Joem Bascon on gay-themed projects: “Well, kahit anong kakaiwas natin sa temang ‘yan, e, nangyayari rin talaga.”

Hindi importante kay Joem Bascon kung wala o nasa showbiz ang karelasyon. Ang importante raw, sabi niya, "Basta tao at babae.”


Bagamat hindi kasing-ingay ng ibang male stars ang pangalan ni Joem Bascon, isa siya sa hindi nawawalan ng proyekto hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Kabilang siya sa cast ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso at natapos na niyang gawin ang indie film na Lihis.

Marami ang humahanga sa kakayahan ni Joem sa pag-arte, kaya tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan siya humuhugot ng emosyon sa ginagampanang roles.

Tugon ng Kapamilya actor, “Siguro it’s all about my passion with my craft. Hindi ko talaga ma-explain.

"I love doing roles, I love doing character roles.

“I’m just doing my job kasi mahal na mahal ko talaga ang umarte.”

DIFFERENT FROM THE ROLES HE PLAY. Kung sa pelikula at telebisyon ay mapangahas si Joem sa pagtanggap ng mga role, kabaliktaran naman daw ito sa ugali niya sa totoong buhay.

“Ako, heto, tahimik lang, laging seryoso, tatahi-tahimik.

“Minsan, kapag naglalakad ako, may nangangantiyaw... di naman talaga bully, pero alam mong nang-aasar, wala lang, tatawa-tawa lang ako.”

Ayon sa mga nakakakilala kay Joem, mapagkumbaba rin daw ito.

Reaksiyon niya dito, “Siguro it’s because of the people around me, yung family ko.

“That’s what keeps me grounded.

“Kapag nasa scene ako, parang nawawala ako sa sarili ko, yung tipong minsan, akala mo ay ikaw pa rin yung character.

“But when I see my dad, yung sister and brother ko, my girlfriend, yun, bumabalik ako sa sarili ko

“Naiisip ko na I was just doing a role, at hindi ko dinadala ang mga bagay na yun sa sarili ko.”

LEAD ROLES. Mayroon ba siyang iniidolo sa larangang ito?

“Oo, idol ko si Sid Lucero, John Lloyd Cruz. Yung before, si Marlon Brando—they are the persons I really look up to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think sila yung mga seryoso rin sa crafts nila. Kaya, yun.”

Sumagi ba sa isip niya na maging leading man din, kagaya ng idolo niyang si John Lloyd o ni Coco Martin?

Tugon ni Joem, “Wala naman. Yung sa akin lang is that makaarte ako ng isang role.

“For me, wala naman talagang bida o kontrabida.

“It’s just, if you’re given a role, yun ang challenge doon, e—kung paano mo ipu-portray yun, kung paano mo mapu-portray na may puso.

“Yun, yun talaga yun.

“If ever man maging Coco ako or whoever, and whatever happens to my career, good luck na lang sa akin, God bless.

“For me naman, whatever happens, di okay.”



RECOGNITION. Mas masarap ba ang pakiramdam kapag after every portrayal ay alam niyang satisfied siya sa ginawa niya?

“Yun naman ang nagma-matter,” tugon ni Joem.

“Kapag nagawa mo ang assignment mo na ginagawa mo, hindi dahil you were paid for that, kundi dahil alam mong masaya ka rin, andoon yung satisfaction, e.

“It really depends kung mabibigyan ng chance, maraming pa naman akong dapat patunayan."

Nabigyan na rin ng pagkilala si Joem para sa kanyang mahusay na pagganap.

“Yeah, I have nominations like sa Urian Awards for Best Actor.

“Hindi man ako nanalo, alam kong happy ako ‘coz I did a good job.”

Si Jericho Rosales ang nanalong Best Actor sa nakaraang 36th Gawad Urian Awards para sa pelikulang Alagwa. Si Joem naman ay nominated for Best Actor para sa pelikulang Qwerty.

Mayroon ba siyang dream role?

“Wala naman actually,” sagot ng 26-year-old actor.

“Kahit naman matanda ka na ay makakagawa ka pa rin naman ng roles.

“I’m not waiting for anything na… basta, gawin ko na lang nang gawin kung anuman ang ibigay sa akin.”



LOVELIFE. Sa kanya namang personal life ay wala naman daw siyang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya,” sabi ng Star Magic contract artist.

“She’s a non-showbiz girl, before pa, yung kay Meryll Soriano.

“Hindi mo naman kasi mapipili kung sino ang mamahalin mo sa buhay, sa showbiz man siya o hindi.

“Kung ano ang status niya sa buhay, basta maibigay mo yung puwedeng magpasaya sa sarili mo.

“At sa taong mahal mo, it doesn’t matter kung artista man siya o hindi.

“Basta tao at babae!” natatawang banggit niya.



GAY ROLES. Sa indie film na Lihis ay ginagampanan ni Joem ang papel ng isang miyembro ng New People’s Army na nagkaroon ng sekswal na relasyon sa kapwa niya lalaki (Jake Cuenca), ito ay sa kabila ng kasal na ang karakter niya kay Lovi Poe.

Halos ganito rin ang tema ng pinag-uusapang teleserye ng GMA-7, ang My Husband’s Lover, kaya hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa mga proyektong tumatalakay sa relasyon ng kapwa lalaki o kapwa babae.

Sabi niya, “Wala namang problema sa akin yun.

“As long as malinis ang intensiyon, maayos yung script na parang hindi nakakabastos sa pagkalalaki mo, I don’t think problema ‘yan.

“Well, kahit anong kakaiwas natin sa temang ‘yan, e, nangyayari rin talaga.

“Ayaw nga lang sigurong pampubliko, pero alam nating may nangyayari.

“Kanya-kanyang mindset kasi ‘yan. Opinyon ko, opinyon ng iba.

"It could be nagdya-jibe o baka lihis sa pananaw.”

Tungkol naman sa Lihis, ayon kay Joem, “It’s also a third-sex story.

“Yun nga ang sabi ko, any role na ibigay sa akin, as long as I’m happy with it, go lang.”

Sabi pa niya sa kanyang gay role, “Now it opened my mind tungkol sa gay sex, sa things na nangyari doon sa shooting.



ADMIRATION. Kumportableng gumanap ng gay si Joem dahil exposed daw siya mga ganito.

Sabi niya, “No, hindi naman ako homophobic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Galing naman ako sa isang all-boys school, so I understand naman ang third sex.

“Tao naman ang mga ‘yan, lahat naman tayo tao, kahit ano pa ang sexual preferences nila.”

Paano kung may isang bading na nagpakita ng sobrang admiration sa kanya, ano ang gagawin niya?

Natatawang sagot niya, “I would say, ‘Thank you,’ ganoon lang.

“Hindi naman ako darating sa point na parang mambabastos ako.

“And I know, for sure, hindi rin niya ako babastusin.”

May nagkagusto na rin daw sa kanyang gay na taga-showbiz.

“I won’t deny it na, oo, meron,” pag-amin ng character actor.

“Pero sinabi ko na, ‘I’m not into it.’

“Puwedeng maging kaibigan, bakit kailangang pilitin pa, di ba?

“Siguro, hanggang doon lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN