Victor Basa on audience’s acceptance of My Husband’s Lover: “Kasama na sa pagbabago sa society natin ang ganitong tema sa television shows.”

Ipinagmamalaki ni Victor Basa na suportado siya ng girlfriend na si Divine Lee sa kakaibang role niya sa My Husband’s Lover. Sabi niya, “Siyempre, ang saya-saya niya rin for me, kasi medyo matagal din akong nabakante sa pag-arte. Sabihin mang corny o hindi totoo yung cliché na ‘I finally got the role,’ pero, yun ang totoo, e.”


Ilang linggo pa lang umeere ang primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, pero nakatangap na ito ng puna mula sa Simbahang Katoliko.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines-Epispocal Commission on Youth (BCPC-ECY) executive secretary Fr. Kunegundo Garganta, kailangang pag-aralan nang mabuti ng writers sa telebisyon ang kakaibang tema ng mga ginagawang palabas.

Sensitibo ang tema ng My Husband’s Lover dahil kuwento ito ng dalawang lalaking nagmamahalan kunsaan ang isa ay may-asawa at mga anak.

Kailangan din daw maging sensitibo ang televison networks sa mga pinapalabas nilang programa, lalo na ang mga epekto nito sa kabataan.

(Read: CBCP scrutinizes My Husband’s Lover, says TV networks should be sensitive about the theme of the shows they air)

MIXED REACTIONS. Bago pa man lumabas ang pagpunang ito ng CBCP, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa supporting cast ng My Husband’s Lover na si Victor Basa.

Si Victor ay gumaganap bilang David, isang closet gay na dating karelasyon ni Vincent (Tom Rodriguez).

Sa isang pocket interview kay Victor sa Il Terrazzo sa Tomas Morato, Quezon City, naitanong sa kanya ang tungkol sa mixed reactions ng publiko sa tema ng kanilang teleserye.

Sabi ng model turned actor, “Ang reaction diyan is that… kasi yung istorya namin ay hindi lang basta light na story, e.

“For sure, may mao-offend ka, may hindi tanggap. Pero yun ang risk na tini-take mo.

“You may offend someone but in some ways, you may change someone’s mind like to a brother, sister or anak.

“Iyong yung risk na tine-take namin.

"But as to the mixed reactions, sana ay panoorin muna nila ang buong serye, hindi pa naman siya tapos.

“As it goes, it’s getting better and better hanggang sa magustuhan ito ng audience natin.”



CONSERVATIVE VIEW. Sa konserbatibong pananaw ng karamihang Pinoy, naniniwala ba si Victor na moderno at katanggap-tanggap ang kanilang palabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “I’m sure yung mga conservatives, alam kong on the offense side sila.

“Pero yung sa nangyayari socially, sa mga nangyayari sa buong mundo, it’s becoming more accepting.

“Kumbaga, nagpo-focus tayo sa totoong problema, na based our decisions sa ating preferences, depende sa ano ba talaga ang nararamdaman natin.

“Pero, naniniwala ako na Pinoys are becoming more open. Marami na tayong partners na same sex na very open sila sa public.

"Choice naman kasi nila yun. At ano… kasama na sa pagbabago sa society natin ang ganitong tema sa television shows.

“And to think nabubuksan ang sensibility ng mga viewers natin."

Ayon pa kay Victor, may gustong puntahan ang takbo ng istorya ng My Husband’s Lover.

“Dapat din nilang ma-realize na it’s a love story.

“Hindi dahil ang isang nagmahal ay bakla o tomboy ay masamang tao siya, iba ang habol niya o iba ang intensiyon niya.”



GIRLFRIEND’S REACTION. Ano naman ang pakiramdam ng kanyang girlfriend of more than two years na si Divine Lee sa kinabibilangang programa ni Victor?

“Si Divine, gusto niya ay laging nagbibigay ng input!” natatawang sabi ng hunky model-actor.

“Sasabihin niya lagi na dapat ganito o ganyan ang pag-atake mo.

“Pagsasabihan ko naman siya na, ‘Hindi, ako na bahala sa role ko.’ Sobra talaga kung makasuporta.

“Siyempre, ang saya-saya niya rin for me, kasi medyo matagal din akong nabakante sa pag-arte.

“Sabihin mang corny o hindi totoo yung cliché na ‘I finally got the role,’ pero yun ang totoo, e.

“Even yung iba’t ibang characters sa soap ay puwedeng sabihing cliché, pero nangyayari talaga ‘yan.”

Hindi ba nagiging isyu sa kanilang dalawa ang pagiging in character ni Victor bilang si David at magsuspetsa na si Divine sa kanyang sexual orientation?

Natatawang sagot ni Victor, “Confident naman siya sa akin. I don’t think na aabot siya sa ganoong pag-iisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy naman ako sa support niya and her friends. Napakarami niyang friends and some of them are gays.

“Sinasabi naman nila na, ‘Tama yung pagkakaarte mo. Hindi ka over, hindi ka stereotype, hindi caricature.’

“Siya [Divine] din kasi ang best and worst critic ko, e.”



STABLE RELATIONSHIP. Tungkol naman sa kanilang relasyon ni Divine, masasabi ba niyang isa itong ideal relationship dahil tumagal sila ng ganoon?

Sabi ni Victor, “Yung sa relationship namin, nasabi ko, ’I want stability.’ Yun ang first statement ko.

“Pero maraming nagsasabi na, ‘Ha? Anong stability, e, mayaman naman si Divine?’ No, it’s not about that.

“Siyempre, as a man, gusto mo sa future family mo na ikaw ang magdadala sa kanila.

“So, sana nga ay magtuluy-tuloy ang trabaho ko.

“Doon sa tanong mo if ideal, hindi naman kami ganoon ka-ideal and perfect, pero we’re happy.

“It’s normal na once in a while may arguments, hindi naman naaalis ‘yan.”

Dumating na ba sila sa puntong napapag-usapan nila ang pagpapakasal?

“Ay, ayaw niya!” mabilis niyang sabi.

“Minsan nga, nanggagaling ako sa isang eksena na medyo nagiging sentimental ako.

“Alam mo na yung pagiging actor mo lumalabas, sasabihin ko sa kanya na, ‘You know what, I’m so happy, can we get married?’

“Ang sagot niya, ‘Ay, ano ba? Ano ba ang nakain mo?’ Para alam ko naman na naa-appreciate niya.

“Yung lately... yung kay Brad Pitt na may binasa siya kay Angelina Jolie na isang...

“Basta, yung buo niyang binasa, sinabi ko sa kanya, ‘Ginagawa ko ‘yan sa iyo, di ka lang nakikinig, lagi mo akong ini-interrupt.’”

Sino ba ang mas nagmamahal sa kanilang dalawa?

Tugon ni Victor, “Sa tingin ko ay ako.

"And I think ganoon naman dapat—you have to put the woman first.

“But, of course, minsan yung mga desisyon, hindi naman kayo nag-a-agree sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, kung mahal mo ang isang tao, dapat nagbibigayan.

“Sa tingin ko, ako,” ulit niya.

Kung siya ang masusunod, mas gusto ba niyang mauna ang anak bago ang kasal?

Naiiling na sabi ni Victor, “A, wala, hindi muna.

“Kasi, with her responsibility sa TV5 at ako naman sa GMA-7, malayong isipin namin na magkaroon ng anak.

“Kailangang maging stable muna. Be sure na ready na kami for a family.

“Kahit sinumang babae, gusto nilang makasal muna bago ang anak.

“I don’t know, ha? Pagdating sa part na ‘yan, conservative din ang pananaw ko.”



JEALOUS TYPE. Ano ang reaksiyon niya sa mga lalaking nagkakagusto pa rin sa kanyang girlfriend?

Pag-amin ni Victor, “Ako, seloso ako... ako, madaling magselos.

“Siya, alam naman niya na never akong nag-exchange ng telephone number sa set, kahit sinong artistang babae.

“Interested nga ako sa production works kaya ang madalas kong kausap ay yung mga production people.

“’Yan din kasi ang nasa isip ng iba, na kapag nasa showbiz ka, ‘Ay maraming girlfriends ‘yan, nambabae ‘yan.’

“Hindi naman lahat ay totoo ‘yan.

“Si Divine naman, she doesn’t make a way naman para magselos ako, so okay lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN