Sarah Geronimo dismisses rumored romance with Matteo Guidicelli: “Parang wala pa sa tamang panahon para magkaroon ng ligawan.”

Pinabulaanan ni Sarah Geronimo ang balitang nagkakamabutihan na raw sila ni Matteo Guidicelli. Sabi ng Pop Princess, hindi pa siya handang pumasok sa malalimang relasyon ngayon.


Nilinaw ni Sarah Geronimo ang usap-usapang nagkakamabutihan na raw sila ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli.

Ayon kasi sa mga lumalabas na balita, kaya raw hindi natuloy ang anumang namagitan kina Matteo at Jessy Mendiola—na nagkapareha sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso—ay dahil kay Sarah.

Sa hiwalay na panayam ay nilinaw na rin ito ni Jessy, at sinabing walang kinalaman si Sarah sa kung anumang nangyari sa relasyon nila ni Matteo.

Pero paano ba ilalarawan ni Sarah si Matteo at ano ang ugnayan nilang dalawa?

Sabi ni Sarah, “Matteo is an endearing person, lovable.

“Nakasama namin siya sa tour at lahat kami natuwa sa kanya, lahat kami.

“Wala, natuwa lang kami… unexpected talaga na magiging ganun kasaya yung tour.

“Nagkaroon ng bonding moments, nagkakilala ang bawat isa, mas nakilala ang isa’t isa.

“Sobrang bait ni Matteo.”

Pero din ng Pop Princess, “Parang wala pa sa tamang panahon para magkaroon ng ligawan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa event ng Jollibee, ang “Best Family Bonding Date With Sarah G.”, sa Trinoma Activity Center last Sunday, June 23.

Ayon pa kay Sarah, hindi pa siya handa sa isang malalimang relasyon, bagamat inamin niyang naghihintay siya ng tamang tao na para talaga sa kanya dahil ayaw naman niyang tumandang walang kasama.

MORE LENIENT. Sa interview naman kay Sarah ng Showbiz Inside Report noong Sabado, June 22, inamin din ng singer-actress na kahit papaano ay nakakaramdam siya ng inggit sa mga kapatid dahil sa kalayaan na ibinibigay ng magulang nila.

Pero kumpara noon, masasabi niya na mas maluwag na ngayon sa kanya sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

“Tulad nga ng sinasabi ko, unti-unti, talagang nagiging okay ang lahat.

“Nagiging lenient ang parents ko, naiintindihan nila na tumatanda na rin ako.

“Mas maluwag sila at mas nagkakaintindihan kami,” sabi ng 24-year-old singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon nga ay pinayagan si Sarah ng kanyang mga magulang na magbakasyon sa labas ng bansa na hindi sila kasama. Nagpunta ng Rio de Janeiro, Brazil si Sarah, kasama si KC Concepcion at si Georcelle Dapat-Sy ng G-Force.

(Read: KC Concepcion recalls how Sarah Geronimo transformed during their Rio de Janeiro trip)

At umaasa si Sarah na makalabas muli ng bansa kasama ang mga kaibigan.

“Hopefullly, sana, sana.”



DUET WITH DADDY DELFIN. Sa nakaraang event ng Jollibee ay nag-duet si Sarah at ang kanyang ama na si Delfin Geronimo.

Hindi man ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-duet ang mag-ama, sobra itong na-appreciate ng Pop Princess.

Aniya, “Ginawa na namin yun first na pagkanta namin, matagal na.

“Tapos yung pinaka-recent na ginawa namin, yung 24th birthday ko.

“So, masaya, masayang-masaya ang pakiramdam na naririnig mo ang boses mo kasabay ng boses ng tatay mo.”

Ano ang iniregalo niya kay Daddy Delfin noong nakaraang Father’s Day?

“Kay Daddy? A, bumili ako ng… card siya na parang painting. Mahilig siya sa paint. Mura lang yun, simple lang yun.”

Ano naman ang bonding moments nila ng kanyang ama?

“Yung aming mga pag-uusap, masaya man ‘yan o malungkot.

“Yung aming mga biruan, yung aming pagkain, yung pagsasalo-salo namin,” sabi ni Sarah.



THE VOICE. Isa sa pinag-uusapang show ngayon ang The Voice of the Philippines, kung saan isa sa judge/mentor si Sarah kasama sina Lea Salonga, Apl.de.ap, at Bamboo Mañalac.

Ayon kay Sarah, isang prebilehiyo na makasama siya sa show na nagpapakita ng talentong Filipino.

“Sobra… perong haping-happy ako, happy ako dahil nakikita ang talents nating mga Filipino, nagiging magaling sa pagkanta.

“Happy din ako na malaman na mayroong nagtitiwala sa akin, napipili akong maging mentor nila, so dun, solb na ako talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN