maigi ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood ng naturang programa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kung sakali mang makatanggap ng reklamo ang MTRCB tungkol sa naturang show ay agad naman nila itong aaksyunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Alam niyo po, madali—mabilis pong gumalaw ang MTRCB lalo po pag nakaka-receive po sila ng mga complaints from parents.

“So ini-encourage na lang po natin yung mga magulang, kapag meron po kayong nakita na sa inyong pakiramdam ay hindi po angkop doon sa ibinigay na rating ay i-report po natin agad sa MTRCB.”

Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang linggo na ang My Husbands Lover at nakakakuha ng magandang ratings sa primetime block ng GMA-7.

Hiningan na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang GMA-7 tungkol sa naturang isyu ngunit sa ngayon ay hindi pa sila sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN