Ate Gay will not return to Wowowillie because of his "tampo" with the production staff

IMAGE Arniel C. Serato

Hindi na babalik si Ate Gay sa noontime show ng TV5 na Wowowillie dahil diumano sa pagtatampo niya sa staff ng programa. Ito ay matapos na hindi siya gawing finale sa segment na "Mini-Concierto" na nakasanayan na niya. Sa halip ay ang mga guest co-host na sina Joy Viado at Kakai Bautista ang ginawang finale.


Hindi na babalik si Ate Gay sa noontime show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wowowillie, matapos hindi pumasok ng komedyante last week dahil sa diumano’y pagtatampo.

Ang nasabing tampo ni Ate Gay ay nag-ugat nang hindi siya ang ginawang finale sa regular segment ng show na "Mini-Concierto" na nakasanayan na niya. Ang ginawang finale ay ang mga guest co-host na sina Kakai Bautista at Joy Viado.

Kuwento ni Ate Gay sa InterAksyon.com last Monday, June 24, “Kasi lagi ako’ng huli, di ba?

"E, ano naman kung mauna ako o mahuli? Hindi naman ako magagalit.

"Hindi kasi ako sinabihan ng staff. Ayoko lang… dapat sinabihan ako para handa ako.”

Na-insecure ba siya sa pagpasok nina Kakai at Joy sa show?

Sagot ni Ate Gay, “Hindi naman ako nai-insecure kung sino ang nauuna o nahuhuli. Ako ang nag-suggest na kunin si Kakai, pero isinama na ni Willie si Joy.”

Nilinaw rin ng komedyante na wala siyang tampo kay Willie, pero naniniwala siyang may iilang bahagi ng production staff ng show ang diumano ay ayaw sa kanya.

Sabi niya, “Walang kinalaman dito si Willie Revilliame.

"Mahal ko si Kuya at mahal ko ang Wowowillie.

"Ang sa akin lang, ‘wag palabasin na lumaki ulo ko.”

SIGN OF UNPROFESSIONALISM. Ayon naman kay Jay Montelibano, business unit head ng Wowowillie, kusang umalis sa show si Ate Gay.

Saad pa nito, “He’s the one who left the show.

"I was telling him nga and the manager, Freddie [Bautista], na regardless na you’re the last, if you’re good, you’ll shine…

"Sabi nga sa ‘kin ni Freddie, minsan nga talagang ganun siya. He can be emotional at madamdamin.”

Dagdag pa ni Jay, nang hindi na sumipot si Ate Gay sa show last week, alam niyang buo na ang desisyon nitong umalis sa Wowowillie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “That would show signs of unprofessionalism. So, for me, sabi niya nung hindi na siya papasok, well, that would be his decision.”

Sinegundahan naman nina Joy at Kakai ang naging pahayag ng management ng Wowowillie.

Sabi ni Joy, “Di ko alam. Wala akong alam diyan e. Pero sinabi naman nang maaga na ganito ang sequencing.”

Wala naman daw silang sama ng loob sa kapwa komedyante.

Ayon kay Kakai, “We grew up in theater, e, so para sa amin, ang orientation sa amin, we don’t see each other as competition. We help each other.”

Dagdag naman ni Joy, “Ewan ko nga sa kanya, e, ewan ko sa kanya. Pero sa amin ni Kakai, masaya lang kami kumakanta. Sa akin, it doesn’t matter kung ako ang number one, number two o last.”

Katulad ni Ate Gay, nilisan na rin ni Arci Muñoz ang Wowowillie dahil magko-concentrate ito sa bagong action serye ng TV5 na Undercover, kung saan siya ang leading lady ni Derek Ramsay.

Ang Wowowillie naman ay hanggang sa Oktubre na lang eere.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN