Rafael Rosell on looking for a girlfriend: “Ayoko na ng drama, e, sawang-sawa na ako diyan.”

Desidido raw si Rafael Rosell na makapagpatayo ng isang solar-powered house kahit hindi siya makakuha ng permit. Aniya, “Kapag nakita ninyong nakulong ako or minultahan ako ng malaki dahil sa pagka-environmentally-friendly ko, alam ninyo na kung bakit!”


May anim na kuwarto ang ipinapatayong bahay ng Kapuso actor na si Rafael Rosell na ang nag-design ay mismong mommy niya.

Dito ititira ni Rafael ang kanyang mga magulang at mga kapatid na ngayon ay nasa Singapore.

Hanggang kailan mamamalagi sa Singapore ang kanyang pamilya bago umuwi ng Pilipinas?

Sabi ni Rafael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko pa alam, indefinite pa, e.

“Pero ang balak ko, pag nabuo ko na yung bahay ko, dadalhin ko sila isa-isa dito.”

Sa Antipolo nagpapatayo ng bahay si Rafael at halos fifty percent na raw ang nagagawa dito.

“So, by December, tapos na.”



ENVIRONMENT–FRIENDLY. Pero hindi raw sa naturang bahay ititira ni Rafael ang mapapangasawa niya at magiging mga anak.

“Hindi, ito yung balak ko na ipasok lahat ng family ko.

“Family at friends doon ko isasama, pero yung sarili kong bahay, sabi ko kay Mommy na hindi ko kailangan ng ganoon kalaking bahay, e.

“Kailangan ko lang ng solar panel, bedroom, siguro sala at kitchen, tapos bathroom siyempre, by the beach."

Bakit kailangan niya ng solar panel?

“Para environmentally-friendly naman.

“Yung pinagtatakahan ko lang, bakit kailangan mag-apply at bakit na-disapprove yung application ko for solar panels sa Antipolo?

“So, kapag nakita ninyong nakulong ako or minultahan ako ng malaki dahil sa pagka-environmentally-friendly ko, alam ninyo na kung bakit!”

Mayroon naman daw naaaprubahan na solar panels.

“Oo, yung sobrang hina, yung nakaka-power up lang siguro ng rice cooker, ilaw for one day.

“Pero yung gusto ko kasi, yung heavy duty talaga.”



BEACH HOUSE. Saan niya balak magpatayo ng sarili niyang bahay para naman sa magiging asawa at mga anak niya?

Sabi ni Rafael, “Kung saan ako makahanap ng beach na puwede rin akong makaano ng sarili kong farm.

“Iyon na yung naging goal ko, bagong goal ko na yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagkatapos ng bahay sa Antipolo, iyon na ang susunod kong project.

“Kahit saan gusto ko, basta environmentally-friendly.”

Paano kapag hindi nga naaprubahan ang nais niyang solar panels?

“Ilegal!” sabay tawa ni Rafael.

“Sorry, ia-announce ko, ilegal talaga dahil mas malakas yung malasakit ko sa nature kesa sa gobyerno, e.

“Dahil yung gobyerno, self-benefit lang naman yun, e. Ang tindi na ng angst ko sa ano, e.”



SOLAR PANELS. Mahal ang solar panels.

“Pero mas mahal na masira ang mundo natin,” bulalas ni Rafael.

“Alam ninyo ba sa Israel, meron siyang power plant doon na four times smaller than a regular power plant?

“And it produces four times more electricity than a regular power plant!

“Bakit hindi natin i-approve ‘yan dito sa atin?”

May ilang probinsiya ang gumagamit na ng solar energy.

“Pero mahina lang yung mga solar panels nila dahil may black propaganda din kasi doon, e.

“Na sinasabi nila na hindi effective, pero sobrang effective talaga ng solar panels, sobra.”

Ano raw ang dahilan at na-disapprove ang application niya?

“Wala, gusto ko ngang hingin yung dahilan.

“Yung contractor ko ang nagsabi sa akin na disapproved, e, so sabi ko, pa-install na lang nang illegal,” at tumawa si Rafael.



STILL WAITING. At dahil Maghihintay Pa Rin ang titulo ng kanilang afternoon drama series ni Bianca King sa GMA-7, naitanong si Rafael kung sa estado ng buhay niya ay meron pa ba siyang hinihintay.

Tugon niya, “Wala, e, sobrang happy ako, sobrang happy.”

Hinihintay niya ang magiging girlfriend niya?

“Wala, wala akong hinihintay ngayon, e.

“Nandiyan lahat ng mga kailangan ko, dahil nandiyan ang mga kaibigan ko para sa mga lahat ng aspect ng pagiging girlfriend na walang drama.”

Darating din ang time na maghahanap siya ng girlfriend.

“Tingin mo? Pero pag sinabi ko sa iyo, lahat ng aspect, lahat ng aspect ay covered na ng mga kaibigan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit ang pangangailangan niya ng intimacy?

“Oo naman, intimacy... lahat, lahat,” pagdidiin pa ni Rafael.

“Hindi, ibig kong sabihin, lahat ng kailangan ng isang tao sa pag-ibig, nandoon na, e.

“So, pag naghanap pa ako, tapos naging complicated pa dahil sa drama, ibig sabihin, downgrade.

“Ayoko na ng drama, e, sawang-sawa na ako diyan.”

Kung tungkol naman sa special someone…

“Marami namang candidates, pero para sa akin, hindi pa talaga ako ready, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN