Vin Abrenica on getting ready for sexy roles: “Hindi naman daw puwedeng may hitsura ka lang or acting, dapat fit ka rin.”

Inamin ni Vin Abrenica na nami-miss niya ang ka-loveteam na si Sophie Albert dahil hindi sila magkasama sa bago niyang proyekto sa TV5, ang Misibis Bay. Kuwento niya, “Noong nasa Misibis Bay ako, alam ko yung may gusto akong pagtripan o kakulitan, si Sophie yun. Sanay ako na sa taping, kausap ko talaga, babae—best friend ko, babae.”


Pagkatapos manalo sa artista search ng TV5 na Artista Academy, masasabing nagsisimula pa lamang sa kanyang showbiz career si Vin Abrenica.

Pagkatapos ilunsad ang tambalan nila ni Sophie Albert sa primetime series na Never Say Goodbye, ngayon naman ay magpapa-sexy na rin si Vin sa mini-series na Misibis Bay.

Sa press conference ng Misibis Bay, noong Martes, June 25, sa Midas Hotel tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin kung hindi ba siya natatakot na ma-stuck sa sexy roles.

Sagot ng young actor, “Para sa akin, hindi naman siguro, hindi na ako lalayo.

“Kasi, sa nakikita ko sa kuya ko [Aljur Abrenica], nagpapa-sexy naman siya, pero kaya naman niyang bumalik sa pagiging boy-next-door ulit.

“So, it’s not impossible kung magpapa-sexy ka, na hindi ka na makakabalik sa boy-next-door, as long as may limitasyon din ang pagpapaseksi mo.”



LEVEL UP. Ang Misibis Bay ba ang maituturing niyang maglalagay sa kanya sa level ng “maturity,” lalo na pagdating sa pag-arte?

Tugon ni Vin, “Actually, tinatanong nila ako, even my mom, ‘Ready ka na bang magpa-sexy?’

“Ako naman, kahit hindi ako magpa-sexy, it’s gonna go there—lalo na sa showbiz.

“Hindi naman daw puwedeng may hitsura ka lang or acting, dapat fit ka rin.

“So, para sa akin, pinaghahandaan ko yun at, heto na, dumating na yun.”

Aminado naman si Vin na kahit paano ay nagulat siya nang ialok sa kanya ang role niya sa Misibis Bay.

“Actually, kung ako ang tatanungin ninyo, na-shock din ako.

"From my character in Never Say Goodbye, biglang sexy-sexy agad.

“Ang maximum na ibinigay ko ay topless lang talaga. Pero may scene doon na naka-towel lang talaga.”

Nagbigay ba si Vin ng limitasyon niya?

“Yes, of course. Pero hindi ko naman sinabi na, ’Limits ko ito, ha?’

“Kapag may pinapasuot sila sa akin, sinasabi ko lang na, ‘Can I change this?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka wala na ’kong ma-save... I’m just starting.”

Ano ang mga tinanggihan niya?

“For example, yung mga pa-brief-brief,” nakangiti niyang sabi.

Kung ang mommy niya ay tinanong siya kung handa na siyang magpa-sexy, ang Kuya Aljur ba niya ay nagtanong din sa kanya?

“Yes,” sagot ni Vin.

“Actually, sinasabi niya, it’s a blessing para sa akin, ‘Maganda ‘yan, tuluy-tuloy na ‘yan, Brod.’

“Si Mommy, ‘Sure ka na ba?’

"Si Kuya, ‘Ready ka na ba?’ Siya ang nag-a-assess, tinitingnan niya ang katawan.

“Ayaw naman niyang mapahiya ako o kung hindi pa ako ready.”



LOVABLE RITZ. Sa kuwento, kapatid ni Vin sina Victor Silayan at Daniel Matsunaga, at lahat sila ay magkakagusto kay Ritz Azul.

Pero magiging karibal din nila rito ang kanilang sariling ama, na gagampanan ni Christopher de Leon.

Biro ng entertainment press, napakaganda raw ni Ritz na lahat sila ay nagkagusto rito.

Sabi naman ni Vin, “Pag-aagawan namin si Ritz, and she looks very innocent.

“She’s the type of girl na mabait, parang quiet na in a way, personality, quiet.

“Pero pagdating sa kulitan, she’s jolly. Ganoon siya, e.

“Minsan, gusto niyang maging tahimik, kapag jolly, sobrang jolly.”

Sa kanilang tatlo nina Victor at Daniel, kanino mas naging close si Ritz?

“Kay Daniel,” pag-amin ni Vin. “Ang loveteam niya kasi talaga, si Daniel.”



MISSING SOPHIE. Ang Misibis Bay ang unang proyekto ni Vin na hindi niya kasama ang ka-loveteam na si Sophie Albert.

Mula kasi sa Artista Academy, sila na ang palaging magkasama at naging malapit sa isa’t isa.

Pag-amin ni Vin, “Nangangapa ako.

“For example, noong nasa Misibis Bay ako, alam ko yung may gusto akong pagtripan o kakulitan, si Sophie yun.

“Sanay ako na sa taping, kausap ko talaga, babae—best friend ko, babae.

“Dito naman [sa Misibis Bay], ang kausap ko, lalaki. Kapag may kausap akong babae, it’s different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo nangangapa ako. Kapag break namin, minsan kakatukin ko lang siya.

“Pero kagabi naman, may ginawa kaming MTV.”

Yung communication nila, nandoon pa rin?

“Yeah, we do. Nagsasabay kaming mag-workout kapag gusto niyang mag-bike.

“Sasabihin ko, ‘Sige, game ako.’ Minsan, sa U.P., sa The Fort, or sa village nila.”

Kumusta na sila?

“Okay naman,” nakangiting sabi ni Vin.

Sila na ba?

“Hindi pa kami!” natatawang sagot niya.

“Pero honestly, kung ako ang tatanungin ninyo, medyo nangangapa-ngapa ako ngayon, lalo na sa Misibis Bay.

“From Artista Academy, Never Say Goodbye, biglang two weeks akong nandoon, different people talaga.

“Wala siya [Sophie] roon, nangangapa talaga ako.”

SUPER HAPPY. Pagdating naman daw sa kanyang career, walang masasabi si Vin at masaya siya sa lahat ng nangyayari sa kanya.

“Happy ako, super,” sambit niya.

“Hindi pa ako nabakante. Nabakante ako, mga one week.

“Pero tinawagan ako agad to prepare for Misibis Bay, I’m so happy.”

Nararamdaman na ba niyang sikat na siya?

Sabi ni Vin, “Ang pinaka nakapagpataba ng puso ko, naiyak ako sa stage, last time noong pumunta ako ng Bulacan.

“Pinag-perform lang ako. Hindi nila alam kung sino ang magpe-perform, so umakyat ako sa stage…

“’Vin Abrenica!’ Tumigil ang mga tao.

“Nagulat pala sila kasi sinasabi na ang mga guests, sa akin, hindi nila sinabi.

“So, nagulat ang tao talaga, nagkagulo.

“Nakakataba ng puso na nagsasalita ako, hindi ko naririnig ang sarili ko.”

Biro namin kay Vin, hindi kaya inakala na si Aljur siya?

“Ouch!” natatawang sabi niya.

Nasasaktan ba siya kapag napagkakamalan siyang kuya niya?

“Hindi naman.

“Ang isyu rito, popularity, of course. Si Kuya, talagang sikat na sikat na.

“Pero, Vin Abrenica, I couldn’t help naman na nagiging popular din ako dahil sa kanya.”

May nararamdaman na ba siyang kumpetisyon sa kanilang magkapatid?

“A, wala, wala,” mabilis niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW HOUSE. Nalaman ng PEP mula kay Vin na sa Lunes, July 1, ay lilipat na sila sa bagong biling bahay nila sa Quezon City.

“Sabi ni Kuya, ‘Mag-save ka na.’

“Kasi, ise-set-up niya raw ang room, ise-set up niya rin ang room ko. Nagsi-share naman ako.”

Nakakapag-share na siya sa “payables” nila o sa mga gastusin?

“Yes, nagsi-share naman ako.

“Yung sa previous na bahay namin, nagsi-share ako kapag humihingi lang, pero dito, obligado na talaga akong mag-share.”

Anong pakiramdan na nakakapag-contribute na siya sa mga gastusin sa pamilya nila?

Sabi ni Vin, “Super happy. Kasi dati, sina Mommy at Daddy lang.

“Ngayon, pati mga kapatid ko, nagpaparamdam na nga.

“Like, ‘Kuya Vin, malapit na ang ball ko.’

“So, nakakatawa kasi, nakakapag-contribute na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN