Jessy Mendiola finally admits two-year relationship with JM de Guzman; explains why she did not admit it before

Jessy Mendiola puts her lovelife on hold, saying, “I don’t need lovelife to be complete right now. So I think that could wait, can put the lovelife aside. But my career, kapag nawala ‘yan, mahirapan kang bumalik.”


Walang pagdadalawang-isip na sinagot ni Jessy Mendiola ang mga katanungan tungkol sa dalawang lalaking naugnay sa kanyang buhay—sina JM de Guzman at Matteo Guidicelli.

“Opo, naging kami,” pag-amin ni Jessy sa relasyon nila noon ni JM.

Tumagal daw ng dalawang taon ang relasyon nila ng aktor.

Dagdag ng Kapamilya star, “Marami akong natutunan sa part ng buhay ko na ‘yon…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa kanyang solo presscon na ginanap sa 14th floor ng ABS-CBN kaninang tanghali, Hunyo 26.

Ang presscon ay kaugnay ng upcoming primetime series niyang Maria Mercedes.



MOM NOT IN FAVOR OF JM. Marami ang nagulat na umabot pala ng dalawang taon ang naging relasyon nina Jessy at JM.

Kahit minsan kasi ay hindi inamin ni Jessy sa publiko ang tungkol dito, puwera kay JM na naging bukas sa kanyang nararamdaman para sa aktres.

Ngunit mayroong nilinaw si Jessy tungkol sa parteng ito ng kanilang relasyon ng aktor.

“I really can’t… hindi ko ‘yon masabi dati because kami ng mom ko, hindi rin kami okay nun,” emosyunal na pahayag ng 20-year-old actress.

“At siyempre, kung magsasalita ka pa sa maraming tao na hindi kayo okay, mas magiging magulo kung lahat ng tao alam kung ano’ng nangyayari sa ‘yo.

“So I kept mum about it...

"Dumating sa point na hindi na kami nag-uusap ng mom ko. Uhm, gumigising ako, pumupunta ako ng taping na hindi ko alam nasaan sila.

“And marami ang nagsasabi na napakasama kong tao kay JM, kasi hindi ako talaga nagsalita tungkol sa kanya.

"Nagkataon lang na umamin siya na mahal niya ako nung wala na kami…

“At ayaw ko nang dagdagan na, ‘Opo, mahal ko siya, gano’n, gano’n, pero hindi kami okay ng mom ko…’ So I really kept mum about it.

"Tinanggap ko na lang yung sinabi ng tao na, ‘A, pinaasa mo lang siya. Ganito, ganyan, na sinira mo ang career niya, yung trabaho niya.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ng press ang sinabi ni Jessy na hindi sila okay ng kanyang Mommy Judith noong mga panahong mayroon silang relasyon ni JM.

Kinumpirma ito ng dalaga at saka inamin na isa iyon sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ng young actor.

Ani Jessy, “Opo, isa po sa dahilan ang mom ko.

"Kasi, malaking factor din po talaga ang nanay sa isang relasyon.

“Kung mayroon kang karelasyon man o mahal na tao, mayroon say ang nanay mo diyan dahil nanay mo siya, e.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hiniwalayan niya si JM dahil lang sa ayaw ng kanyang ina sa binata.

Hindi direktang sinabi ni Jessy ang dahilan, pero ang sabi niya, “Mas minahal ko lang po ang sarili ko.

“Kasi mahirap din po yung hindi ka nagtitira ng konting pagmamahal sa sarili mo, ‘yon po.”

Dagdag pa niya, “Kasi after trying to make someone complete, to give someone… you don’t… hindi mo mare-realize, you don’t say na ikaw din pala, you are slowly breaking.

“So I choose to love myself more.

"I choose to love myself more and I chose na mag-focus na lang muna sa trabaho, ‘yon po.”

Gusto rin daw ni Jessy na malaman ng publiko na, “Nagmahal din po ako, and masasabi ko rin po na inalaagan ko rin po siya.

"So, hindi na lang po ako nagsalita.

“Pero sa nangyayari sa kanya [JM], I really wish all the best for him, na sana makabangon siya kasi napakagaling niyang aktor, napakabait niyang tao.

“So, sabihin na lang po natin na nagmahal din po ako, hindi lang siya.”

Marami ang nagsasabi na kaya nawalan ng gana si JM sa kanyang career ay dahil sa breakup nila ni Jessy.

MATTEO GUIDICELLI. Sunod naman na napag-usapan ang lalaking kasalukuyang nali-link kay Jessy, si Matteo Guidicelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis itinanggi ng aktres na nagkaroon sila ng relasyon ni Matteo, na nakapareha niya sa afternoon soap ng ABS-CBN na Paraiso.

Pero nang muling kumpirmahin kung hindi talaga naging sila, nangingiting sagot ni Jessy, “Muntik na.

"Ako rin, e, napa-‘Anyare?’” sabay tawa nito.

Sinabi ni Jessy na bago magsimula ang afternoon drama series nila ay hindi sila close ni Matteo.

Nagsimula lamang daw silang maging malapit sa isa’t isa noong malapit nang magtapos ang show.

Patuloy pa rin naman daw silang lumalabas ng aktor nang magtapos na ang Paraiso, pero sa ngayon, ayon kay Jessy, “Tapos na ang Paraiso, siguro for me, on-hold muna ang Paraiso, Maria Mercedes muna tayo.”

Sabi pa ng Kapamilya actress, “Napagdesisyunan naming dalawa na—mutual—trabaho na lang muna.

“Pero I’m not closing any doors, kasi we’re friends naman ni Matteo, we still talk.

"Actually, we just talked two days ago, ganyan. Sabi ko, ‘I have a presscon coming up,’ ganyan.

“So, happy din ako para sa kanya kasi ang dami niyang trabaho ngayon.

"And kung pagsasabayin pa namin lahat, baka mabaliw na siya at baka mag-run, bike, at swim away siya from me!”

Wala rin daw panghihinayang si Jessy sa “naudlot” nilang pagkakamabutihan ni Matteo.

“Bakit naman ako manghihinayang?” balik-tanong niya.

“At least yung pangarap ko [na show] natuloy na talaga.

"So, ito yung… dito ko binabaling ngayon, dito ko…

“Tingin ko, it’s a sign na, ‘Hey, you have to focus muna on your career, on your work.’

"Kasi ito na, e, parang nag-landslide lahat—lahat ng TVCs, lahat ng endorsements, I have a new show, the one I’ve always dreamed of— and now I just feel that I am complete.

“I don’t need lovelife to be complete right now.

“So, I think that could wait, can put the lovelife aside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But my career, kapag nawala ‘yan, mahirapan kang bumalik.

“Nagiging pantay lang ako, ang gusto ko lang sabihin ay let’s just be open, let’s just…

"All the possibilities could happen, and I’m not limiting myself on this one only.

“Yes, I could say na I’ve been hurt before, I fell in love, but I can’t say na once lang ‘yon.

"I’ll just say na it’s not now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN