Ara Mina dismisses rumored secret wedding with Mayor Patrick Meneses

Bagamat may balitang sikretong nagpakasal na raw si Ara Mina at ang boyfriend nitong si Mayor Patrick Meneses, sinabi ng aktres na hindi pa siya niyayang magpakasal ng pulitiko. Saad niya, “Hindi, hindi pa. So, huwag natin madaliin kasi siguro may mga bagay pang kailangang asikasuhin. Huwag natin siyang pangunahan, baka napi-pressure tuloy yung tao sa inyo.”


Masaya raw si Ara Mina sa mga nangyayari sa kanyang buhay, sa kanyang pag-ibig, at sa kanyang pamilya.

Pahayag ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5, “Okay na lahat... halata ba?

"Actually, kaka-message lang sa akin ng sister ko [Cristine Reyes].

"Nung Father’s Day, magkasama kami.

"I just got back from Malaysia kasi and then nagpaplano na kami na every Sunday...

"Pag may mga trabaho lang minsan... siguro mga two Sundays kaming hindi nag-family get-together.

"Tapos this coming Sunday ulit... and we’re planning na balikan ulit yung Provident [Village] kung saan siya [Cristine] nabaha.

"Parang kumbaga, kung nauso yung ’throwback Thursday,’ so iaano naming memory on Sunday, balikan namin.

"Dun kami magla-lunch kahit wala nang mga gamit dun.

"So yung brother ko na lang yung bahala, punta na lang daw kami. Mga sarili na lang daw namin ang dalhin namin.”

Paano ba nila ipinagdiwang ang nakaraang Father’s Day?

Tugon ni Ara, “Dinner lang, tapos actually late lunch, early dinner. Kasi mga 2 p.m. na sila nagdatingan sa house ko.

“Sa house ko yun, pati mga pamangkin ko... wala lang sa picture [sa Instagram] yung mga pamangkin ko kasi naglalaro sa taas.

"Hindi na ako nakapagluto kasi Saturday ako nakauwi, chip in-chip in na lang ng mga food.”

Ang ama ni Ara ay ang dating kongresista na si Chuck Mathay, na anak naman ng dating mayor ng Quezon City na si Ismael Mathay Jr.

CRISTINE’S LOVELIFE. Nilinaw naman ni Ara ang balitang nagkakagirian pa rin sila ng kapatid niyang si Cristine Reyes, lalo na pagdating sa usapin ng puso nito.

Ayon kasi sa balita, may ipinakilala raw si Cristine sa kanyang lalaki, kaso ay parang ayaw ni Ara dahil malayo ang agwat ng edad nila at mukha raw may sabit na rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May katotohanan ba ito?

Sagot ni Ara, “Hindi totoo, a!

"Pag may ipinakilala siya sa akin... one time may ipinakilala siya sa akin, sabi ko, ‘Uy, magkamukha kayo, a!’

"Very ano siya... mas close kami ngayon kaysa before.

"Ang sabi niya sa akin, ’Ate, okay lang ba?’

“Sabi ko, ’Ganito lang ’yan, relax ka lang, ganyan.’ Binibigyan ko siya ng advice.

"Before, hindi siya ganun ka-open sa akin pagdating sa mga personal na bagay.

"Ngayon, ibang-iba na talaga yung approach niya sa akin.

“Kung medyo ano siya ngayon, hinahayaan ko na lang, kasi minsan gusto rin niyang mapag isa, e, siyempre, pag puso ang pinag-usapan.”

Isa rin daw sa mga hinihiling ni Ara sa Panginoon ay sana’y hindi na sila muling magkasamaan ng loob ng kanyang half-sister.

Aniya, “Oo, I don’t think na… marami nagsasabi na, ‘Alam mo pag nagbati kayo niyan, mas close na kayo niyan.’

"Which is true base sa mga nangyayari ngayon.”

SECRET WEDDING IN MALAYSIA? Natawa naman si Ara nang madako ang usapan sa secret wedding diumano nila ng kanyang kasintahan na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Kapag nagbabakasyon kasi sila ng nobyo sa ibang bansa ay may balitang lumalabas na may kasalang naganap.

Sabi ni Ara tungkol dito, “Natatawa nga ako, ano ba ’yan!

"Kung meron namang magaganap na ano [kasalan], bakit di ko ipaaalam, di ba? Bakit pa isi-secret?”

Niyaya na ba siya ni Patrick na magpakasal?

Sagot ng aktres, “Hindi, hindi pa.

"So, huwag natin madaliin kasi siguro may mga bagay pang kailangang asikasuhin.

"Huwag natin siyang pangunahan, baka napi-pressure tuloy yung tao sa inyo.”

Handa na ba siya sa ganung usapan?

Tugon ni Ara, “Yeah, I’m ano na... may inaano pa kaming mga bagay-bagay, pero napapag-usapan naman namin.

"Pero may isa pa daw test na hindi pa daw ako pumapasa... joke!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa si Ara na si Mayor Meneses na ang kanyang makakasama habambuhay.

“I guess so, bagay naman siguro kami. Sana siya na para tahimik na ang lola!”

Siya ba ay pumapasyal sa lugar ng nobyo o kaya umiikot sa mga barangay nito?

Saad ni Ara, “Hindi, e.

"Even nung campaign, hindi ako nagka-campaign sa kanya.

"Nag-o-offer na nga ako, e, hindi niya ako niyayaya kasi alam niyang marami akong campaign din.

"Nag-campaign ako, aside from my brother, yung dad ko.

"At saka iniiwas din niya na may masabi yung mga tao na baka sabihin na ano, kaya siya nanalo ganyan-ganyan.

"So, okay lang. Napakaano... never akong napagod kasi wala akong campaign na ginawa sa kanya.”

Iniiwas din daw ni Ara ang sarili na baka sabihin ng constituents ni Patrick ay na umaasta siyang first lady doon.

“Yes, oo, at saka ano naman, e, kayang-kayang din naman niya and, yun, para walang masabi yung tao.”

Sa ngayon ay wala pang konkretong mga proyekto na tinatanguan si Ara, pero may mga offers naman daw siya.

“Gusto ko sana ngayon na magkaroon ng isang movie at isang soap bago ako umano sa next step ng life ko,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN