Victor Silayan on his first onscreen kiss: “I felt violated!”

Inamin ni Victor Silayan na naging homophobic siya dati. Kuwento niya, “Before, noong bata. Naturally naman. Parang nang-aasar, ‘Uy, bakla ka.’ Pero eventually, you have friends na bakla, masasaya naman silang kasama.”


Proud na proud ang Kapatid star na si Victor Silayan sa kanyang bagong proyekto sa TV5, ang sexy-drama series na Misibis Bay.

Pinapanood sa entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at ilang miyembro ng cast ang mga unang episodes ng Misibis Bay noong Martes ng gabi, June 25, sa Midas Hotel.

Unang pagkakataon din ni Victor na mapanood ang episode at nag-text siya kaagad sa ilang kaibigan.

Kuwento niya, “Five minutes pa lang, nag-text na ako na, ‘You guys, you better watch this show. I promise, cinematography-wise, the acting, the actors, grabe. It’s really nice.’”

Sa mini-series ay magkakapatid sina Victor, Vin Abrenica, at Daniel Matsunaga. Lahat sila ay magkakagusto sa karakter ni Ritz Azul bilang si Maita.

Pero bukod sa kanilang tatlong magkakapatid, mai-in love din kay Ritz ang kanilang ama na si Christopher de Leon na siyang pakakasalan nito

SEXY BODY. Madalas ay naka-sexy outfit ang cast dahil karamihan ng mga eksena ay kinunan sa Misibis Bay, isang exclusive beach resort sa Cagraray Island sa Bacacay, Albay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpa-sexy si Victor dahil galing na siya sa reality show ng TV5 na Boracay Bodies, kung saan madalas ay naka-topless din siya.

Saan siya mas nagpakita ng kaseksihan sa dalawang naging show niya?

Sagot ni Victor, “Sa Boracay Bodies po. Kasi, ang pinagkaiba, reality show siya.

“Ang kaibahan lang po, kapag reality show, like may love interest siya kay Krista [Miller], walang naitatago, di ba?

“Pero sa show na ito [Misibis Bay], it has sexy scene, kagaya sa banyo, nakikita ninyo na nasa banyo ako kanina, huhubaran ako ni Ritz, yun, scripted siya.

“Both shows have sexy scenes at its own level.”

Aminado naman si Victor na may inilagay siyang limitasyon sa kanyang ipakikita.

Aniya, “Dapat kasi magbi-brief lang ako. Sa scene na yun, magtatanggal ako ng towel, underwear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, first of all, hindi naman papayag ang MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board], so huwag na lang.”



FIRST ONSCREEN KISS. Memorable din kay Victor ang Misibis Bay dahil dito raw siya nagkaroon ng unang kissing scene.

Si Megan Young ang unang naging onscreen kiss ni Victor.

Kuwento ni Victor, “First kiss, first kiss on screen—sobrang laugh trip.

“Kasi, habang nagte-take kami, line, line, line... tapos nag-cut.

“Biglang sumigaw, ‘Kiss!’ Ano? ‘Kiss, ngayon na!’ Huh? ‘Oo!’

“So, ako, ‘Megan, sorry…’ smack na matagal.

“Sabi ko, ‘It’s my first kiss, e.”

Ano ang naramdaman niya sa first onscreen kiss niya?

“I felt violated!” saka siya tumawa. “Joke lang, joke lang!”

Biro namin kay Victor, nagpaalam ba siya sa rumored boyfriend ni Megan?

“Sa boyfriend ni Megan? Sorry, sorry.

"Si Daniel nga, mas grabe sila."

Kuwento pa niya, “After ng kiss, kinabahan ako. Tapos, take two.

“Sobrang nahiya na ako kay Megan. Pero sabi niya rin, ‘It’s okay, it’s okay. We’re actors.’

“And I said, ‘Sorry for the scene.’”



CONTRACT STAR. Sa ngayon, nakaka-isang taon at pitong buwan na si Victor bilang talent ng TV5 simula nang pumirma siya ng kontrata at magdesisyong mag-artista.

Kumusta naman siya bilang Kapatid?

Tugon niya, “This is the first time I felt like acting legit... acting-acting.

“My first one, The Sisters, parang pasundot-sundot lang ang role ko. Siyempre, kinakapa ko.

“First time ko mag-acting, hindi ako magaling mag-Tagalog talaga dati.

“Pero dito [Misibis Bay] ako nakapag-explore, hindi lang step.

“Di ba, another show, another step? Dito ko nasabi na, ‘Wow, I wanna do acting!’

"I enjoy... first of all, it’s because of the director, ‘Ito yung scene mo, saan kayo magte-take. You can do whatever you want.’

“So ako, parang ang sarap, puwede kang mag-explore, puwede kang gumawa ng kahit na ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Victor sa TV5. Kapag natapos na ang kontrata niya, sa TV5 pa rin ba siya?

Sagot niya, “I don’t know. It depends with my manager.

“But if you’ll ask me kung ano ang relation ko sa TV5, I’ll say it’s good.

“I made a lot of friends, I really feel at home, I really feel comfortable with anybody.

“If you’ll ask me to act now, nawala na ang hiya ko.

"Kasi, kilala ko na ang mga cameraman, kilala ko na ang A.D. [assistant director], P.A. [production assistant].”



GAY ROLES. Naitanong naman kay Victor kung alam niya ang kuwento ng My Husband’s Lover, ang pinag-uusapang teleserye ng GMA-7.

Dahil walang ideya si Victor dito, ikinuwento namin kay Victor kung ano ito.

Kung sakaling mabigyan siya ng ganoong role, papayag ba siya?

“Ay, no, no," mabilis niyang sagot. "Siguro, mga comedy lang, parang si Martin Escudero sa Zombadings.”

E, yung seryosong tema?

“Hindi talaga…”

Homophobic ba siya?

“Before, noong bata. Naturally naman.

“Parang, nang-aasar, ‘Uy, bakla ka.’ Pero eventually, you have friends na bakla, masasaya naman silang kasama. Mahihirit.

"Pero yung role, parang hindi pa rin talaga.”



LOVELESS. Walang girlfriend ngayon si Victor.

Two years ago pa raw ang huling relasyon niya, pero anim na taon daw ang itinagal nito.

Bakit sila nag-break?

“Napapaisip ka kasi: ’Six years, gusto mo na bang pakasal or explore life?’"

Ang pinili niya, “Explore life.

“Ayoko namang maging selfish sa kanya na akin ka lang buong time. Bata pa, explore life.”

Bakit wala pa siyang girlfriend ngayon?

“Looking,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN