Ervic Vijandre admits courting Miss Philippines-Universe Ariella Arida: “Candidate pa lang, nanliligaw na ako.”

Tuwing nakakaranas daw ng depression si Ervic Vijandre ay nilalabanan niya ito sa pamamagitan ng pagpapagod sa kanyang sarili. Sabi niya, “Noong na-depress ako, ibinalik ko yung mga dati kong ginagawa at mga mahal kong gawin like basketball, gym, basta pinagod ko ang sarili ko.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic Vijandre sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong Martes, June 26.

Kagagaling lang noon ni Ervic sa isang storycon para sa bago niyang teleserye sa GMA-7.

Ayon sa model turned actor, naka-move on na siya mula sa pagkatalo niya bilang konsehal ng Taguig City noong nakaraang eleksyon.

Sabi ni Ervic, “Okay naman na ako, sobrang naka-move on na.

“Happy naman ako kahit sobrang naging madugo—literal na naging madugo—dahil marami naman akong natutunan.

“Marami akong na-experience na tumatak sa akin.”

Ang tinutukoy na rin ni Ervic na “madugo” ay ang nangyaring pambubugbog sa kanila sa isang kampanya nila.

Anu-ano ang mga natutunan niya?

Sabi ni Ervic, “Yung pakikisama, mas lalo akong natuto...

"Yung intriga sa showbiz, sobrang walang kuwenta kumpara sa pulitika.

“Doon ko na-realize na wala pala yun.

“Ganoon lang ang showbiz, walang sinabi sa pulitika.”

Nagsisi ba siya na sinubukan niyang pasukin ang mundo ng pulitika?

Sagot ni Ervic, “Noong nandoon ako, parang, ‘Bakit ba ako pumasok dito?’

“Kasi nga, sobrang na-shock ako, na-overwhelm ako sa mga problema.

“Pero noong patapos na, medyo alam ko na rin kung paano gagalaw.

“Natutuwa naman ako kahit paano, na-survive ko rin ang pulitika.”

Hindi pa raw iniisip ni Ervic ang susunod na eleksiyon.

Aniya, “Gusto ko pa rin makatulong, siyempre.

“Pero ang pagtakbo, medyo iniisip ko pa, kasi medyo kahit paano, na-depress din ako.

“Ginawa ko ang lahat, pero hindi ako nanalo. Pero, gusto ko pa rin makatulong.

“So, bahala na kung paanong way ako makakatulong.

“Pero gusto kong makatulong sa Taguig.”

Ano ang natutunan niya sa limang buwan niyang pagkabakante sa paggawa ng anumang proyekto?

“Well, five months, five months na puro palabas ang pera!” natatawang sabi ni Ervic.

“Siyempre, nanghinayang din ako na sana, may ginagawang trabaho, sana nakaipon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun ang kapalit noon—yung magandang experience.

“Hindi mo mabibili ang kapalit noon, parang Survivor din yun.”



SURVIVING POLITICS. Minsan na rin naranasan ni Ervic kung paano mag-survive sa reality show na Survivor Philippines. Hinahalintulad ba niya ito sa pagpasok niya sa pulitika?

Sabi niya, “Siyempre, mahirap ang Survivor talaga.

“Sobrang memorable yun na tatatak talaga, ikukuwento mo kahit sa pinaka-apo mo.

“Ito naman, magandang experience, mahirap.

“Kasi dito, kahit alliance mo, kalaban mo na rin, may mga ganoong isyu rin.

“Hindi katulad sa Survivor noon, naging madali para sa akin.

“Kasi, yung mga alliance ko, hanggang ngayon, best friend ko pa rin—si Moi [Marcampo], si Aubrey [Miles]."

Paano niya pinaglabanan ang depresyon at paano niya nasabing okay na siya ngayon?

Ayon kay Ervic, “Noong na-depress ako, binalik ko yung mga dati kong ginagawa at mga mahal kong gawin, like basketball, gym... basta pinagod ko ang sarili ko.

“Yun ang looking back.

"Noong ma-depress ako sa lovelife ko, sa dati ko, yun ang ginawa ko.

“Hindi ako napupunta sa drugs o sa mga inom—pinapagod ko lang para makalimutan ko.”



STILL FRIENDS. Nabanggit ng PEP kay Ervic ang pakikipag-usap namin sa dati niyang girlfriend na si Rich Asuncion.

Nalaman namin kay Rich na noong eleksiyon, isa siya sa tinawagan at kinausap ni Ervic.

Kinumpirma naman ito ni Ervic.

Aniya, “A, oo, noong maaksidente ako, isa siya sa kumumusta sa akin.

“Noong medyo kinakabahan ako, noong counting, isa siya sa mga natawagan ko na kinakabahan ako.

“Okay, okay naman kami.”

Bakit si Rich ang naisipan niyang tawagan noong kinakabahan siya sa eleksyon?

“Kasi, kahit naman nag-break kami, magkaibigan pa rin naman kami, so nandoon ang friendship.

“At saka, noong maghiwalay kami, hindi naman kami naghiwalay na magkaaway.”

Hindi ba siya na-disappoint na noong panahong kailangan niya si Rich, tulad noong kampanya, yun naman ang panahong umuwi ito ng Bohol para mag-on-the-job training?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ervic, “Well, siyempre ayaw ko naman na maging sagabal sa plano ng ibang tao.

“Siyempre, para sa future niya yun, for studies niya yun.

“Ako naman, ang ginagawa ko, hindi ko papasukin kung hindi ko kayang mag-isa.

“At yun ang palagi kong sinasabi—kung nandiyan ang mga tao para sumuporta, maraming salamat.

“Pero kung meron silang time na gagawin, hindi ko naman sila pilitin.”

Bago pa mag-Valentine’s day ng taong ito nag-break sina Ervic at Rich?

Ano nga ba ang naging rason ng breakup?

“Meron lang kaming mga hindi napagkakasunduan.

“Para hindi lumala, hindi kami mag-away.

“Napagkasunduan namin na huwag na lang as lovers.”



NEW TELESERYE. Sa bagong teleserye ni Ervic sa GMA-7, ang Pinoy Henyo, sila ni Rich ang magkapareha. Hindi kaya magkabalikan sila ngayong magkakasama sila sa isang soap?

“Hindi siguro,” tila nahihiyang sagot ni Ervic.

Masaya na raw si Ervic na balik-teleserye siyang muli sa pamamagitan ng Pinoy Henyo, na posibleng pumalit sa Home Sweet Home.

Aniya, “Sobrang happy ako na nakabalik ako.

“Kasi, sabi rin nila, kapag nawala ka ng ilang buwan, baka makalimutan ka na rin.

“Lalo na, kung natalo ka. Yun ang sabi nila, baka kapag natalo ka, mawawalan ka na rin ng career.

“So, ako, ‘A, ganoon ba?’ Ang intensiyon ko kasi, gusto kong makatulong.

“Kung dahil sa gagawin kong ito, gusto kong makatulong, tapos mawawala rin sa akin, tingin ko naman, hindi hahayaan ni Lord ng ganoon.

“Gusto mong tumulong, tapos matatanggalan ka pa ng lahat?”



SPECIAL SOMEONE. Hindi na kami nagulat nang aminin ni Ervic na may nililigawan siya ngayon.

“Wala akong girlfriend pa, pero may special someone ako… nililigawan.”

Hindi man nito binanggit ang pangalan, pero may mga nakarating na sa aming kuwento na ang nililigawan ni Ervic ngayon ay ang kasalukuyang Miss Universe-Philippines na si Ariella Arida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapwa sila Mercator talents.

Natawa lang si Ervic at hindi na nakatanggi nang tanungin namin tungkol kay Ariella.

Kailan siya nagsimulang manligaw?

“Candidate pa lang, nanliligaw na ako,” sagot niya.

Sila na ba?

“Nanliligaw pa rin. Lalo na ngayon, mas busy siya.

“So, parang hindi niya siyempre priority ang mag-boyfriend o lovelife.

“Ako naman, suporta lang ako sa ginagawa niya, doon ko mapapakita na sincere ako.”

Bandang March daw nang simulan niyang ligawan si Ariella, pero dahil panahon ng kampanya noon kaya ngayon na lang niya mas napagtuunan ng panahon ang beauty queen.

“Siyempre noon, parang, ‘Hi, hello, kamusta?’

“Minsan, kapag may time, nagkikita kami kapag may party sa Mercator, may birthday.

“Ngayon na lang talaga nag-ano, kasi wala na akong ginagawa, hindi na ako nagka-campaign.

“Yun din ang parang nawala ang depression ko!” natatawang pag-amin niya.

Si Ariella pala ang naging dahilan kung ganoon?

“Hindi, basketball din!” natatawa sabi ni Ervic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN