Congressman Benjo Benaldo found bleeding with gunshot wound; now in "good condition"

Natagpuang duguan at may tama ng bala sa kanyang dibdib si outgoing Cagayan de Oro first district representative Benjo Benaldo, asawa ng Brazilian actress-TV host na si Daiana Menezes, ngayong gabi, June 27, sa tanggapan nito sa Kongreso.


Conscious at nag-thumbs up sign na si outgoing Cagayan de Oro first district representative Benjo Benaldo matapos nitong isugod sa New Era General Hospital ngayong gabi, June 27.

Kanina, bandang alas-siete hanggang alas-otso ng gabi, ay natagpuan si Benaldo na duguan sa mismong opisina nito sa Batasang Pambansa.

May tama ng bala ang kongresista sa dibdib nito, sa ilalim lamang ng kanyang puso.

Tumagos daw ang bala sa kaliwang dibdib ng kongresista.

Masuwerte na nga lang daw at hindi tinamaan ng bala ang vital organs ni Benaldo dahil tumama ito sa isang "hard part" ng kanyang dibdib.

Walang makapagsabi kung self-inflicted o aksidenteng nabaril ng kongresista ang sarili.

Pero ayon sa ilang saksi, mag-isa lang si Benaldo sa kanyang kuwarto sa Kongreso nang mangyari ang insidente.

Mula raw sa 9mm na baril ang balang tumama kay Benaldo.

Concious naman daw ang kongresista nang isugod ito sa ospital.



NO MEDIA ALLOWED. Samantala, mahigpit na ang seguridad ngayon sa Batasang Pambansa matapos ang nangyaring insidente kay Benaldo.

Ayon sa report ng State of the Nation ng GMA News TV, walang pinapapasok na miyembro ng media sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Kasalukuyan na raw may police investigators sa south building ng Kongreso kung saan matatagpuan ang opisina ni Benaldo.

Ayon pa sa ulat, sa main lobby idinaan si Benaldo palabas ng Kongreso para dalhin sa ospital.

Sa main gate din daw ng House of Representatives dumaan ang sasakyan na kinalulunanan nito.



COLLEAGUES AND DAIANA. Alas-otso ng gabi dumating ang anim na lalaking nagsugod kay Benaldo sa New Era General Hospital.

Bandang 9:15 ng gabi ay dumating sa ospital ang Speaker of the House na si Congressman Feliciano Belmonte ng Quezon City, at si Representative Miro Quimbo ng Marikina City.

Dagdag pa sa ulat, naunang dumating ang asawa ni Benaldo si Daiana Menezes na galing daw sa taping ng isang show sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dali-dali raw sumugod si Daiana sa ospital nang malaman ang nangyari sa asawa.

Sa panayam ni Jessica Soho kay Congressman Miro Quimbo, sinabi nitong okay at nakakausap na si Benaldo.

Aniya, “Ililipat na po siya at wala na siya rito, kakalabas lang po namin sa emergency room at ililipat na po siya sa ibang ospital.”

Sa St. Luke’s Hospital inilipat si Benaldo.

Nang tanungin kung kumusta na si Benaldo, sinabi ni Congressman Quimbo, “Ayoko pong pangunahan, hindi naman po ako doctor. Pero it seems to be he’s in good spirit.

"Nakakausap po siya, he’s very conscious.

"Although the wound was potentially lethal, hindi tinamaan yung vital organs niya so he’s stable.”

Tinanong din ni Jessica kung "self-inflicted" o aksidente ba ang tama ng bala kay Benaldo.

Sagot nito, “We really don’t know if it was by accident or it was intentional on his part.

"But what is clear from the witnesses that we have talked to was that he was all alone in his room when the incident actually happened.

"Nasa labas po yung kanyang mga staff, at ganun po yung nangyari.”

Nagkausap naman daw sila ni Benaldo bago ito inilipat sa St. Luke’s Hospital.

Sabi ni Quimbo, “Opo, opo, matagal po kaming nag-usap, nagbibiro po siya.

"Maganda po yung kulay ng kanyang mukha, although there’s a lot of blood he lost, stable naman po siya.

"Like I said, we’re hoping for the best po.”

Sa panayam naman ng DZMM kay Speaker Belmonte, sinabi nitong nag-usap na si Benaldo at asawa nitong si Daiana.

Dagdag pa ng Speaker of the House, “I can say he looks very stable, he was conversing with us. Nag-thumbs up pa nga, e...

“I can say that he’s not only conscious but in good spirit and nakikipagtawanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And kami naman, we are asking serious questions kung okay siya and he said he’s okay.”

Ano nga ba ang katotohanan sa nangyari kay Benaldo?

Sagot ni Speaker Belmonte, “Well, he’s alone there, he’s alone inside the room.

"So if you ask it it’s accidental or not accidental, I cannot venture that point.”

Sinabi rin ni Speaker Belmonte na isa sa mga napag-usapan nila ni Benaldo ay ang tungkol sa kanyang pagkatalo sa nakaraang eleksyon.

Aniya, “After his loss in the recent elections, he says he is sometimes unhappy.”

Si Benaldo lang daw ang makakasagot nito dahil ayaw raw ni Speaker Belmonte na magmukha siyang pulis sa mga isasagot niya na dapat ay manggagaling sa mga imbestigador.

THE INVESTIGATION. Kasalukuyan na raw nagsagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Police District, sa pamumuno ni Senior Superintendent Richard Albano.

Ayon kay Albano, “Nagpapunta na tayo ng mga imbestigador sa Congress.

"Basta yung initial, nakita na ibinababa dun sa stairs ng mga staff niya na duguan.

"Tapos yun, parang nag-iisa dun sa room.

"Pupunta ako dun from here sa Congress sa mismong office niya para maimbestigahan natin kung ano yung nangyari.”

Gaano ba kalayo ang baril at saan nakapuwesto si Benaldo nang matagpuan ito?

Sabi ni Albano, “Sabi nung staff niyang si Anton, nandun sa table [yung baril].”

Si Benaldo naman daw ay nakaupo at conscious daw nang makita ng staff nito.

Ito ba ay accidental o binaril ni Benaldo ang sarili?

Sagot ng hepe ng pulisya, “Hindi pa natin masabi, kasi siya mismo [Benaldo] ay hindi naman natin nakausap pa.”

Dalawang linggo bago ang insidenteng ito ay naging malaking balita ang pagpu-post ng asawa ni Benaldo na si Daiana ng mga mensahe sa Instagram tungkol sa domestic violence.

Inamin ni Benaldo na nagkaroon sila ng alitan ng asawa ngunit naayos na raw nila ito agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Daiana na walang ibig sabihin ang kanyang posts sa Instagram dahil gusto lamang daw niyang makuha ang atensiyon ng kanyang asawa.

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP kay Daiana at kay Congressman Benaldo. Agad naming ilalathala kung may ibibigay na silang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN