Gardo Versoza on the controversial gay theme of My Husband’s Lover: “Hindi naman iyan ipapalabas kung hindi kapupulutan ng aral.”

Sa dami ng mga karakter na nagampanan ni Gardo Versoza, gusto rin niya ang pagganap na bading o straight sa gay-themed shows. Sabi niya: “I enjoyed it a lot! Oo, very much! Nakakapag-experiment ako sa character.”


Malayang nakapagbibigay ng opinyon si Gardo Versoza hinggil sa kontrobersya na hinaharap ngayon ng teleseryeng My Husband’s Lover.

Naka-ilang beses na kasing gumanap si Gardo Versoza bilang isang gay o naging bahagi ng gay-themed drama sa telebisyon at pelikula.

Sa drama series ng Kapuso channel ay tinatalakay ng kuwento ang homosexual relationship nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Si Tom ay kasal sa karakter na ginagampanan ni Carla Abellana.

“Sensitive [ang tema], pero dapat alam din nila ang realidad,” pahayag ni Gardo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, June 26, sa set ng Mga Basang Sisiw.

Alam ni Gardo ang naging reaksiyon ng Simbahang Katoliko, na nag-uudyok sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na busisiin ang pagsasahimpapawid ng teleserye.

Ang pormal na reaksiyon ng simbahan, sa pamamagitan ni Fr. Gunegundo Gargante ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ay binigyang-pansin din ng MTRCB, through Chairman Atty. Eugenio “Toto” Villareal.

Sa isang pahayag, deklara ng MTRCB: “MTRCB would follow due process, in case the government agency receives written complains about the soap opera.”

Sa pananaw ni Gardo, walang dahilan para pigilan ng Simbahang Katoliko ang palabas.

“Kasi, hindi naman iyan ipapalabas kung hindi kapupulutan ng aral,” katwiran niya.

GAY THEMES. Gardo recalls some of the gay-themed soaps and films he had starred in, na aniya’y hindi naman ganung kakontrobersyal, kung tutuusin.

Tulad halimbawa ng subplot sa Bituin kung saan gumanap siya na boyfriend si Rodel Velayo na may sakit na AIDS.

Sabi niya, “Mind-opener yun, kaya walang masama sa pag-tackle ng ganoong klase ng relationship.”

Sa isa ring episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), isa siyang engineer OFW na karelasyon ang gay character ni BB Gandanghari.

“Maraming Pinoy ang nakaka-relate sa ganoong story, out of loneliness sa ibang bayan,” Gardo observes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gay-themed din ang tinampukan ng actor with Ricky Davao in Carlos Siguion-Reyna’s Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya (1998) na nanalo pa ng awards locally and internationally.

“At may MTRCB na rin naman noon na siyang nagre-regulate,” katwiran pa ni Gardo.

Kinumusta ng PEP si Gardo kung kumportable siyang gumanap sa gay-themed dramas bilang gay or straight.

Sambit ng actor, “I enjoyed it a lot! Oo, very much! Nakakapag-experiment ako sa character.”

Ang hindi pa lang daw niya nagagampanan ay ang papel ng isang closet gay, o latent homosexual.

“Yung straight, na macho talaga, pero nasa loob yung kabadingan—yun, hindi ko pa napu-portray yun.

“Parang, in a way, metrosexual. Exciting yun, kasi mas may lalim yun, e,” dugtong pa niya.

Mayroon ding portrayal of a closeted gay-husband si Eddie Garcia in Lino Brocka’s classic drama, Tubog Sa Ginto (1971).

Recalls Gardo, “Matindi yun!

“Kahit sinong gaganap sa ganoong klaseng role, e, si Manoy [Eddie] pa!

“At pag ang direktor tulad ng isang Lino Brocka, role-of-a-lifetime yun!”

“Si Manoy Eddie ang gusto kong makatulad, pag mas tumanda pa ako.”

BACK TO KAPUSO. Sa isang mataong lugar sa Baranggay Pinagsama, Palar Village, Taguig City, nagka-eksena uli sina Gardo at Cavite Congresswoman Lani Mercado para sa Mga Basang Sisiw.

Ikatlong araw pa lang ng taping ni Gardo sa serye, bagamat mag-iisang buwan nang isinasahimpapawid ang afternoon drama series.

Masaya naman daw si Gardo sa pagbabalik-GMA-7 niya.

“Enjoy... alagang-alaga pa rin kami ni manager [and partner Ivy Vicencio],” patotoo niya.

“Noong umalis naman kami for a while, nagpaalam kami nang maayos, e.

Matatandaang lumipat muna si Gardo sa TV5 para gawin ang Never Say Goodbye at bumalik sa GMA-7 para sa Mga Basang Sisiw.

“If I may say so, mas gumanda yung terms and conditions.

“I see to it na hindi ako nakakalimot mag-‘Thank you’ palagi sa importance na ibinibigay nila palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, pag ipina-feel sa iyo na importante ka, wala ka namang ibang pupuntahan kundi ibalik yung importansiyang ibinibigay nila sa iyo.”

Iwas naman si Gardo na pag-usapan ang naging karanasan niya at ng kanyang manager noong ginagawa nila ang seryeng Never Say Goodbye with TV5.

Ani Gardo, “That’s water under the bridge... naayos na rin naman kung anong naging problema noon.

“And I don’t burn bridges.”

Patunay ni Gardo, nagda-dub pa siya para sa lead character ng isinasa-Tagalog na mga Hollywood at iba pang foreign movies ng TV5.

“‘Yung boses si Sylvester Stallone, sa Rocky IV,” banggit ni Gardo.

Patotoo rin ni Ivy, “Kinu-consider pa rin nila kami, for guesting, sa TV5 shows.

“They’re open pa rin naman.”

Open din ba si Gardo na “magbalik-Kapamilya” kung matapos na ang kaniyang commitment sa GMA-7?

“Ah, let’s cross the bridge when we get there,” pahayag niya.

KIDS AT WORK. Enjoy si Gardo at si Ivy na gawin ang Mga Basang Sisiw dahil nakakasama nila ang mga batang cast nito.

Aside from Bianca Umali and Renz Valerio, mahuhusay ang mga batang sina Kimberly Faye, Hershey Garcia at Miko Zaradias.

Sabi ni Ivy, “Nadadagdagan ang mga inaalagaang bata ng GMA.

Si Gardo naman, “Sa Aso ni San Roque, si Mona Louise Rey naman.”

Binanggit ng PEP.ph na mukhang suwerte ang pagbubuntis ngayon ng partner ni Gardo na si Ivy dahil sunud-sunod ang trabahong dumarating sa aktor.

“Oo, very timely. Excited na ako sa baby,” masayang sambit ni Gardo.

WORKING WITH DIREK RICKY. Muling nagkatrabaho sa isang TV drama series sina Gardo at Ricky Davao, na direktor ng Mga Basang Sisiw.

Ano ang kaibahan sa director na isa ring actor?

Saad ni Gardo, “Advantage, kasi mas maga-guide ka niya sa ginagampanan mong role.

“Mas naiintindihan niya yung mga pamamaraan ng pag-atake, na hindi naman exactly ituturo sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, kumbaga, bibigyan ka niya ng laya sa gusto mong pag-atake, pero nandoon yung pag-intindi, o pagka-unawa.

“Para mas lumabas na mas effective ang pagganap, na satisfying din sa direktor,” pagtatapos ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN