Rafael Rosell enjoyed "solo moment" while taping Maghihintay Pa Rin in Singapore

Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg">

Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg">

Hindi alintana ni Rafael Rosell ang mga mahihirap na eksena niya sa GMA-7 afternoon soap na Maghihintay Pa Rin. Sabi niya, “Naramdaman ko yung parang responsibilidad ko bilang leading man niya. Naramdaman ko yung pagtitiwala sa akin ng network kaya enjoy ako sa eksena na yun.”


Nag-location shoot ang cast ng GMA-7 afternoon series na Maghihintay Pa Rin sa Singapore, kasama ang lead stars na sina Rafael Rosell at Bianca King.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rafael, tinanong namin siya kung ano ang pinakamahirap niyang eksena na kinunan sa Singapore.

Sagot niya, “Engulfed na engulfed kasi ako sa character ko doon, e, kaya hindi ko maramdaman yung paghihirap.

“Pero siguro, yung sa eksena na naglalakad si Kiko [his character] at parang tinalikuran na siya ng buong mundo...

“Dahil ang dami nang paghihirap, pagsubok, at wala nang trabaho, wala nang tirahan, walang pagkain.

“Tapos, ang daming taong nanonood at biglang sinabi sa akin na, ‘Ito ang kukunan nating eksena.’

“Ang haba ng lines, ang bigat pa.”



ONLOOKERS. Marami ngang mga Pinoy na nanood sa taping nila.

Kuwento ng Kapuso actor, “Pati mga Singaporeans, mga foreigners nagpa-picture din.

“Na-appreciate nila ang mga eksena kaya yung pinakamahirap talaga, yung binagsakan ako ng maraming lines na hindi ko alam.

“Tapos iyakan, at ako lang mag-isa sa eksena, kaya iyon ang pinaka…

“Hindi naman pinakamahirap, pero pinakamasarap na experience para sa akin.

“Naramdaman ko yung parang responsibilidad ko bilang leading man niya.

“Naramdaman ko yung pagtitiwala sa akin ng network kaya enjoy ako sa eksena na yun.”

Gumaganap namang leading lady niya rito si Bianca King, bilang si Geneva.

Excited na rin si Rafael na makunan ang mga eksena na kung saan makukulong si Kiko.

“Oo naman, ready na ako sa mga eksenang iyon,” sabi niya.

INDONESIAN HAZE. Bago raw sila umalis sa Singapore ay inabot nila ang haze na nagmula pa sa bansang Indonesia.

Ayon kay Rafael, “Pero ang inisip kasi ng mga tao, wildfire yun. Hindi, e, sadya talaga yun.

“Sinusunog talaga nila yung mga raw materials, e.

“Sumusobra talaga, sinusunog nila, kasi ganoon nila dini-dispose, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, yung galing sa sugar canes nila, parang ganoon yata.

“May PSI [Pollutant Standards Index] measurement siya sa ere na nire-report sa news, so pag sumobra siya, masama na talaga.

“Nagkakaroon ng itchy eyes, sore throat, hindi makahinga nang maayos, laging nauuhaw.

“Kaya sabi ko kina Mommy pag may ganyan, sa bahay na lang sila, huwag silang lumabas.

“Kaya hindi rin ako maka-tweet nang maayos or mag-post sa Instagram.

“Kasi, baka magalit naman yung mga taga-Indonesia sa akin!

“Kausap ko rin yung mga taxi drivers sa Singapore. Sabi nila, mahirap daw sa Indonesia na itigil yun dahil iyon ang pinakamurang paraan para i-dispose.

“So unless na magbabayad ang buong mundo para tulungan sila gawin yun, hindi sila magte-take ng action.

“Every year yun, twice a year,” tukoy pa rin ni Rafael sa naturang pagsusunog ng raw materials sa Indonesia.

HOMESICK. Sa Singapore na naka-based ngayon ang mga magulang ni Rafel at ang kanyang bunsong kapatid.

Pero originally ay sa Norway sila nakatira, pero matagal na raw hindi nakakauwi roon ang aktor.

Ang huling uwi niya sa bansang kanyang pinanggalingan ay noong 2007 pa raw.

Sabi niya, “Gusto ko ngang bumalik, e, kaso wala na akong pupuntahan doon, e.

“Nasa Singapore na sina Mommy at Daddy at si bunso.”

May bahay pa naman sila sa Norway pero caretaker lang daw ang nakatira at nag-aalaga ng bahay nila.

Five-bedroom house ang pag-aari nina Rafael sa Stavanger sa Norway.

“Then, may basement din, doon ginanap yung training ko para maging independent... seventeen or eighteen lang yata ako noon,” pagbabalik-tanaw niya.

Bakit sa Singapore na nakatira ngayon ang parents niya at isang kapatid?

“Doon na-transfer si Daddy, e, geologist siya.

“Tapos, nagpatayo sila ng best friend niya na dati pa, mga twenty-five years ago, ng parang oil analysis company.

“Si bunso, nandoon. Tapos yung isa, nasa Norway, nag-aaral. Naiwan siya, sa Oslo siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guwapo rin ang dalawang kapatid na lalaki ni Rafael, pero ayaw raw mag-artista ng mga ito.

“Hindi nila hilig, e.”

MARIAN RIVERA. Kamakailan ay nagkasama naman sina Rafael at Marian Rivera sa Amerika para sa Kapuso show ng cast ng Temptation Of Wife.

Kinumusta namin sa aktor ang bonding nila doon ni Marian.

Sabi niya, “Medyo mabilis, e. Sa show, nag-bonding kami ng konti.

“In between to and from sa show, sa sasakyan, kuwentuhan kami.”

Mayroon ba silang napag-usapang personal?

Sabi niya, “Ano bang nire-refer mo diyan, tungkol kay Popoy? Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”

Ang tinutukoy ni Rafael ay ang pagkalas ni Marian sa poder ng talent manager na si Popoy Caritativo, na siyang humahawak sa career ngayon ng aktor.

Ano pa ang napagkuwentuhan nila?

“Wala, siyempre, yung relationship nila ni Dingdong [Dantes, Marian’s boyfriend], na sobrang ganda.

“Na nakaka-miss yung RafYan,” tukoy niya sa mga fans na sumusubaybay sa tambalan nila ni Marian sa Temptation of Wife.

“Nakakatuwa yung mga RafYan doon dahil super-support talaga sila sa amin, e, kaya super thankful din kami sa kanila.

“Yung mga DongYan, super-respeto rin sa akin; ako nirerespeto ko rin sila.”

Hindi ba siya inaway ng mga fans nina Marian at boyfriend nitong si Dingdong Dantes sa Amerika?

“Hindi nga, e. Nakita ko sa lobby, ang daming DongYan fans, sa Carson [California].

“Tapos, dumaan ako, tapos may banner sila, tapos sabi ko, ‘Hello po.’

“Tapos lahat sila, nagpa-picture sa akin, so sabi ko, ‘Ah, okay.’”

Kuwento pa ni Rafael, may mga regalo pa siyang natanggap mula sa mga fans nila sa Amerika.

“Ang daming regalong ibinigay—mga T-shirts, mga sapatos.

“Yung mga ibinibigay nila sa akin, yung nakikita nilang hilig ko sa Instagram.

“Siyempre, mga Bob Marley na mga gamit, T-shirts, pang-surfing na mga bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg">


Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg"> Maghihintay Pa Rin in Singapore" data-url="https://www.pep.ph/news/39233/rafael-rosell-enjoyed-solo-moment-while-taping-maghihintay-pa-rin-in-singapore" data-desc="Rafael Rosell on Marian Rivera-Popoy Caritativo issue: “Hindi, dahil isyu na nila ‘yan, e, ayoko nang makisawsaw doon.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/937815d7a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN