Marian Rivera reclaims FHM Sexiest Woman title

Muling nakuha ni Marian Rivera ang titulong Philippines’ Finest nang manguna siya sa botohan para sa FHM 100 Sexiest Women in the World 2013.


Si Marian Rivera ang itinanghal na Philippines’ Finest ng FHM ngayong taon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakuha ni Marian ang titulong Sexiest Woman ng Pilipinas. Ang unang beses ay noong 2008.

Si Marian ang ika-apat na nakakuha ng naturang titulo nang dalawang beses; ang tatlong iba pa ay sina Angel Locsin (2005, 2010), Katrina Halili (2006, 2007), at Sam Pinto (2011, 2012).

Ayon sa FHM, naging mahigpit ang labanan nina Marian at Sam ngayong taon.

Sa huli, si Marian ay may kabuuang boto—online, text, and print ballots—na 890,490 habang si Sam ay mayroong 778,681 votes.

Nasorpresa naman daw si Marian nang malamang siya ang nanalo ngayong taon.

Sabi niya, "Ang saya lang. Hindi ko ini-expect. Yun yung masarap—yung hindi mo ini-expect na mananalo ka tapos ibibigay sayo. Mas masarap kunin ang isang award na wala kang inaasahan."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag na mag-cover pictorial si Marian sa FHM na lumabas noong January 2013. Ang naturang issue ang isa sa best-selling covers ng nangungunang men’s magazine sa Pilipinas.

Anim na Kapuso stars at apat na Kapamilya ang bumubuo ng Top 10 Sexiest Women in the World 2013 ng FHM:

1. Marian Rivera

2. Sam Pinto

3. Angel Locsin

4. Jennylyn Mercado

5. Cristine Reyes

6. Solenn Heussaff

7. Ellen Adarna

8. Anne Curtis

9. Jackie Rice

10. Empress Schuck


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN