Heart Evangelista on her long-standing rift with parents: “Eventually, time will heal everything na maayos din lahat. Everything will just fall into place.”

Heart, on being asked if Chiz is "the one": “It’s nice to be in a relationship with someone, and you work on… kunwari meron kayong hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa... you work on it because you love each other. So, sana siya na nga talaga.”


Halos tatlong buwan na ang nakalipas mula noong nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Heart Evangelista at ang kanyang magulang.

Hanggang ngayon ay wala pa rin diumanong komunikasyon ang aktres sa mga ito at hindi pa rin daw sila nagkaayos.

Sa aming pagkakaalam, sa kanyang nakatatandang kapatid na si Camille lang siya patuloy na nikikipag-communicate.

Masasabing nakamit na ni Heart ang "independence" na matagal na niyang inaasam, na hindi na siya umaasa sa kanyang magulang lalo na sa kanyang ina na siyang nagma-manage sa kanyang career.

MANAGING HER FINANCES. Sa ngayon ay solo na siyang nagpaplano sa lahat ng gawain niya mula sa araw-araw na schedule hanggang sa paghawak ng finances nito.

“Malayo na yung narating ko,” pakli nito.

“Nakapaglipat na ’ko ng sariling bahay ko sa Quezon City, malapit sa trabaho ko.

“Naayos ko na lahat.

“Minsan mahirap talaga, pero madami akong natutunan,” masaya niyang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Marami raw siyang natutunan at dahil dito ay malaki raw ang nabago sa kanya magmula noon siya na mismo ang humahawak ng pera niya.

“Yung natutunan ko, siguro yung paghawak ng money ko, ganyan.

“Aware ako pero hindi ko nakikita… hindi ako masyado marunong mag-save dati.

“Ngayon na nakikita ko na siya, mas nararamdaman ko na mahirap pala talaga, lalo tuloy akong nagtrabaho at nagtitipid,” patuloy niyang pahayag.

Nagpapasalamat daw siya at natutunan na niya ito bilang paghahanda na rin kung sakaling gusto na niyang malagay sa tahimik.

“Kaya ko na siguro, pero hindi pa ngayon,” sagot nito sa ideyang pagpapakasal balang araw.

“May mga times na nagbi-breakdown pa ako.

“Siyempre, kasi-settle ko pa lang sa bahay ko and sobrang biglang may nangyari or something, biglang may nawawalang mga gamit… naiiyak pa ako kasi naguguluhan pa ako, so adjusting pa ako.

“Pero I guess that’s part of growing,” saad nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS CHIZ “THE ONE?” Sinundan na namin ng tanong na kung sakaling gusto na niyang malagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya, kay Sen. Chiz Escudero na nga ba ito?

“Oo naman,” bulalas nito.

“Sana naman, pinagpi-pray ko ’yan na sana siya na talaga.

“Ayoko na talaga ng iba pa, siya na lang talaga,” patuloy nito.

Dagdag pa ng aktres; “Ngayon ko lang din natutunan na you know in a relationship you really work hard.

“Nalampasan na kasi namin yun e, so kahit ano pang dumating after that madali-dali na lang.

“Pero kung meron pa kaming mga adjustment with each other, you really work on it.

“Hindi katulad dati na hindi ako masyado nakapagbigay ng chance to work on it kasi hindi ko pa nalalagpasan yung nangyayari bago pa namin narating yun… yung sa parents ko.

“So, malaking bagay sa akin na nalampasan namin yun, so madali na ang mga bagay.

“It’s nice to be in a relationship with someone, and you work in…kunwari meron kayong hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa... you work on it because you love each other. So, sana siya na nga talaga,” nakangiti pa niyang pahayag.

Umaasa pa rin si Heart na darating ang araw na maaayos na ang lahat lalo na sa kanyang magulang at matanggap na nila si Sen. Chiz bilang bahagi ng pamilya kung sakaling ito na nga ang mapapangasawa niya.

Sa ngayon ay nandiyan pa rin ang lungkot dahil hindi pa rin sila nagkaayos ng kanyang magulang.

MISSING HER DAD. Nagiging senti siya kapag merong mga espesyal na araw na ipinagdiriwang kagaya noong nakaraang Father’s Day na hindi nito nabati ang kanyang ama.

“Hindi pa kami okay, e,” sagot nito nang napunta na sa kanyang magulang ang aming usapan.

“Hindi ko rin siya binati nung day na yun kasi kilala ko rin ang Daddy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to upset him siyempre, di ba?

“Kasi when you missed someone the more upset you will be. So, I think it really needs time to heal.

“I missed my dad very much, and I still have my moments na siyempre umiiyak pa rin ako… you know?

“Eventually, time will heal everything na maayos din lahat. Everything will just fall into place.

“Si Lord na siguro ang bahala kung ano ang gusto Niyang mangyari talaga,” malungkot na pahayag ng Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN