Krystal Reyes on her big crush on John Lloyd Cruz: “Magang-maga ang mata ko paglabas ko ng sinehan, sobrang pag umiyak kasi siya, ramdam mo.”

Krystal on her willingness to tackle any role: “Alam ko naman sa sarili ko at tanggap ko na hindi naman all the time bida ka, basta katulad ng sabi ko, ang mahalaga sa akin may trabaho ako. Alam ko naman kasi na hindi ako pababayaan ng GMA-7. At alam ko na may magandang plano sila sa akin.”


Sa kanyang murang edad na 16 anyos ay wala pa raw balak magkaroon ng boyfriend ang isa sa lead actresses ng Anna Karenina na si Krystal Reyes.

Mas gusto raw kasi nitong mag-focus muna sa kanyang career at saka na lang mag-entertain ng mga manliligaw.

“Wala pa po kasi sa isip ko yung magkaroon ng boyfriend, masyado pa kasi akong bata.

“Mas gusto ko kasi na mag-concentrate muna sa career at ayaw ko isipin yung tungkol sa pagbu-boyfriend,” pakli niya.

NO BOYFRIENDS FOR NOW. Pero nag e-entertain ka na ba ng manliligaw?

“Sa ngayon siguro hindi po muna, ayoko pa talaga,” diin niya.

Hindi ba dahil pinagbabawalan ka ng parents mo?

“Hindi naman po sa ganun, wala naman silang sinasabi sa akin na bawal ako tumanggap ng manliligaw.

“Personal choice ko po yun, pero alam ko naman na ayaw pa rin naman nila kasi nga bata pa ako,” dagdag niya.

Si Julian Trono ba na ka-loveteam mo sa Anna Karenina nanliligaw ba sayo?

“Naku hindi po! Tingin ko nga sa kanya nakababatang kapatid ko, bata kasi siya tingnan,” saad niya.

E yung ibang mga boys ng Anna Karenina like Derrick Monasterio at Hiro Magalona?

“Wala rin po, siguro tingin nila sa akin nakababatang kapatid, kasi bata rin naman akong tingnan,” sabay halakhak niya.

Pero if ever na dumating yung time na ready ka na at may nanligaw sayo, sasagutin mo ba?

“Siguro kung ready na talaga ako at mabait naman bakit hindi, siguro depende sa taong darating.

“Siguro masasagot ko lang po yan kapag nandoon na ako sa point na yun,” giit niya.

Pero nakakaramdam ka na ng kilig-kilig?

“Oo naman po, siyempre naman po.”

CRAZY ABOUT JOHN LLOYD. Sino ang showbiz crush mo?

“Si John Lloyd Cruz. Bukod kasi sa guwapo siya magaling siyang umarte.

“Ang galing-galing niyang umiyak, kung ilang beses ko ngang pinanood yung movie nila ni Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pinanood ko po yung last movie nila ni Sarah [Geronimo] kasi sila po talaga ang favorite ko, bumibili po ako ng CD nila na original.

“Nung pinanood ko yun, todo iyak ako... magang-maga ang mata ko paglabas ko ng sinehan, sobrang pag umiyak kasi siya [John Loyd], ramdam mo.

“Big fan nila ako, bumibili nga ako ng original copies ng mga pelikula nila at lahat ng pelikula nila pinapanood ko,” masaya niyang kuwento.

So dream mo siyang makatrabaho?

“Opo! Pero parang mahirap po kasi nasa kabila siya [ABS-CBN] tapos ako nasa GMA-7.”

CONTRACT WITH GMA-7. May kontrata ka ba sa GMA Films ?

Aniya, “Ang alam ko po kasi exclusive ako sa GMA-7, kaya siguro kung gagawa ako ng pelikula sa GMA Films lang, pero malay natin baka mahiram siya [John Lloyd] ng GMA Films at isama ako. Hahaha!”

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Krystal na mabibigyan ulit siya ng lead role ng GMA-7 katulad nung bata pa siya.

“Very happy po ako kasi kahit support yung napupunta sa aking project okey lang sa akin yun, kasi ang gusto ko lang naman dire-diretsong trabaho, yung hindi nababakante.

“Kaya naman very thankful ako sa GMA-7 dahil kahit support yung mga naunang role na ibinigay nila sa akin, tumatatak naman at maganda yung role.

“Hindi naman ako naghahangad na mag-bida, kahit anong projects ang ibigay nila sa akin, tatanggapin ko yun kasi trabaho din yun.

“Kaya nga po nagulat ako nung sabihin sa akin na isa ako sa magiging bida sa Anna Karenina, sabi ko sa sarili ko malaking project ito.

“Hindi nga ako makapaniwala kaya nung story con na dun ko nalaman na totoo pala, kasama at bida pala ako dito.

“Sobrang saya ko, kaya marami ang naglaro sa isip ko, kung kaya ko ba at mabibigyan ko po ba ng justice yung role ko bilang si Anna,” patuloy ng dalagita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT CHOOSY WITH ROLES. After Anna Karenina at mabigyan ka ulit ng support na project, tatanggapin mo ba?

Pag-amin ni Krystal, “Oo naman po, bakit naman hindi, project din naman yun.

“Alam ko naman sa sarili ko at tanggap ko na hindi naman all the time bida ka, basta katulad ng sabi ko, ang mahalaga sa akin may trabaho ako .

“Alam ko naman kasi na hindi ako pababayaan ng GMA-7. At alam ko na may magandang plano sila sa akin.

“Like dun sa Hindi Ka Na Mag-iisa, nung una hindi ko alam na ganun yung role ko, nung storycon ko na lang nalaman na ganun pala ang role ko bilang isang abnormal.

“Nung sinabi yun ng handler ko, nung una natakot ako, kinabahan ako kasi parang kaya ko ba ito, kasi parang ang hirap nun.

“Yung parang paano ko gagawin yun, e, hindi ko naman naramdaman yun, hindi ko naman alam kung ano yung pakiramdam ng maging ganun, kasi hindi naman ako ganun.

“Kung papaano ko siya ia-arte e hindi ko naman alam kung papano ba sila masaktan, papano ba sila matuwa.

“Mabuti na lang po pinag-workshop nila ako at meron po akong acting coach at may pinakilala sila sa aking ganun at nagpunta po kami sa school nila. Tapos, pinag-aralan ko na lang.

“Yung ganung klaseng role yung medyo challenging sa akin na kahit hindi ka bida, tatak ka sa manonood.

“Kaya kahit support lang ang ibigay sa akin na project pero katulad naman ng role na ibinigay nila sa akin sa Hindi Ka Na Mag-iisa, okay sa akin yun,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN