GMA-7 welcomes CBCP’s scrutiny of My Husband’s Lover

Sinagot na ng GMA-7 ang naging pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay ng kanilang primetime series na My Husband’s Lover. Sabi ng Kapuso network, "We believe that our program while tackling sensitive real-life situations is produced with utmost prudence and in good taste."


Naglabas na ng statement ang GMA-7 kaugnay ng pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) laban sa kanilang primetime series na My Husband’s Lover.

Tampok sa programa sina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez. Tinatalakay sa istorya ang tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaki, kunsaan ang isa ay may asawa’t mga anak.

Matatandaang sinabi ni CBCP-ECY executive secretary Fr. Kunegundo Garganta, sa panayam sa kanya ng Radio Veritas, na kailangan pag-aralan mabuti ng mga writer ang tema ng mga ginagawa nilang palabas, partikular na ang My Husband’s Lover.

Sabi ni Fr. Garganta, “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng My Husband’s Lover na sana maisaalang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad. Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye.”

(Read: CBCP scrutinizes My Husband’s Lover, says TV networks should be sensitive about the theme of the shows they air)

Ayon sa GMA Network, bukas sila sa pagsisiyasat ng CBCP sa kanilang programa.

Dagdag pa nila, "We believe that our program while tackling sensitive real-life situations is produced with utmost prudence and in good taste."

Nabanggit din sa statement na binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng "SPG (Strong Parental Guidance) rating" ang My Husband’s Lover, at tutuparin daw ng GMA-7 ang lahat ng mga alituntunin nito.

Nagpasalamat din ang pamunuan ng Kapuso network sa lahat ng mga sumusubaybay sa My Husband’s Lover "not just by watching it but via intelligent discussions and comments in all forms of media."



FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Network:

“GMA Network welcomes the scrutiny of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) of our primetime program ‘My Husband’s Lover.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We believe that our program while tackling sensitive real-life situations is produced with utmost prudence and in good taste.

"The Movie and Television Review and Classification Board or MTRCB has given the program an SPG (Strong Parental Guidance) rating and GMA is committed to comply with all its standards.

"We would like to thank all the viewers of ‘My Husband’s Lover’ for supporting our program not just by watching it but via intelligent discussions and comments in all forms of media.

"The Kapuso Network is pleased with the high ratings that ‘My Husband’s Lover’ has achieved in its first two weeks and would like to assure the Filipino audience that we will continue to produce relevant and entertaining programs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN