Director Wenn Deramas: Sisterakas is still highest-grossing Filipino film

Kinontra ng direktor na si Wenn Deramas ang lumabas na datos mula sa Box-Ofice Mojo na naungusan na raw ng It Takes A Man And A Woman ang Sisterakas bilang highest-grossing Filipino film of all-time. Aniya, “Ang narinig kong figure, ang It Takes A Man And A Woman, I think, P383 million; tapos P397 ang Sisterakas."


Nilinaw ng direktor na si Direk Wenn Deramas ang lumabas na datos mula sa Box-Office Mojo na diumano’y naungusan na ng It Takes A Man And A Woman ang Sisterakas bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

Si Wenn ang nagdirek ng Sisterakas (2012) na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino, at Vice Ganda; habang ang It Takes A Man And A Woman (2013) ay idinirek ni Cathy Garcia-Molina at tinampukan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Ang dalawang pelikula ay parehong co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

Pahayag ni Direk Wenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakausap ko rin mimso ang mga taga-Star Cinema, medyo malayo pa rin.

“Ang narinig kong figure, ang It Takes A Man And A Woman, I think, P383 million; tapos P397 ang Sisterakas.

“Ako naman kasi, kung di mo pa tinanong, wala naman sa akin, e.

“Sa Star and sa Viva naman ang nagka-clarify ng mga bagay-bagay na ‘yan, di ko rin naman alam kung sino ang nagpalabas.

“Sa akin, okay lang kung malampasan man ang Sisterakas.

“Happy naman ako dahil pelikulang Star Cinema at Viva Films din naman ang makaka-top.

“Tapos, si Cathy naman talaga, lahat naman ng pelikula ni Cathy ay box-office [hit], walang kaso sa akin.

“Darating din ang panahon naman talaga na may pelikulang makakatalo, makakadaig, so dapat lagi tayong open dun.

“At magpasalamat tayo kung isang beses nag-number one ang pelikula mo.”



MMFF ENTRY. Samantala, may entry na naman si Direk Wenn sa 2013 Metro Manila Film Festival—ang Girl Boy Bakla Tomboy na pagbibidahan nina Vice Ganda at Maricel Soriano.

Sabi niya, “Yes, sinuwerte na naman.

“Bale pang-ilan ko na ba ito? Pang-apat na pelikula na nag-filmfest.

“Masayang-masaya dahil tama yung pelikula, pang-festival talaga.

“Apat si Vice, hindi lang ito isa, apat siya. Apat na Vice Ganda at bawat character ay girl, boy, bakla, tomboy—magkakapatid yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maricel Soriano, Joey Marquez ang mga magulang… marami, e.

“May KC [Concepcion], may Cristine [Reyes], may Ejay Falcon… marami.

“Malaking pelikula, pampamilya.”

Marami ang nag-aabang kung mahihigitan ng Girl Boy Bakla Tomboy ang mga naunang pelikula na idinirek ni Wenn, pero wala raw pressure sa kanya ito.

“Bahala ang Star Cinema at Viva Films dito.

“Katulad lang ng lahat na ginawa ko, in fairness lahat pala yun nag-top—Tanging Ina 2, Tanging Ina 3, tapos Sisterakas. Pang-apat ito.”



BROMANCE AND GALEMA. Samantala, ang huling idinirek na pelikula ni Wenn na Bromance ang masasabing nagluklok kay Zanjoe Marudo bilang box-office star at isang mahusay na aktor dahil sa pagganap nito ng dual role—isang straight guy at isang bading.

Ikinatutuwa naman daw ito ni Direk Wenn.

Aniya, “Yun din naman ang objective namin.

"Kasi ako, bilib ako sa talent ni Zanjoe.

“Sabi ko nga, bilang comedy director ako, kaunti lang talaga yung nakakagawa nung ano…

“Huwag na nating sabihin sila Mang Dolphy, sila Vic Sotto… yung sa bago ngayon, yung makakapagbida talaga, like sila Luis Manzano, Billy Crawford, Vhong Navarro—umiikot lang sa kanilang tatlo yun, e.

“So ngayon, nakapag-produce tayo ng isa pa at hindi lang basta leading man kung hindi siya mismo ang bida.

“Nangako naman ako kay Enrico [Santos, Star Cinema concept development group head] na yung susunod ni Zanjoe ay ako pa rin ang magpa-follow up para makasigurado lang tayo.

“Hindi naman sequel ng Bromance, iba naman.

“Isang magandang-magandang concept na magandang pang-follow up kay Zanjoe.

“Baka next year na ‘yan kasing punung-puno na ako.”

Kinumusta rin ng PEP kay Direk Wenn ang TV remake ng Galema, na balitang pagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Sabi niya, “Tuloy, nag-storycon na kami kahapon. Nakita na nila yung complete cast ng Galema.

“Maganda yung lineup—si Andi Eigenmann yung Galema, si Sunshine Cruz, si Sheryl Cruz, Divina Valencia, Lito Legaspi, sila Matteo Guidicelli…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuloy na, hinihintay lang namin na matuloy yung mechanical snake.”

MOVIE WITH CLAUDINE. Kabilang din sa mga proyektong gagawin ni Direk Wenn ay isang pelikula na posibleng pagbidahan ni Claudine Barretto.

Sabi ng direktor, “Ang puwede ko lang masagot ay yung pelikula na gagawin ko sa kanya under Viva Films, hindi ko lang alam yung Star Cinema niya.

“Pero nagkakuwentuhan naman kami ni Clau, nag-dinner na sila ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], so tuloy naman din.

“Kung magko-co prod sila sa pelikulang gagawin namin, agad-agad may dalawang pelikula si Claudine na naghihintay na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN