Alessandra de Rossi hopes her theatrical debut will help conquer her greatest fear: “... ang mag-perform sa harap ng maraming tao.”

Alessandra on her stage debut: “Well, maganda siyang first step, kasi hindi ka naman bida. Sa ngayon, maganda siyang step. Light lang kasi.”


Bagong karanasan para kay Alessandra De Rossi ang sumabak sa larangan ng teatro.

Ang award-winning actress ay gaganap sa stage play na Owel na isa sa sampung one-act plays na kabilang sa 9th Virgin Labfest na kasalukuyang ipinapalabas sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Mula June 26 hanggang July 7, ang Virgin Labfest ay magtatampok ng mga likha na mga baguhang playwrights. Bagamat hindi kilala ang mga nasabing manunulat, ang kanilang mga gawa ay idinirihe naman ng mga beteranong direktor gaya nina Chris Millado, George de Jesus at Marlon Rivera.

Paano nakapag-desisyon si Alessandra na gumanap sa entablado sa unang pagkakataon?

“Tinawagan ako ni Direk Andoy [Ranay], kasi alam niya ang greatest fear ko— ang mag-perform sa harap ng maraming tao,” bungad ni Alessandra sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes ng gabi, June 27, sa backstage ng Tanghalang Huseng Batute sa CCP.

Si Ranay ang bidang aktor ng dulang may isang yugto (one-act play) na tinampukan din ni Alessandra.

Hindi bilang direktor kundi bilang aktor ang bahagi ni Andoy sa nasabing produksiyon.

Si Alessandra, bilang co-actor, ay may maikli pero mahalagang papel bilang doktor sa isang clinic kung saan nagpakonsulta si Owel (Andoy’s part) tungkol sa hindi makumpirmang sakit na saka lang maibubunyag sa kalagitnaan ng kuwento.

Nabuwag na ba ni Alex ang kanyang mga takot at kaba matapos ang naunang dalawang show/performances?

“Well, maganda siyang first step, kasi hindi ka naman bida,” sabi niya.

“Sa ngayon, maganda siyang step. Light lang kasi.

“Hindi lang ako sure kung... kasing-laki ng role na Owel [Andoy’s gay character], hindi ko yata kaya! Mai-i-stress ako!"

May dalawang performances pa ang Owel, na katatampukan ni Alessandra, sa July 6, at 8PM, and July 7, at 3PM. Ito’y sa direksiyon ni Marlon Rivera, mula sa panulat ni Eljay Castro Deldoc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIARS. Samantala, fresh from her Gawad Urian award-winning performance (Best Supporting Actress, in Emmanuel Q. Palo’s Sta. Nina), tampok naman si Alessandra De Rossi sa indie film na Liars, ang isa sa Directors Showcase entries para sa forthcoming 9th Cinemalaya Film Festival 2013.

Ang Liars ay mula sa panulat ni Senedy Que at sa direksiyon ni Gil Portes.

“Ako’y isang journalist. Ako ang naka-diskubre na dinadaya ng mga bata yung edad nila,” banggit ni Alessandra tungkol sa kanyang ginampanang papel.

Tungkol sa isang iskandalong sangkot ang ilang kabataang baseball players ang tinatalakay na kuwento ng Liars.

Kasama rin sa cast sina Sue Prado, Arnold Reyes, Cris Villanueva, Nanding Josef, Princess Manzon, at ilang mga kabataang gumanap bilang mga lokal na manlalaro.

Sa papel niya bilang isang mamamahayag o journalist, sabi ni Alessandra, “It was very, very challenging!

“Yung magiging struggle niya, [kung] sasabihin ba niya yung totoo or hindi, kasi baka makasira siya ng buhay.

“True story ito, e,” pagmamalaki pa ni Alessandra.

FORMIDABLE CONTENDERS. With Alessandra De Rossi doing a major female part in Liars, karagdagan siya sa mga aktres na hinuhulaang magbibigay ng matinding kumpetisyon sa iba pang female lead performers sa Cinemalaya Directors Showcase category.

“Si Ate Vi [Vilma Santos] daw, e,” nangiti si Alessandra nang mabanggit ang tungkol sa matindi niyang makakalaban sa pagka-Best Actress.

But although Vilma Santos offers a tough fight in Jeffrey Jeturian’s Ekstra/The Bit Player, kabilang din sa kanyang makakatunggali sina Lovi Poe, para sa Sana Dati ni Jerrold Tarog; Althea Vega, para sa Amor Y Muerte ni Cesar M. Evangelista; at Rosanna Roces, para sa Porno ni Adolf Alix, Jr.

May pasubali pa rin si Alessandra.

Aniya, “Hindi rin alam kung sa lead [category] ako, or supporting.

“Kasi, hati yung role, e. Bida yung mga bata, so puwedeng sila ang bida.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sigurado, si Alessandra ang nag-iisang karakter na babae na major ang participation sa Liars.

MORE INDIES. “May ginagawa akong Korean film, pero maliit lang yung role ko— pang-flashback lang.

“May dalawa pa akong naka-line-up, hindi pa rin sure. Pero indie lahat,” dagdag pa niyang kuwento.

Mas gusto raw niya talagang gumawa ng indie films.

“Kasi, pag mainstream, puro horror yung offers sa akin, so hindi ko tinatanggap.

“Okay lang. Sa TV, wala pang bago. Waiting pa rin.

“Kapuso [GMA-7 talent] ako. Kaka-sign ko lang ng contract [last June 26]. It’s a 2-year contract,” pagtatapos ni Alessandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN