KZ Tandingan on Charice-Alyssa Quijano affair: "Nagulat talaga ako, silang dalawa pala!"

Tanggap ni KZ Tandingan ang pagsulpot ng mga bagong talent search programs, pero Aniya: “Positive siya, kasi mas marami ang nabibigyan ng pagkakataong mag-perform. Meron pang nakikitang ibang tao at nadi-discover na marami talagang talented sa ating bansa.”


Aminado ang singer na si KZ Tandingan na mula nang manalo siya sa The X Factor Philippines ay marami nang nagbago sa kanyang buhay.

Sabi ni KZ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobrang talagang nag-turn 360 degrees ang buhay ko mula nang manalo ako.

“In terms of work, pagiging exposed, in terms of pag-perform... lahat-lahat po.

“I get to perform with people na sobrang pangarap ko talagang makasama."

Ayon pa kay KZ, kahit tapos na ang talent search, nagkikita-kita pa rin sila ng kapwa niya contestants at nakakasama rin nila ang kanilang mentors.

Saad niya, “Sobrang saya nga ako, lalo na sa mga mentors, kasi dapat yung pagiging mentor nila, dapat tapos na after the X Factor.

“Pero, it’s about a year na bago natapos yung contest, pero inaalagaan pa rin nila kami, kinukumusta pa rin nila kami.

“Sobra talaga yung naging bonding namin, kahit yung ibang contestants.

“Hala, kumustahan nang kumustahan kami, masaya talaga!”

Si Charice ang naging mentor ni KZ; habang ang iba pang naging mentors sa X Factor ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Pilita Corrales.



ON CHARICE. Tinanong ng PEP kay KZ kung kumusta si Charice bilang mentor niya sa X Factor.

Nakangiting pahayag niya, “Okay po siya, sobrang bait.

“Noong una, nang malaman ko na siya ang magiging mentor ko, sabi ko, ‘Hala, baka sobrang taas ng standard niya.’

“Siyempre, international singer siya.

“Pero noong nakausap na namin siya, nakahalubilo na namin siya, sa amin ni Allen [Sta. Maria] at Ate Jerrianne [Templo]...

“Naging madali sa amin na sabihin sa kanya ang inputs namin sa performance, kasi mas naiintindihan niya.

“Halos ka-age namin kasi siya at mas open siya sa maraming bagong bagay.

“Kaya nga naging mas magaan para sa amin yung kumpetisyon dahil na rin sa kanya.”

Inalam din namin kay KZ kung mayroon na siyang napansing kakaiba sa mga kilos ni Charice noong panahong magkakasama sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang buwan kasi pagkatapos ng X Factor ay inamin ni Charice sa publiko na isa siyang tomboy.

Nag-aalangang sagot ni KZ, “Parang oo. Pero ako kasi, hindi ko mina-mind.

“Kahit ako, sa sarili ko ay ganoon ako—hindi ako kikay, hindi ako girlie.

“Ngayon na lang ako nagdadamit-damit ng pambabae pag nagpe-perform.

“Kaya ako, hindi ko naman gaanong pinansin ang kilos niya.”

Ngayong nag-out na ang dati niyang mentor, ano ang masasabi ni KZ tungkol dito?

Sagot niya, “Actually hindi ko napanood nang buo yung sinasabi niya sa The Buzz—hinanap ko pa sa Internet.

“But I’m happy na she did something good for herself.

“Kaya nga kahit hindi ko siya ganoon katagal na nakasama, pero hanga ako sa kanya, kasi it would take so much courage para gawin niya yun.

“Alam ko na maraming risks siyang… naiyak nga ako noong sabihin niya na, ‘Alam ko na ang iba sa inyo ay tatalikuran ako dahil dito.’

“Dahil sa sinabi niyang yun, mas minahal ko siya bilang mentor before.

“Who are we to judge her, di ba?”



ON ALYSSA QUIJANO. Kinumusta rin ng PEP kay KZ si Alyssa Quijano, ang isa sa miyembro ng A.KA. Jam na naging finalist sa The X Factor at girlfriend ngayon ni Charice.

Ayon kay KZ, “Si Alyssa, hndi naman talaga kami naging ganoon ka-close, part kasi siya ng ibang grupo, di ba?

“Pero kung nagkakasama kami sa gigs, nag-uusap-usap din kami.

“Pero hindi kami yung, ‘Uy, may ganyan-ganyang ano...’ Hindi namin pinag-uusapan.

“Hindi ko naman napansin na ganoon silang dalawa, kasi mas si Madam [Charice] ang nakakasama namin. Kami kasi ang mga alaga niya, di ba?

"Siya [Alyssa] ay kay Sir Gary [Valenciano] naman.

“Pero minsan ay nakikita ko silang magkausap, kasi, di ba, sa X Factor, hindi naman prohibited na tulungan kami ng ibang mentors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung parang tungkol sa kanilang dalawa o yung mahalatang silang dalawa pala... wala, wala. Ngayon ko na lang nalaman.”

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang lumabas ang balitang sina Charice at Alyssa pala?

“Siyempre, tao din lang po ako. Sabi ko, ‘Hala!’ Nagulat talaga ako, silang dalawa pala!

“Tapos, yun nga po, who are we to judge them, di ba?

“Parang… kung masaya naman sila, for sure marami talagang tao ang dyina-judge sila based on what they see, lalo na si Madam [Charice] at Alyssa ay parehong nasa showbiz.

“So, lahat ng bagay ay nama-magnify—yung ilang balita ay nadadagdagan o nababawasan.

“As long wala naman silang ibang taong nasasaktan o naaapakan, just let them be happy.”



“ASTIG.” Minsan ay nabibiro rin daw si KZ na isa siyang lesbiyana.

Kung kumilos kasi siya at magsalita ay astig ang dating, ayon sa iba.

Reaksiyon niya, “Minsan nga, may nagdyo-joke sa akin na ganyan-ganyan daw ako.

“Ako kasi, lumaki ako na parang kung ano ang ginagawa o kilos ng tatay ko ay parang nagagaya ko.

“Pero hindi naman ibig sabihin na kapag hindi ka girlie ay ano ka, di ba?

“I have nothing naman against sa mga tomboy, pero ako sa sarili ko, hindi po ako ganyan.”

Naa-attract din ba siya sa kapwa babae?

“A, oo,” pag-amin niya.

“Pero hindi yung attraction na parang gusto mo siyang maging ano… yun lang parang, ‘Ang ganda mo, ‘te.’

“Yun. Parang naa-appreciate mo ang ganda niya na sana ay ako rin ay kasing ganda niya.

“Hindi parang ano… ha-ha-ha!

“Girl po ako, girl na girl!”



LATEST TALENT SEARCH. Pagkatapos ng X Factor Philippines, may bagong singing search ngayon ang ABS-CBN—ang The Voice of the Philippines.

Ang celebrity coaches naman dito ay ang Broadway sensation na si Lea Salonga, ang Blackeyed Peas member na si Apl.de.ap, ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, at ang rock superstar na si Bamboo Mañalac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni KZ sa bagong singing competition ng ABS-CBN?

“Siympre po, nandoon yung kaba na, ‘Hala, lalo na kaming dumadami!’

“Pero, hindi ko siya tina-take as negative.

“Positive siya, kasi mas marami ang nabibigyan ng pagkakataong mag-perform.

“Meron pang nakikitang ibang tao at nadi-discover na marami talagang talented sa ating bansa.

“Excited din kasi yung ibang friends namin na dati sa X Factor Philippines, ngayon ay nasa The Voice sila—nag-join din sila doon.

“Ayun po, parang meron lang na, ‘May bago na naman, may bago naman, ganito, ganyan.’ Kaya kayod nang kayod lang talaga.”

Ito ba ay isang hamon para mas lalo niyang pagbutihin at pangalagaan ang kanyang singing career?

Tugon ng singer, “Opo, opo. Sobra pong nakaka-challenge na kailangan, bilang artist, ay magkaroon ako ng tatak.

“Yung kailangan, mahalin ko ang career ko, na isipin ko kung paano ko isu-sustain kung anuman ang nagawa sa akin ng X Factor.

“Kasi ngayon, halos lahat ng new singers ay very competitive po, di ba?

“Kahit hindi man galing sa talent search, lahat talaga ay gustong sumikat kaya gagawin lahat.

“Siyempre, ako, probinsiyana [galing Digos, Davao de Sur] na nangarap sumikat at nabigyan ng chance, so ayaw kong mawala yun.

“Kaya habang may nadadagdag na baguhang singers, tini-take ko yun as a challenge, na kailangan huwag akong magpabaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN