German "Kuya Germs" Moreno willing to guest on Shalala’s launching movie

Patuloy ang misyon ni German “Kuya Germs” Moreno sa pagdidiskubre ng mga bagong talents. Sabi niya, “Kaya ako, hindi ako napapagod na magdiskubre, hangga’t kaya ko pa, hangga’t nandito pa ako, at hangga’t kailangan ng industriya ng serbisyo ko, mananatili ako dito.”


Pumayag na ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na mag-cameo role sa launching movie ni Shalala na Echoserang Frog.

Hindi nagdalawang-isip si Kuya Germs na makasama sa pelikula ng dati niyang protégé basta tawagan lang daw siya kapag may shooting na.

“Totoo ba ‘yan? baka naman hindi at binibiro mo lang ako?” sabi ni Kuya Germs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang radio program sa ddBB noong Miyerkules, June 26.

“Pero if ever na totoo nga na gusto niya akong makasama sa kanyang pelikula, why not? Okay lang, no problem.

“Ang problema, wala pa namang kumakausap sa akin, siguro pag may kumausap na sa akin, bakit hindi?”



TALENT SCOUT. Isa lang si Shalala sa mga “discovery” ni Kuya Germs.

Sabi ng veteran TV host, “Katulad nga ng sabi niya, sa akin siya nagsimula, sa akin siya natuto.

“Kaya kahit may mga tampuhang nangyari, susuporta pa rin ako sa kanya.

“Pero magkano?” natatawang biro ni Kuya Germs.

“Hindi, joke lang. Basta sa akin naman, kapag kinailangan niya ng suporta ko, nandiyan lang ako.

“Basta may abiso lang—go, go, go!

“Happy ako sa kanya, kasi may sarili na rin siyang pelikula, sana suportahan din ng mga manonood."

May tampo pa ba si Kuya Germs kay Shalala?

“Tampo? Dati oo, pero ngayon wala na,” deklara niya.

“Masyadong matagal na yung lumipas, noon lang yun, pero ngayon okay na.

“Ilang beses na rin naman kaming nagkikita at every time na may mahalagang okasyon…

“Ako, like yung 50thyear ko [sa showbiz], nandoon siya, pumunta siya.

“So, this time, yung suporta ko naman ang kailangan niya, kaya ako naman ang susuporta. Ganoon lang naman yun.

“Basta happy ako kung ano man ang narating at mararating pa niya.

“Ako naman, kahit kaninong artista, basta kinailangan ang suporta ko para sa ikakabuti ng showbiz industry, nandiyan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sino pang nangailangan ng suporta ko, nandiyan lang ako para sumuporta.

“Yun nga kasi siguro ang role ng isang Kuya Germs.”



“OUTLETS.” Marami nang iprinodyus na shows si Kuya Germs at lahat ay kinakitaan ng mga baguhan at datihang mga artista.

“Kaya nga yung show ko sa hatinggabi, yung Walang Tulugan with the Mater Showman, welcome ang lahat mga baguhan man o datihan—lahat puwedeng mag-promote.

“Mapa-promotion ng pelikula, album o kahit ano, welcome sa amin, kasi ganoon dapat ang mangyari.

“Dapat sinusuportahan natin ang industriya, dapat nagsusuportahan ang bawat isa.

“Kasi wala namang magpapahalaga sa mga ginagawa natin kung hindi tayo-tayo ring mga taga-showbiz.

“Kaya nga ako, patuloy na dumidiskubre ng mga baguhan, katulad din ni Shalala.

“Na noong una ay ayaw-ayaw pa, pero pagtagal, gusto din naman pala niya at ngayon nga, may solo movie na.

“Basta ako, nakakita ako ng talent na may potential at alam ko na pakikinabangan ng industriya, tinutulungan ko ‘yan.

“Kasi, yun naman ang kailangan ng industriya—ang artista.”



MISSION. Kahit walang kapalit, walang sawang dumidiskubre si Kuya Germs ng mga bagong talent.

“Kaya ako, hindi ako napapagod na magdiskubre, hangga’t kaya ko pa, hangga’t nandito pa ako, at hangga’t kailangan ng industriya ng serbisyo ko, mananatili ako dito.

“Yun naman siguro kasi ang role ko sa showbiz—ang tumulong at dumiskubre ng mga bagong artista sa showbiz.

“Katulad ng ginagawa ko noon sa That’s Entertainment, GMA Supershow at sa iba ko pang mga shows, hanggang dito sa Walang Tulugan, ang pagdiskubre ng artista ang ginagawa ko.

“Nakakatuwa kasing makita na from your show ay may nade-develop kang bagong mga bituin.

“Katulad na lang sa Walang Tulugan, diyan galing ang ilang young stars ngayon ng GMA na nagagamit sa mga shows ng GMA-7.

“Like si Jake Vargas na mapapanood sa Pepito Manaloto, Sunday All Stars, Home Sweet Home; si Hiro Magalona na leading man sa Anna KareNina; Teejay Marquez na nasa Home Sweet Home at mabentang-commercial model, di lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandiyan din sina Ken Chan na nasa Home Sweet Home; BuboyVillar na nasa Home Sweet Home; Renz Valerio na isa sa bida sa Mga Basang Sisiw; ang grupong Upgrade na unti-unti na ring nakikilala; Jak Roberto at kapatid nitong si Shai na parehong nasa With A Smile.

“Pati si Glaiza de Castro, original siya ng Walang Tulugan teen stars, pati ang 1st runner-up ng Asia’s Next Top Model na si Stephanie Retuya.

“At marami pang batang nasa Walang Tulugan ang may potential at puwedeng gamitin sa mga shows ng GMA.”



POTENTIAL STARS. Mungkahi ni Kuya Germs na sumilip sa mga programa niya paramakahanap ng mga magiging bituin.

“Kaya nga sinasabi ko sa kanila [GMA executives] na pansinin ang mga bata sa Walang Tulugan.

“Dahil may mga bata doon na puwedeng ilagay sa mga future shows ng GMA-7.

“Sabi ko nga, hangga’t may nadidiskubre ako, hindi ako titigil sa pagtulong.

“Kasi, artista ang kailangan ng showbiz.

“Kaya dapat, makapag-produce tayo ng maraming artista na puwedeng magamit ng Network sa kanilang mga shows,” pagtatapos ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN