Alden Richards "unfollows" Julie Anne San Jose on Twitter and Instagram

Mariing kinontra ni Alden Richards ang akusasyon ng ilan na ginamit lang diumano niya si Julie Anne Jose o kung sinumang na-link sa kanya upang umangat ang career niya. Pahayag ni Alden, “Gusto ko pong bigyan ng closure lahat ng kumukuwestiyon. In the first place, there was no courtship, walang panliligaw, wala kaming commitment ni Julie Anne. And sana po maintindihan nila. And I never used anyone. Wala po akong ginamit, wala po akong gagamitin. Wala po akong intentions na gan


Inamin ng “GMA Primetime Prince” na si Alden Richards na in-unfollow niya sa Twitter at Instagram ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Ito ang nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center para kay Alden kahapon, Hunyo 25, sa 17th floor ng GMA Network Center. Ang presscon ay para sa sunud-sunod na proyektong ginagawa ngayon ni Alden.

Sino ba ang unang nag-unfollow sa kanila ni Julie Anne?

“Ako po,” pag-amin ni Alden.

Pagkatapos nito ay in-unfollow na rin daw siya ni Julie Anne. Ano ba ang dahilan ng pag-unfollow niya sa singer-actress?

“Personal reasons po, e. Kung puwede po sa akin na lang,” iwas ng young actor.

Hindi pa raw sila nagkakausap nang personal ni Julie Anne tungkol dito. Kahit daw kasi magkasama sila sa Sunday All Stars ng GMA-7 ay hindi naman sila nagkakausap.

Paliwanag ni Alden, “Very busy kasi ang schedules.

“Sa Sunday All Stars, bihira po kaming magkita. I never got the chance [to talk to her] talaga.

“Talagang wala pong chance, kasi after po ng mga production numbers, umaalis po ako kasi I have prior commitments.”

Kahit daw in-unfollow na nila ang isa’t isa, para kay Alden ay okay pa rin sila ni Julie Anne at itinuturing pa rin niya itong kaibigan.

Pero paano niya mapapaniwala ang mga tao na okay sila gayong natural na impression at reaksiyon ng mga tao sa pangyayaring ito ay hindi sila okay?

“Siguro nga po yun ang impression nila, pero let me keep it personal na lang po,” sagot niya.

May plano ba siyang kausapin si Julie Anne?

“Siguro po pag may time.”



NEVER USED JULIE ANNE. Hindi naman ikinaila ni Alden na apektado na rin siya ng mga “violent reactions” sa social media ng ibang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang niya sigurado kung lahat ito ay galing sa fans ng loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona.

Simula kasi nang mabalita na crush ni Alden si Julie Anne at posible silang pagtambalin ng GMA-7 sa isang proyekto ay nagkaroon na raw siya ng haters at bashers.

Never naman daw niya sinabing aagawin niya ang dalaga kay Elmo bilang ka-loveteam.

Ayon kay Alden, “Tinotoo po kasi nila masyado, e.

“So, to give an end to this issue, talagang sana maintindihan na lang ng mga fans and supporters namin.

“Sana po i-respect na lang yung privacy namin ni Julie. Sana suportahan na lang nila yung mga nagiging desisyon namin.

“And mas okay po na we take our career path personally na lang. Kumbaga, she has her career, I have my career.”

Kailanman daw ay hindi ginamit ni Alden si Julie Anne o sinumang aktres na na-link sa kanya.

“Wala pong ganun. Wala pong gamitan, wala pong habulan.

“Ewan ko nga po kung bakit may mga ganung isyu.

“Basta po sa akin, okay kami.

“Ayoko na pong bigyan ng stress itong isyu na ito. I just want to end this.

“Gusto ko pong bigyan ng closure lahat ng kumukuwestiyon.

“In the first place, there was no courtship, walang panliligaw, wala kaming commitment ni Julie Anne. And sana po maintindihan nila.

“And I never used anyone. Wala po akong ginamit, wala po akong gagamitin. Wala po akong intentions na ganun.

“Mahal na mahal ko pong yung trabaho ko kaya hindi po ako gagawa ng isang desisyon para sirain ito.”

Hindi rin daw niya alam kung saan nanggaling yung balita na diumano’y may memo o sinabihan daw si Julie Anne ng management na lumayo muna kay Alden.

“A, wala pong ganun. That’s speculation lang po, pero wala pong ganun,” sabi ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba sa mga naglabasang isyu kaya hindi muna niya tatanggapin ang proyekto with Julie Anne kung sakaling magkaroon?

Tugon niya, “As of now po siguro, huwag muna. Kasi, parang gusto ko munang makilala as solo, yung puwedeng mai-partner sa lahat, yung hindi matatali sa isang loveteam.”



FOCUS ON CAREER. Sa kabila ng mga intriga at iba’t ibang isyu, mas higit pa rin ang pasasalamat na nararamdaman ni Alden dahil sa sunud-sunod na blessings at projects na dumarating sa kanya.

“Parang sa dami ng blessings ngayon, hindi ko na po masyadong napapansin yung mga intriga.

“Siyempre thankful ako kay God, thankful ako sa GMA, sa Artist Center, at sa lahat ng nagtitiwala sa akin—lalo na sa mga fans at supporters ko na handa rin akong ipagtanggol.”

Mas gusto nga raw mag-focus ni Alden sa kanyang career.

Bukod sa Sunday All Stars, napapanood siya ngayon sa primetime teleseryeng Mundo Mo’y Akin kasama sina Louise delos Reyes at Lauren Young. Mas tumitindi na raw ang mga eksenang aabangan sa serye dahil magtatapos na ito sa Hulyo.

Sabi niya, “Marami pa pong mangyayari… may mamamatay, may unexpected wedding.

“Tapos magkakabaliktad po ang estado nina Louise at Lauren ngayong na-reveal na kung sino talaga ang mayaman.”

Malapit na rin daw siyang magsimula ng shooting ng pelikulang 10,000 Hours, na pagbibidahan ni Robin Padilla. Isa ito sa walong official entries sa 2013 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Excited na nga raw si Alden dahil gaganap siya rito bilang batang Robin Padilla.

“It’s an honor po. Bihira lang po yung mabigyan ng chance to portray as young him.

“And I’m sure sa status naman po ni Kuya Binoe, siya po yung mag-a-approve kung okay sa kanya yung magpo-portray doon sa young role niya.

“So, I’m very happy po, at the same time it’s a challenge po kasi very different po from my other roles na ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is far more serious than I’ve ever done,” saad niya.

Masaya rin si Alden sa pagtanggap ng mga tao sa kanyang self-titled debut album under Universal Records.

“Lagi po kaming nagmu-mall show to promote the album. Meron nga raw pong bumili ng 500 copies at isa-sign ko raw po lahat.

“Nakakatuwa lang kasi hindi ko naman po inisip na magiging singer at recording artist ako.

“Pero since nandiyan na yung opportunity, grinab [grabbed] ko na rin po.

“Maganda rin naman po yung parang pang-all-around yung talent mo, di ba?”

Dahil nga rin sa kanyang pagiging singer ay napili siyang maging MYX Celebrity VJ for the month of June.

Pahayag ni Alden, “Ang sarap kasi first time ko ulit nakapasok sa ABS-CBN after eleven years. Ten years old pa lang po ako noon.

“Kasi yung cousin ko, nagkaroon sila ng workshop under ABS. Tapos nagpalabas po sila ng play sa Dolphy Theater. Nanood lang po ako.

“So, yun ang first time na nakapasok ako sa ABS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN