Charice on relationship with Alyssa Quijano: "We are gonna fight... That’s what love is all about."

Mas lalo raw hinangaan ni Charice ang kanyang kasintahan na si Alyssa Quijano dahil sa pag-handle nito ng kritisismo. Sabi ni Charice, “She doesn’t care about her bashers. Mas affected siya sa mga nagba-bash sa akin. Ayaw na ayaw niyang may nagba-bash sa akin, she gets hurt. Kahit sinasabi ko sa kanya na okay lang, makikita sa mukha niya, tatahimik na lang.”


Magdu-duet si Charice at ang girlfriend nitong si Alyssa Quijano sa pangatlong album na ire-release ng international singing sensation sa Pilipinas sa Setyembre.

Sa panayam sa kanya ng abs-cbnnews.com na lumabas ngayong araw June 27, sinabi ni Charice na ang duest nila ay isa sa kanilang mga theme song ni Alyssa.

“Meron kaming collaboration sa album. Isa sa mga theme songs, hindi naman main, pero special, kasi first time na ka-duet ko.”

Kinikilig pang sabi ni Charice, “Hindi na mawawala [ang kilig] kasi kapag true love na.

“Okay lang mawala yung kilig, pero yung love mo nandoon pa rin.”

Bukod sa kanilang duet, may mga iba pa raw siyang kanta na ibang-iba sa dati niyang albums.

“Iba yung maririnig nila sa album. Bago na.

“Mayroon pa rin namang halo nung dating Charice na hinangaan nila, kasi we can’t take that away. Iyon ang gusto nila, e.

“Pero siyempre, ginawa ko din naman kung saan ako kumportable.”

Ayon pa kay Charice, gusto niyang maging espesyal ang naturang album dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakagawa ng album sa bansa.

“Gusto ko gumawa ng ibang album para sa Philippines, kasi last time na nag-release ako, years ago pa.

“Yung gusto kasi nila, i-release international. Pero sabi ko, gusto ko special yung sa Philippines.

“Pupunta ako sa Germany tapos babalik ako dito para i-release na ang album sa September.”

Personal daw na pinamahalaan ni Charice ang recording ng naturang album niya.



IN DEFENSE OF ALYSSA. Samantala, ipinagtanggol ni Charice si Alyssa sa pambabatikos ng ilan dahil sa hindi nito pagpapa-interview sa media.

Sabi niya, “Hindi naman niya kailangan sagutin kung ano ang mga binabatikos sa kanya kasi, una sa lahat, iyon na ang in-expect namin.

“Again, I know people will see how talented she is and how beautiful she is.

“Iyon lang gusto kong makita ng tao sa kanya. People will see that very very soon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Charice, mas lalo pa niyang hinangaan ang kasintahan dahil marunong itong mag-handle ng mga kritisismo.

“She doesn’t care about her bashers. Mas affected siya sa mga nagba-bash sa akin.

“Ayaw na ayaw niyang may nagba-bash sa akin, she gets hurt.

“Kahit sinasabi ko sa kanya na okay lang, makikita sa mukha niya, tatahimik na lang.”

Sa huli, ipinangako ni Charice na ipagtatanggol nila ni Alyssa ang kanilang pag-iibigan.

Sabi niya, “We are gonna fight. Not only me, not only her, but we are gonna fight.

“Iyon naman iyon, e. That’s what love is all about.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN