Ritz Azul denies Daniel Matsunaga is pursuing her: “Parang nakikita ko sa kanya na parang wala pa sa isip niya yung ganoon.”

Marami ang nagtataka kung paano nabibigyang-buhay ni Ritz Azul ang mapangahas niyang role sa TV5 mini-series na Misibis Bay. Sabi niya, “Kailangan kong ipasok ang sarili ko sa ibang tao—yun ang iniisip ko… Kailangan kong i-feel talag kung ano yung feeling niya, nararamdaman niya, kapag ginagawa niya itong ganitong eksena.”


Ngayon daw nararamdam ni Ritz Azul ang kasiyahan at dedikasyong ibinigay niya sa trabaho dahil malapit nang ipalabas ang bagong show niya sa TV5, ang Misibis Bay.

Hindi mapawi-pawi ang mga ngiti sa labi ni Ritz sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper ng kanilang programa noong Martes ng gabi, June 25, sa Midas Hotel, Roxas Blvd. Pasay City.

Saad niya, “Nung nakita ko yung mga eksena, siyempre light-light-an pa, tumatawa pa ako…

“Sobrang nung nakita ko yung Misibis Bay na cover, eto yung pinaghirapan namin, parang ang saya.

“Parang nawala yung pagod namin.”

CONVINCING ACTING. Napanood na raw ni Ritz ang pilot episode ng serye niya, pero hindi ito gaya ng naipalabas sa presscon na edited na at may mga inilagay nang theme at background music.

Base sa napanood na mga eksena ng press, marami ang nagsasabing may ibubuga sa pag-arte si Ritz. Kaya ang tanong ay kung saan niya hinuhugot ang kanyang emosyon sa mga madadramang eksena.

May pinagdadaanan ba siya ngayon?

Sagot ni Ritz, “Yun nga ang trabaho ko as an artist, as an actress—kailangan kong ipasok ang sarili ko sa ibang tao.

“Yun ang iniisip ko, ‘Paano kaya kung meron talagang ganitong tao?’ Yun ang pumapasok sa isip ko.

“Kailangan kong i-feel talaga, kung ano yung feeling niya, nararamdaman niya, kapag ginagawa niya itong ganitong eksena.”

Nagtataka rin ang ilan kung paano nagampanan ni Ritz ang role niya sa Misibis Bay na medyo daring, gayong wala pa itong karanasan o boyfriend.

Sabi ng TV5 Princess, “Yun nga yung nagiging parang mystery sa tao na, ‘Paano ba nagagawa ni Ritz yun mga gano’n?’

“Sa akin din, nagiging mystery rin sa akin yun. Paano ko nga ba nagagawa?

“Kaya nga after the scenes, gusto ko siyang mapanood… paano ko ba ito nagagawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi tinutulungan din naman ako ng mga director ko, gaya ni Direk Monti [Parungao], yung mga co-actors ko. Doon din ako humuhugot.

“Ang gagaling talaga!” pagtukoy niya sa mga beteranong co-stars niyang sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, at Vivian Velez.



VIVIAN VELEZ. May isang eksena sa Misibis Bay kung saan sinabunutan, kinaladkad, at saka siya inilublob sa tubig ni Vivian.

Natakot ba siya sa presence ni Vivian?

“Natakot ako,” pag-amin ng young actress.

“Yung unang eksena pa naman namin, yung lubluban sa dagat.

“First scene namin kaya takot na takot ako. Hindi na yun na-rehearse.

“Medyo nakapag-usap naman na kami, pero hindi pa yung malalimang usap ni Tita Vivian… gaya niyan, close na kami ngayon.

“Pero noon, hindi pa masyado. Nung time na yun, parang kaswal na usapan pa lang.

“Nung pagkakita pa lang namin, bina-blocking na kami ni Direk [Monti].

"Kabado ako sa scene kasi ang bigat ng scene, tapos si Tita Vivian pa.

“Pero sobrang sinuportahan ako ni Tita Vivian…

“Nakakatuwa nga siya kasi, ‘Paglublob ng tubig, kailangan may hinga ka.’

“Bago lumulublob, sasabihin na niya, ‘O, ilulublob na kita!’ May gano’n. May paghahanda.

“Tapos, pag iaahon na niya ako, ‘Hinga!’ May tulong. Sobrang laki ng suporta.”



KISSING SCENE WITH CHRISTOPHER DE LEON. Si Christopher de Leon ang mapapangasawa ni Ritz sa istorya, kaya tinanong namin ang young actress kung mayroon silang kissing scene ng award-winning actor.

Nong umpisa ay ayaw pang sabihin ni Ritz. Nakangiti siya pero nakasara ang bibig na animo’y pinigil niyang magsalita.

Sa kakapilit namin sa kanya, inamin niyang meron nga silang kissing scene ng tinaguriang Drama King.

Pero paglilinaw niya, “Hindi naman siya torrid, actually. Parang nagdikit lang.”

Ano ang naramdaman niya bago at pagkatapos ng kissing scene nila ni Christopher?

“Before, tinanong kasi ako ni Direk kung ‘Okey ka bang makipag-kissing scene?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang naisip ko, ‘Sa kanya po ba, okay? Kay Tito Boyet?’

“Hindi… kasi siyempre baguhan ako… yun ang naisip ko.

“Sabi naman ni Direk, ’Oo, okay naman si Tito Boyet, okey siya.’

“’O, sige, okay.’”

Nagkausap muna ba sila ni Boyet bago kunan ang eksena?

“Kasi dalawa yung kissing scene. Una, yung sa kasal na medyo dinaya.

“Yun, medyo sa honeymoon, totoo.

“Hindi na namin pinag-usapan kasi ayaw naming makitang scripted.”

Tatlong beses daw kinunan ang kanilang eksena para sa iba’t ibang anggulo kaya tatlong beses din siyang nahalikan ni Boyet.

Ano ang sinabi ni Boyet matapos ang scene?

“Kinumusta niya ako. Kasi parang ano ‘yan, kiss, higa.

“Nung nakahiga na kami, ‘Ano, okey ka ba?’

“’Opo, okey po ako.’

“Tapos tumawa pa siya. Nagtawanan kami. Ganun lang.”

Alam ba ng parents ni Ritz na may ganung eksena? Nandun ba sila habang ginagawa yung eksena?

Sabi niya, “Wala, ako lang. Kasama ko lang yung make-up artist, stylist, and yung hairstylist ko.

“Pero para sa akin, mas gusto ko na nandun sila para lumalakas yung loob ko.

“Kasi open sila. Sinasabi naman nila na, ‘Basta kaya mo, okay kami.’

“Basta, alam ko yung limitasyon ko at kaya ko siyang paninindigan.

“Hindi naman sila humaharang kung anuman ang gusto ko. Open sila.

“Alam nila yun, tumawag ako.”



DANIEL MATSUNAGA. Bukod kay Christopher, ang iba pang leading men ni Ritz sa Misibis Bay ay sina Vin Abrenica, Victor Silayan, at Daniel Matsunaga. Gaganap ang tatlo bilang magkakapatid at lahat sila ay magkakagusto sa karakter ni Ritz.

Inamin ni Ritz na na-excite siya nang malamang aliw na aliw sa kanya si Daniel dahil sa pagkakahawig ng TV5 Princess sa ex-girlfriend ng Brapanese model-actor na si Heart Evangelista.

Sabi ni Ritz, “Oo, sinasabi nga niya na kamukha ko raw. Kasi, binibiro rin kami ng staff.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita pa ngang parang natulala raw si Daniel nang una niyang makita si Ritz, pero hindi raw ito alam ng young actress.

Base sa natatandaan ni Ritz, meron nga silang eksena ni Daniel na parang natulala ito sa kanya.

“A, well, yung una naming scene, gulat siya. Yun yung una naming scene na nabunggo niya ako.

“Medyo nagulat siya sa akin sa eksena, kasi yun ang kailangan sa eksena.”

Hindi ba nagpaparamdam sa kanya si Daniel?

“Makulit nga siya sa eksena, sa lahat. Pero yung porma, wala,” tugon ng dalaga.

Baka naman takot si Daniel kay Derek Ramsay, na na-link kay Ritz noon?

Nagulat si Ritz sa tanong at sinabing, “Hindi, hindi ko alam… hindi, e.”



DEREK RAMSAY. Diniretso na namin ng tanong si Ritz kung kumusta na sila ngayon ni Derek. Nagkikita pa ba sila pagkatapos ng Kidlat?

“Well, hindi pa sa ngayon.

“Pero bago mag-start yung Misibis Bay, nagkitakita kami nina Erika Padilla, Gerald… bonding lang.

“Then, nanood pa kami ng rehearsal nila ng Frisbee.

“So, dun kami nag-bonding.”

Ayon pa kay Ritz, hindi sila lumalabas ni Derek na silang dalawa lang.

Tuluy-tuloy pa rin ba ang communication nila?

“Oo naman, tuluy-tuloy pa rin yung communication namin and, in fact, nagkukumustahan pa kami.

“In fact, magkahiwalay kami ng show ngayon—sa kanya yung Undercover at sa akin yung Misibis Bay. Back to back kami.

“So, nagkakamustahan kami.”

Mayroon bang pumuporma sa kanya kina Daniel, Vin, at Victor?

“Sa tatlo…? Hindi ko alam. Kasi close kaming lahat.

“Every time na nagkakabiruan, pero hindi seryoso.

“E, kasi yung mga staff, binibiro nila ako kay Daniel. ‘Oy, parang nakita ko na yan dati.’ Kasi kamukha ko nga raw si Heart.

“Pini-pair kaming dalawa pero hanggang doon lang yun.”

Hindi ba siya tinatanong ni Derek tungkol kay Daniel?

“Biniro niya ako nong magkausap kami. ‘O, kumusta naman ang katrabaho mo?’ Parang gumano’n lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Okey naman.’”

Kung sakaling magkaroon ng interes si Daniel sa kanya at manligaw, may pag-asa ba ito?

Sagot ni Ritz, “Parang nakikita ko sa kanya na parang wala pa sa isip niya yung gano’n. Parang more on career siya and family. Ngayon, nasa Brazil siya.”

Paano kung si Derek?

“Hindi kasi… si Derek na lang [ang tanungin]… may iba kasi, e,” makahulugang sabi ni Ritz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN