Jasmine Curtis Smith on real score between her and "special friend" Sam Concepcion: “Mas maganda siguro kung siya ang sasagot.”

Jasmine on her "kick-ass" role in TV5’s new action series, Undercover: “Isa akong gadget girl. Bale, ako ang nagti-trace ng mga calls. Nagti-trace ng mga web addresses. From there, I can hack CCTV. Yung mga ganoong activities. Kapag hindi ganoon, nakikisama sa field work ng mga team. Kunwari, undercover ka sa mga people sa government. Naggu-go around, house-to-house. It changes every episode. But most of the time, gadget girl ako.&r


Isang gadget girl ang karakter na ginagampanan ni Jasmin Curtis Smith sa bagong action series ng TV5, ang Undercover.

Ayon kay Jasmine, “Isa akong gadget girl. Bale, ako ang nagti-trace ng mga calls.

“Nagti-trace ng mga web addresses. From there, I can hack CCTV. Yung mga ganoong activities. Kapag hindi ganoon, nakikisama sa field work ng mga team.

“Kunwari, undercover ka sa mga people sa government. Naggu-go around, house-to-house. It changes every episode. But most of the time, gadget girl ako.”

May pagka-dorky raw ang hitsura ng character ni Jasmine sa Undercover.

“I’m wearing black eyeglasses. May bangs. She’s not super edgy but there’s a darkness to her na you don’t feel na nakaka-overwhelm or anything.”

Mahilig daw talaga si Jasmine manood ng mga programa tulad ng CSI at NCIS.

Sabi pa ni Jasmine, “Actually, one of my pegs is from NCIS— si Abby. Sabi ko nga, parang gusto ko yung ganoon.

“So, somehow, parang similar ang role namin na siya yung pa-edgy, ma-gadget. Palaging may dala. Nagti-trace ng mga things.

May pinanggagalingan din daw ang karakter ni Jasmine kung bakit siya naging gadget girl.

Aniya, “As part of an undercover team, gusto ko rin makaganti because of what happened to my brother na pinatay ng mga vigilantes.”

Ang huling teleserye pa na ginawa ni Jasmine ay ang Nandito Ako. Kulang dalawang taon nga rin daw bago ito nasundan ng Undercover.

COLLEGE LIFE. Personal choice na rin naman yun ni Jasmine dahil tinapos niya muna ang kanyang high school studies sa Australia at ngayon, itinuloy niya ang pag-aaral ng kursong AB Communications sa Ateneo de Manila University.

Hindi ba siya nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista?

“So far, four subjects pa lang naman.

“Next year pa ’ko puwedeng mag-major.

“At least, I was so thankful kasi, ito lang ang naabutan kong entrance exam. Paano kung hindi ako ma-accept?” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Ateneo ba talaga niya gustong mag-aral?

“Actually, I don’t have any preference. But, if given a choice, I would love to study in Ateneo. Ever since grade school ako, yun ang gusto ko talaga. So, to God be the greater glory, I got in.”

Dugtong pa niya, “Loyola school din ang Ateneo and yung school ko sa Australia was Loyola College.

“The patron saints were the same. The way their faith is instilled in the students is the same.

“So, at the same time, sabi ko, ako, hindi ako masyadong mahihirapang mag-adjust sa culture ng school dahil pareho.”

Naniniwala si Jasmine na challenge sa kanya ngayon na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista ngayong "full-time" na nasa Pilipinas na nga siya.

“Kakayanin kasi, tulad ngayon, biglaang nagkaroon ng Department Talk and I finished at 6:00 P.M. Tapos, kailangan kong pumunta ng taping.

“I rushed here to finish my taping tonight and wake-up earlier tomorrow for my school.

“I know for sure, hindi siya madali. I entered it, knowing the sacrifices I have to make in terms of social life... family time.”

Nakangiti naman niyang sinagot na, “Time management na lang ’yan,” nang tanungin ito kung paano naman niya nasisingit ang lovelife niya ngayon.

Pag-uulit pa niya, “Time management lang ’yan, in-terms of any aspect in life.”

Magaling pala siya sa time management kung ganun?

“Sana, sana dito ako matuto ng time management ko. Tinutulungan naman ako ng TV5 and my management,” pag-amin niya.

Bilang may time management na, kumusta na nga ba ang lovelife niya?

Natatawang sabi naman ni Jasmine, “Hindi, hindi… sabi ko, may time management na. Kailangan lang marunong kang mag-time management.”

SAM CONCEPCION. Si Sam Concepcion ba na nali-link kay Jasmine, marunong din ng time management?

“Ewan ko, ewan ko sa kanya kung marunong siyang mag-time management. Siya ang tanungin niyo ro’n. Basta ako, I’m learning how to manage my time,” nangingiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Jasmine na mahilig sila ng ate niya na si Anne Curtis sa pangalang Sam.

Natawa ito saka sinabing, “Wala e, names of people are inevitable.”

Matagal-tagal na ring nali-link sa isa’t isa sina Jasmin at Sam. May mga usap-usapan na nga na sila na naman daw. Kahit sa social networking sites na Twitter ay madalas na nakikitang nag-uusap sila ro’n.

Ano na nga ba ang namamagitan sa kanila ngayon?

Sabi naman ni Jasmine, “Mas maganda siguro kung siya ang sasagot.

“Parang ang sagwa namang tingnan kung babae ang magsasalita in-terms of that. Kasi siyempre, you know, as a lady, you compose yourself high, may maganda kang posture. Literally and figuritavely.”

Masasabi niyang espesyal sa kanya si Sam?

“Of course, he’s always special naman. Dati pa kaming friends.”

Tinanong din namin si Jasmine kung ano ang mga katangian nila o bagay-bagay na napagkakasunduan talaga silang dalawa.

“Kami ni Sam? Pareho naman kaming makulit. Nangungulit kami sa Twitter. Yung mga fans namin, kinukulit namin.

“Mabait siya, mabait ako.

“Masipag. I know, he’s been working since he was eleven? Little Big Star, ang tagal na no’n and until now, masipag pa rin siya when it comes to work.

“Ako naman, hopefully, masipag ako, both in work and school. Kasi nga, start na pagsasabayin ko na talaga for real, in one country ang dalawang world na yun.

“Unlike before, puwede ko pang paghiwalayin ang Australia at Pilipinas.

“So, yun, sana, masipag akong tao and I hope na masipag ako.”

Magkaiba ang networks na kinabibilangan nila ni Sam.

Kapamilya si Sam samantalang si Jasmine naman ay Kapatid.

Kung sakali, gusto rin ba niyang makita na magkasama sila ni Sam sa isang proyekto?

“If the chance arises, and maganda for whatever plans my management has for me, why not? And eventually, I would be able to make my own decision about that and I do, I get to have my own say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you know, at the end of the day, you have to rely on what’s best for me coming from management and the network itself.

“Kung ano talaga ang maikakaganda ng career ko, doon na ko,” pangwakas na pahayag ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN