Jake Cuenca on the possibility of falling for Maria Mercedes co-star Jessy Mendiola: “Nandito lang naman ako para sumuporta sa kanya at maging kaibigan para sa kanya.”

Jake on working with ace comedienne Eugene Domingo: “We hit it off right away. Parang day one pa lang, naging magkaibigan na kami agad. Before this movie, before I really met her, I am just a very big fan of hers. So, at first, medyo na-starstruck ako sa kanya. Nag-enjoy ako sa experience na ito.”


Maganda ang kuwento ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca kung paano siya nakuhang celebrity endorser o brand ambassador ng My View.

Ang My View ay isang bagong lunsad na brand ng electronic gadgets tulad ng flat TV, cellphone at iba pa.

Ang pagbili ni Jake ng My View TV sa isang appliance store ilang buwan pa lang ang nakalilipas ang naging daan para siya ang gawing kauna-unahang celebrity endorser ng naturang brand.

Kagabi, June 28, sa Fairmont Hotel sa Makati, isang bonggang contract signing cum presscon ang idinaos ng My View para sa pagpapakilala nila kay Jake bilang kauna-unahan nilang ambassador.

Ayon kay Jake, “Sobrang blessed ako to have gotten here and be working with My View. Masayang-masaya talaga ’ko.”

“Alam niyo, bumili ako ng regalo para sa nanay ko, promise.

“Tapos, sinabi sa akin ng manager ko, si Neil de Guia. Wala akong kaalam-alam, may meeting kami.

“Tapos, sabi ko, kilala ko ang product na ’to, nakabili na ’ko.

“Tapos, alam nga nila na nakabili na ako ng isang TV. Tapos, akala nila, binili ko para sa sarili ko, but in fact, regalo ko yun para sa Nanay ko.”

Sa naturang contract signing, niregaluhan pa si Jake ng 40-inch flat TV ng My View.

Sabi nga ni Jake, “Hahanapan natin ’yan ng puwesto sa bahay at siyempre, gagamitin natin yan.

“Yan mismo, itatago ko sa bahay ko. Parang remembrance na rin of this day na sobrang ginastusan talaga nila itong araw na ito.

“Sobrang bait, sobrang espesyal ng araw na ito.”

MARIA MERCEDES. Kasalukuyang ginagawa ni Jake ang Maria Mercedes, ang remake ng isang Mexican telenovela kung saan siya ang magiging leading man ni Jessy Mendiola.

Kuwento nga ni Jake, “Masaya, masaya...

“I’m happy working with Jessy Mendiola, Jason Abalos. Direk Chito Rono. Lahat kami, masaya working with this. Unang-una, lahat kami, masaya para kay Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s her launching project.”

Magkabaigan na raw sila ni Jessy noon pa man, pero, ngayon lang sila naipareha sa isa’t isa.

Kumusta naman?

“Matagal na kaming magkaibigan ni Jessy, so, masaya ko. Kasi, matagal ko na siyang gustong maka-trabaho at maganda siyang babae.

“At saka, magaan siyang kasama sa set at mabait siya.”

Hiniritan namin si Jake ng, “Knowing Jake...”

Pero mabilis nitong pinutol ang sasabihin namin at natatawang sinabi na, “Hayan na naman, knowing Jake na naman...”

Knowing Jake nga, posible kayang lumagpas sa pagiging magkaibigan lang sa pagitan nila lalo na sa pagkakabigkas niya ng mga salitang “magandang babae” tungkol kay Jessy at lalo pa ngayon na pareho silang single?

Natatawang sagot naman ni Jake, “Nandito lang naman ako para sumuporta sa kanya at maging kaibigan para sa kanya.

“Tingnan natin, hindi natin masasagot yan.”

Malaking bagay rin kay Jake na maidirek ni Chito Roño para sa telebisyon.

“Marami akong natutunan sa kanya at isa na naman ito sa isang director na pagkatapos ng project na ito, I can say na may natutunan na naman ako.”

OTHER MOVIE PROJECTS. Kung may isang aktor man kaming kilala na hindi namin alam kung paano pa nakukuhang matulog, si Jake na yata yun.

Bukod sa pagti-taping ng Maria Mercedes, apat na pelikula ang ginagawa niya.

Natapos na nga niya ang Tuhog ng Star Cinema at Skylight Films kunsaan kasama niya sina Eugene Domingo, Enchong Dee at Empress Schuck.

Meron pa siyang Nuwebe para sa Cinemalaya, Lihis na pang-Sineng Pambansa at Nagalit Ang Buwan sa Haba ng Gabi ng Viva Films.

WORKING WITH EUGENE. Sila raw ni Uge ang magka-pareha naman sa Tuhog.

“Oo nga, oo nga and it’s so nice to work with Eugene Domingo at matagal ko na siyang gustong maka-trabaho at para sa akin, isa siya sa pinakamahusay na aktres sa Pilipinas and ang dami kong natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-enjoy ako at sobrang fulfilling na makagawa ako ng project with her.”

Sabi pa ni Jake, “It was fun at masasabi kong sobrang saya ng project. Marami talaga kong natutunan. Marami kaming eksenang napaglaruan.”

Dramedy (drama comedy) raw ang Tuhog.

Ayon pa kay Jake, “Masaya na nakasama ko siya sa mga eksenang comedy at medyo naipakita ko rin sa kanya ang kakayahan ko pagdating sa drama.”

May kissing scene ba sila ni Eugene?

“Just a fair amount of physical scenes. May mga eksena sa kama. Siyempre, mag-syota kami rito. Ano ba ang ginagawa ng mag-syota?” natatawa niyang sabi.

“Alangan namang naghu-holding-hands lang kami buong pelikula.”

“Parehas kami. We hit it off right away. Parang day one pa lang, naging magkaibigan na kami agad. Before this movie, before I really met her, I was just a very big fan of hers.

“So, at first, medyo na-starstruck ako sa kanya. Nag-enjoy ako sa experience na ito.”

Yung sabay-sabay na pelikulang ginagawa niya, lead role sa isang teleserye, may bagong endorsement, ano ang pakiramdam?

“Suwerte, suwerte,” saad niya.

“Nandito ako sa punto ng buhay ko na feeling ko, kaya kong gawin ang lahat.

“In terms of acting, sobrang marami na akong natutunan over the years and gusto kong i-exercise ang skills ko.

“Basta may magandang project na i-offer. May budget man o wala. Indie man o mainstream, basta maganda ang script and it spoke to me, tumagos sa puso ko, gagawin ko talaga.”

LOVI POE. Tila hindi naman nakahanap agad ng salitang bibitawan si Jake nang kumustahin namin sa kanya si Lovi Poe.

Si Lovi ang masasabing isa sa mga aktres na matagal na ring nali-link sa kanya.

Pero ayon kay Jake, “Ah, yun, we’re both single.

“Ano naman, pero, okay kami. We’re both single.”

Kumpara raw dati, mas nawala na ang komunikasyon nila, na tila nag-lie low na sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun... busy, lie low. Parehas kaming single. So, yun na lang, let’s keep it at that,” saad niya.

“And one thing naman, we’re friends and everything.

“Let’s just keep it at that, single,” paulit-ulit niyang sabi

“And available,” ang pahabol pa niyang salita.

Tinuldukan na ba nila ni Lovi kung anuman sana ang meron sa kanila o posibleng ma-develop pa?

“At the moment talaga, we haven’t really been talking, we haven’t really been seeing each other.

“But, we’re both single, again. Basta, ang importante lang sa akin, I wish to work with her again kasi, I really enjoyed having her as a leading lady several times.

“Yun, magkaibigan pa rin kami and that’s the most important thing.

“But again, status, single.”

Nasa proseso naman siya ng may mga bagong naide-date?

Natawa ito, “Okay naman ako, meeting people.

“Ano naman ako ngayon, ine-exercise ko naman ang right ko na maging single. Let’s keep it at that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN