Cherry Pie Picache commends professionalism of Kim Chiu and Maja Salvador

Sa isang taon na ginagawa nila ang nagtapos nang teleserye ng ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak, inamin ni Cherry Pie Picache na napansin niya ang pagbabago sa pakikitungo nina Kim Chiu at Maja Salvador sa isa’t isa. Pero bumilib naman siya sa propesyunalismo ng dalawa dahil hindi ito napapansin kapag gumagawa sila ng eksena.


“Pahinga muna ako about a month kasi one year din yung Ina Kapatid Anak,” bungad na kuwento ni Cherry Pie Picache nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Fort, Taguig City.

Patuloy niya, “Well, hopefully, another soap opera. Pero, I intend to finish two films.

“These are independent producers… hindi ko masabi kung indie producers siya pero nothing like the big producers natin.

“Pero, it would be tied up to a relatively big network and producer.”



INA KAPATID ANAK. Pagkatapos nito ay nagbalik-alaala si Cherry Pie tungkol sa masasayang araw sa taping ng nagtapos nang ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak.

Sabi ng award-winning actress, “Masaya talaga kami sa set despite ng mga sigalot.

“Sad lang kasi halfway through ng show ay mga nangyari, pero walang nagbago.

“Yun lang, yun tungkol sa dalawa.”

Ang tinutukoy ni Cherry Pie ay ang alitan sa pagitan ng dalawang bida ng kanilang teleserye na sina Kim Chiu at Maja Salvador. Nag-ugat ang hidwaan ng dalawa dahil sa pagkakaugnay ni Maja kay Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Kim.

Patuloy ni Cherry Pie, “Pero kami namang mga nanay nila sa show [she and Janice de Belen] ay hindi lang kumikibo kasi pareho naming mahal ang dalawang bata.

“Si Kim, anak-anakan na namin yun. Ilang soap ko na siyang nakasama, di ba?”

Sa panahong yun ay naramdaman din ba ni Cherry Pie ang tensiyon sa pagitan nina Kim at Maja?

Aniya, “Actually, parang kami lang ang nagbibigay ng tensiyon sa mga tao sa paligid.

“Pero between the two of them, alam mong may nagbago.

“Siguro kami lang ang OA sa paligid namin na natetensiyon.

“Siyempre, may mga kuru-kuro, pero actually wala naman. Kasi, the set remained happy.

“Kasi, ang masasabi ko sa dalawang bata, bilib ako.

“Siguro kung ano, parang hindi ko yata kaya kasi sobrang professional ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang professional na kapag magkaeksena, parang wala lang.

“Nabibilib ka rin pero kami umaalalay. Kami lang sa paligid ang naninimbang.”

May pagkakataon bang nag-confide sa kanya sina Maja at Kim?

Tugon ng beterana na rin sa larangan ng pag-ibig, “Oo naman. Close naman ang dalawa sa akin, lalo na si Kim.

“Yung tipong kukumustahin mo siya, kung okey lang ba siya. So, okey naman.”



NETWORK WARS. Hindi raw pinuproblema ni Cherry Pie ang tungkol sa network wars, bagamat mas madalas siyang napapanood sa ABS-CBN.

Saad niya, “Actually, hindi ko masyadong iniintindi ‘yan.

“Wala naman akong contract sa kahit saan. Kung sino ang makakapagbigay sa akin ng work, okay lang ako.

“Nung time namin, wala namang ganun, e.

“Pero, maganda rin yung competition kasi both ay ginagawa ang lahat to be the best. So, advantage yun.

“Kahit sa mga artista nila, malaking bagay yun kasi sa kanila ang focus ng pagbi-buildup. Nasa kanila ang atensiyon.

“Pero ako naman, kung sino ang may gusto sa serbisyo ko at available naman ako, okay lang sa akin.

“As of now, wala naman akong reklamo. Pareho naman akong mahal ng dalawang networks [ABS-CBN and GMA-7].”



LONGEVITY. Mahigit dalawang dekada na si Cherry Pie sa larangan ng pag-arte. Kung may maipapayo siya sa mga baguhan para tumagal sa industriya tulad niya, ano ito?

Sabi ng 43-year-old actress, “I always tell them na they should appreciate the good fortune they are enjoying now.

“Kasi at the end, yung longevity, di ba?

“Puwede kang sumikat, puwedeng box-office star ka for a year, pero after that, you have to find your sustainability—kung paano ka magtatagal.

“Importante ang craft, di ba?”

Nami-miss ba niya ang tumanggap ng acting award? May panahon noon na halos every awards night ay umaakyat siya sa stage para tumanggap ng acting trophy.

“Hindi naman,” nakangiting sabi ni Cherry Pie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nitong nakaraang Golden Screen, binigyan ako ng ENPRESS ng Dekada award.

“Yeah, masarap ding ma-nominate, kabahan… sana next year.

“Tsaka naging choice ko this year and last year na mag-lie low. Kasi, yung anak ko rin ay malaki na.

“You have to make choices, di ba? Kasi minsan ay hirap akong i-combine ang family and work.

“Sana hopefully this year, makagawa ako ng isang pelikulang mapapansin din ako.”



CHERRY PIE’S SON. Napag-usapan na rin lang ang tungkol sa kanyang anak, kinumusta namin kay Cherry Pie ang relasyon niya sa kanyang 11-year-old son na si Anton Tria.

“Okey naman,” nakangiting sabi niya.

“Alam naman kasi niya na binibigyan ko rin siya ng time.

“Ayun, Grade six na siya. He’s a tennis player.

“Kaya dahil sa kanya, choice ko na mag-lie low muna.

“It’s a sacrifice, pero okey lang sa akin para lang magkasama kami.”

Tulad sa ibang ina ay may sariling pangarap din si Cherry Pie para sa kanyang anak.

Sabi niya, “Gusto ko siyang maging lawyer but that’s after na maka-graduate siya ng college.

“Pero kung ano ang gusto niya, yun pa rin ang masusunod.

“Nag-tweet nga siya minsan sa akin, ‘It’s the final night of Ina Kapatid Anak. I’m your proud son.’ Nakaka-touch, di ba?

“Kasi kapag galing sa anak, iba talaga ang pakiramdam. Mas may dating.”

Kumusta naman sila ng ama ng kanyang anak na si Enrique Tria.

“Okey naman,” kaswal niyang sagot.

“He’s very much around. My son knows naman the situation very well.

“Okey naman kami. Wala namang problema.

“Kumbaga, relasyon lang namin ang nagkaroon ng problema. Pero as parents to our child, walang problema.

“Kapag wala ako, siya ang tumitingin sa anak namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN