Kim Chiu posts Instagram message for departed mom

Kim’s (in photo with dad William Chiu, Jr.) message for her departed Mom: “We may not have the chance to see each others faces, to talk about random things, to share my secrets to you, to have a mother/daughter bonding that I’ve been longing for so long but after everything that has happened… I’m still thankful to God that I saw you before you left even if you didn’t see me I know in my heart you heard me. I just hold on to the


Ngayong araw ang nakatakdang libing ng ina ni Kim Chiu na si Louella Yap Chiu sa Cebu Memorial Park.

Pero hindi pa rin malinaw kung nakauwi na si Kim Chiu kasama ang kapatid na lumipad noong Miyerkules papuntang Thailand para sa isang commercial shoot.

Nitong Miyerkules, June 26, dinepensahan nga ama ni Kim, si William Chiu Jr., ang biglaang paglipad ng anak patungong Thailand sa kalagitnaan ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa dahil sa naunang natanguang commitment nito.

Sinabi naman nitong kukumbinsihin ni Kim ang may-ari ng produktong kanyang i-endorso para raw makabalik agad siya sa Cebu.

Ayon pa din kay Mang William, hindi daw puwedeng maurong ang petsa ng libing dahil ayon daw sa feng shui expert na kanilang kinonsulta, ang petsang ito daw ang angkop sa paglalagak ng mga labi ng namayapang miyembro ng kanilang pamilya.

KIM’S INSTAGRAM MESSAGE. Bandang tanghali ngayong araw, June 29, nag-post si Kim sa kanyang Instagram account ng isang litrato niya na parang nakasakay siya sa isang bangka habang nakatanaw sa horizon. Makikita rin dito ang magandang sinag ng araw.

Nakasulat dito, “We may not have the chance to see each others faces, to talk about random things, to share my secrets to you, to have a mother/daughter bonding that I’ve been longing for so long but after everything that has happened…”

“I’m still thankful to God that I saw you before you left even if you didn’t see me I know in my heart you heard me.”

“I just hold on to the thought that you are now in a better place where there is no more pain and suffering.”

“I love you mama always and forever.”

Sa kasalukuyan ay umani na ang naturang post ng mahigit 15,000 likes at 670 comments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN