Jodi Sta. Maria attends Jolo Revilla’s oath taking as Cavite vice governor

Sa panunumpa ni Jolo Revilla bilang bagong vice governor ng Cavite kahapon, June 25, ay kasama niya ang kanyang mga magulang na sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, anak na si Gab, at kasintahang si Jodi Sta. Maria.


Kahapon, June 25, ginanap ang oath taking ni Jolo Revilla bilang bagong Vice Governor ng Cavite sa may Santa Cruz Parish, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, todo-suporta sa panunumpa ng young actor-politician ang kasintahan nitong si Jodi Sta. Maria.

Kasama ni Jodi ang pamilya Revilla habang sinasabi ni Jolo ang kanyang pangako sa lalawigan ng Cavite.

Katabi ni Jodi ang mga magulang ni Jodi na sina Senator Bong Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado, at ang anak ni Jolo na si Gab.

Sa kanyang speech, buong-ningning na nagpasalamat si Jolo kay Jodi sa suporta nito mula pa noong kampanyahan at hanggang sa kanyang panunumpa.

Ani Jolo, "Siyempre, nais kong magpasalamat sa kanya dahil sa walang sawang pagsuporta niya sa akin, sa amin ni Governor Jonvic [Remulla], dahil nakita ko na, kahit alam natin na sobrang busy siya, talagang pinipilit niya na sumama sa amin sa campaign. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya.”

Tugon naman dito ni Jodi, "I know naman na... of course, I’m really happy for him because he worked hard for this one, and he deserves naman the position."

Sa mga naunang panayam sa Be Careful With My Heart star, sinabi na nitong ongoing na ang annulment case nila ng estranged husband niyang si Pampi Lacson.

(Read: Jodi Sta. Maria reveals annulment with Pampi Lacson is "on the way")

Pero pinanindigan ni Jodi na ang kanyang pagpapa-annul ay hindi naman dahil sa balak na nilang pagpapakasal ni Jolo.

Saad niya, "Like I’ve said before, I’ve never lost faith in love, but marriage is a different thing. It’s a different story. Right now, hindi pa ako ready."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN