Police rule out foul play in Congressman Benjo Benaldo’s shooting incident

Sa inilabas na statement ni House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. ngayong araw, sinabi nitong, “Benaldo sustained a gun shot wound to the chest, which indicated he attempted to take his own life."


Walang foul play sa shooting incident na kinasangkutan ni outgoing Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo, ayon sa mga pulis na nag-iimbestiga ng insidente.

Sa report ng GMA News, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) director Senior Superintendent Richard Albano na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nag-iisa lamang si Benaldo sa kanyang tanggapan sa Batasang Pambansa nang maganap ang insidente bandang alas-siete kagabi, June 27.

"Walang ibang exit sa loob para pumasok ang ibang tao.

“Yung room niya nasa dulo at para makapasok doon, dadaanan mo muna yung staff niya. So sino’ng gagawa noon?" sabi ni Albano sa panayam sa kanya ng News To Go ng GMA News TV kanina.

Sa inilabas namang statement ni House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. ngayong araw, sinabi nitong, “Benaldo sustained a gun shot wound to the chest, which indicated he attempted to take his own life."

Si Speaker Belmonte ang isa sa mga unang kasamahan ni Benaldo na bumisita sa kanya sa ospital.

Sinabi rin ng House Speaker na nasa “stable condition” na ngayon si Benaldo at kasama na nito ang asawang si Daina Menezes sa St. Luke’s Medical Center.

"He personally assured me he was alright and gave a ’thumbs up’ sign to me to this effect," sabi ni Speaker Belmonte.

Ayaw namang kumpirmahin ni Senior Superintendent Albano ang diumano’y tangkang pagpapakamatay ni Benaldo, dahil wala naman daw suicide note.

Samantala, ayon sa report ng GMA News, posibleng maharap sa kasong alarm and scandal si Benaldo dahil sa insidente.

Sinabi ni Albano sa interview niya sa dzBB, "Posible rin [na kakasuhan] kung may magko-complain.

“As of now, wala pa kaya wala akong masasabi.

Ipapa-verify din daw nila ang records ng 9-mm handgun na ginamit sa insidente.


“’Yan, ipatse-check natin kung talagang kanya," sabi ni Albano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN