Robin Padilla on his respect for gays: “Mabubuting tao sila. Sila nga ang masasabi kong talino ng industriya ngayon... ng pelikulang Pilipino. Sila ang mga nananaig.”

Robin on his plea not to show same-sex intimacies on television: “Huwag lang sana maghalikan sa telebsiyon naman at telebsiyon na ’yon. Iwan nalang nila sa pelikula iyon... Hayaan lang natin hangga’t hindi sila naghahalikaan na dalawa doon.”


Kahit daw tanggap na ng action star na si Robin Padilla na ang gay at lesbian relationships ay realidad na sa Pilipinas, mas nais daw sana niya na ang mga maseselang aksyon sa pagitan ng dalawang magkarelasyon ng parehong kasarian ay huwag nang ipakita pa sa telebisyon.

Ayon pa sa panayam sa tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies ng abs-cbnnews.com na lumabas ngayong araw, June 29, sinabi daw ni Robin na tutol daw siya na magpalabas ng mga kissing scenes
ng magkaparehong kasarian sa telebisyon.

Saad nito, “Huwag lang sana maghalikan sa telebsiyon naman at telebsiyon na ’yon. Iwan nalang nila sa pelikula iyon... Hayaan lang natin hangga’t hindi sila naghahalikaan na dalawa doon.”

Kinlaro din ni Binoe na tinatanggap niya ang pagyabong ng mga karapatan ng mga miyembro ng third sex.

Dagdag pa niya, “Wala tayong magagawa, realidad na ’yan. Kasama na ’yan sa buhay ng tao, at alam niyo naman, tayo’y...

“Mahilig tayong kumopya kung ano nangyayari sa Amerika. Ngayon ang sinisigaw nila, gay rights, kung anu-anong klaseng rights. E, ibigay na natin, kung anong rights ang hinihingi.”

Ang tinutukoy ni Robin ay ang bagong ruling ng US Supreme Court tungkol sa same-sex marriage.

Inilabas ng kataas taasang hukuman ng America nitong Miyerkules, June 26, ang nullification nito sa Defense of Marriage Act (DOMA), na humadlang sa karapatan ng pagkakaroon ng mga benepisyo ng mag-asawang may parehong kasarian.

Kinontra din ng hukuman ang Proposition 8, na naghudyat na puwede nang magpakasal ang mag-partner na may parehong kasarian sa California.

Sa palagay kaya ni Robin ay susunod na gagawa ang bansa ng ganitong klaseng batas?

Sinabi ni Robin na maraming magagandang contribution sa Pilipinas ang mga nasa third sex. Binanggit din niya si Vice Ganda bilang isa sa pinakasikat na bakla ngayon sa atin.

Dagdag pa nito, “Wala na tayong magagawa, in-accept na. In-accept na ’yan ng Pinoy. Number 1 superstar ng mga Pilipino si Vice Ganda. So siguro dun palang, alam na natin kung sino na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sila masamang tao, mabubuting tao sila. Sila nga ang masasabi kong talino ng industriya ngayon... ng pelikulang Pilipino. Sila ang mga nananaig."

Ano naman kaya ang masasabi niya tungkol sa kung magkakaroon na ng batas na same-sex marriage sa bansa? Tugon nito, “Ayoko na mag-komento diyan.”

Matatandaang umingay ang usapin tungkol sa same-sex relationship nang nagsimulang umere ang mapangahas na serye ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

May kapatid din siyang kabilang sa third sex— ang dating action star na si Rustom Padilla na ngayo’y kinikilala na bilang si BB Gandanghari, na magmula nang maglantad ng kanyang bagong katauhan ay hindi pa rin matanggap-tanggap ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN