Vilma Santos hopes revival of rivalry with Nora Aunor will have “maturity” this time

Hindi raw iniisip ng Star For All Seasons na si Vilma Santos ang makakuha ng award dahil sa paggawa niya ng indie film sa unang pagkakataon, ang Ekstra. Pahayag niya, “Doing an indie film is just a contribution. Yung pagiging artist-side ko na ang sinasabi nila, ’Ang Vilma Santos ay hindi makukuha pag hindi binayaran ng mataas.’ I can do things for free and a little share. Yung being artist ko, nasa puso ko pa rin. So it’s a tribu


Pabor ang Star For All Seasons na si Vilma Santos na i-revive ang rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Pero asam ng Batangas governor, sana raw ay may “maturity” na kung sakaling pagbanggain silang muli.

Naniniwala si Ate Vi na makabubuti para sa showbiz ang pagre-revive ng rivalry nila ni Ate Guy, na itinuturing na pinakamahigpit na magkaribal sa kasaysayan ng local showbiz.

Pahayag ng actress-politician, “Hindi mawawala ang rivalry namin ng kumare ko.

"Ang importante lang, ang gusto ko, even with us, even with the fans, i-attack lang natin nang mas mature, i-mature lang natin ng konti.

"Para [hindi] yung dati na kailangan magsalita ng di magaganda... huwag na, hindi.

“Sa edad namin… we’re not getting any younger, so it’s good may rivalry, pero attack it with maturity.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vilma sa event ng Nestle at Bear Brand Powdered Milk Drink na "Micronutrient Deficiency: Kaya Nating Labanan!" kanina, June 27, Huwebes, sa Edsa Shangri-La Hotel.



FIRST INDIE FILM. Incidentally, parehong may pinagkakaabalahang indie films ngayon sina Vilma at Nora.

Si Vilma ay tapos nang i-shoot ang kauna-unahan niyang indie film, ang Ekstra, na kalahok sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong Hulyo. Mula ito sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Si Nora naman ay nakatapos na rin ng indie film niyang Ang Kwento Ni Mabuti, na kasali naman sa 1st CineFilipino Film Festival. Mula ito sa direksiyon ni Mes de Guzman.

Mula nang ilabas sa YouTube ang trailer ng Ekstra noong June 6, mayroon na itong mahigit 100,000 views.

Sa nasabing proyekto, gaganap bilang isang ekstra sa pelikula si Governor Vi, at tatalakayin dito ang nararanasang hirap ng mga ekstra.

Excited daw ang Star For All Seasons para rito.

Sabi niya, “First indie film that I did, para subukan ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ba talaga ang indie film? Naiintriga lang talaga ako, I think nakakakuha ng magandang feedback.”

Dahil nga isang ekstra ang papel niya, deglamorized dito si Ate Vi. Pumayag din siyang magpasipa at magpasampal, gaya ng nararanasan ng mga ekstra.

“Yun nga po ang intriguing sa akin.

"Modesty aside, mula nine years old [ako] hanggang sa ngayon, modesty aside, pagpapakumbaba, puro bida ako, e.

"Kaya ako excited sa Ekstra, ako yung ekstra. Yun ang challenge bilang bida.

"Nakikita ko yung bit players [o] ekstra sa shooting. Ngayon, ako yung gumaganap sa lugar nila."

Sabi pa ni Vilma, “Hindi rin maganda ang maging ekstra, they’re also human beings.

"Dapat bigyan din natin sila ng atensiyon talaga. Nakikita ko naman sa set ‘yon.

"Ang maganda lang sa akin, ako ngayon ‘yon, ako’ng gaganap.

“That’s why we have big stars para lumabas din na ekstra din ako. I’m excited about the indie film.”

Kabilang sa mga artistang nakasama ni Ate Vi sa Ekstra ay sina Piolo Pascual, Marian Rivera, Pilar Pilapil, Cherry Pie Picache, Richard Yap, at Cherie Gil.

TORTURE SCENE. Sa trailer, mapapanood si Ate Vi na sinampal, sinipa, at pinaso ng sigarilyo ni Cherie.

Natatawang kuwento ni Ate Vi, dapat daw ay sasampalin siya ng isa pang beses ni Cherie pero tumanggi na umano ang huli.

Ano raw ang dahilan ni Cherie?

“Ayaw nga niya. Dapat sasampalin pa niya ako talaga, ayaw niya.

“Sabi niya, sa dami raw ng pelikulang napagsamahan namin, hindi pa raw niya ako nasampal.

"So, sinipa naman niya ako rito at sinunog ng sigarilyo, ibang klase!” lahad ni Ate Vi.

Dahil daw sa proyektong ito, nakasalamuha at nakilala raw ni Ate Vi ang mga tao sa indie-movie industry.

“Ang pinakamasarap lang, masarap ding makilala ang tinatawag nilang indie family.

“Iba rin pala ang world ng indie. Nakilala ko rin sila, iba ang grupo nila sa mainstream, iba sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, karangalan ko rin na ma-meet ang indie family.

IT’S NOT ABOUT THE AWARD. Bilang panghuling katanungan, inusisa ng PEP si Vilma kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang makatanggap ng award sa pagganap niya sa nasabing indie movie.

Kadalasan kasi, ang panlaban ng indie movies ay ang mahusay na pagganap ng mga artista.

Pero sabi niya, “No, no... hindi itong indie film o yung mga huling pelikula kong ginawa… I’ve learned my lesson.

“Hindi ako nagko-concentrate sa award.

“Award is just a prestige, bonus if you do good, if you did well.

"Pero if you aim for that, wala, nakakadiskaril ‘yon.

“Doing an indie film is just a contribution.

“Yung pagiging artist-side ko na ang sinasabi nila, ’Ang Vilma Santos ay hindi makukuha pag hindi binayaran ng mataas.’

“I can do things for free and a little share.

"Yung being artist ko, nasa puso ko pa rin.

"So it’s a tribute sa mga extras...

“Kiung yun lang, n my own little way ay puwede kong i-represent yung mga extras, why not? Kahit hindi pag-usapan ang pera.

“Yun ang artist side ko.

“Now, aiming for an award? Of course not!

“It’s just a contribution na nanggagaling sa puso ko as an artist, na I can still do films without talking about money,” pagtatapos ni Ate Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN