Direk Jade Castro on Richard Gutierrez’s comic flair in My Lady Boss: “Sobrang ganda ng timing ni Richard at saka napaka-natural nung comedy niya.”

Direk Jade on the recent controversies involving Marian and Richard and their effect on the movie: “Medyo tanggap ko na rin iyon pagdating sa showbiz, na interesado talaga ang mga tao sa mga buhay-buhay ng mga artista so hindi maiiwasan. I think… hindi kasi ako magaling pagdating diyan, sa kung ano ang nakakatulong o hindi na intriga, pero sa akin naman, pag nababanggit yung pelikula tapos as long as hindi negative yung dating sa pelikula, tingin ko nakakatulong. So


Ayon sa My Lady Boss director na si Jade Castro, malaki raw ang chance na maka-relate ang publiko sa kuwento ng kanyang bagong pelikula, lalo na’t ang office romance ay isang tema na madalas maranasan, mabalitaan o ma-experience ng Pinoy working class.

Kuwento niya, “Noong simula pa lang, sa script hinanap ko na talaga kung ano talaga siya as a movie. At tungkol talaga siya sa isang office romance.

“Tingin ko maraming makaka-relate doon.

“Yung mga hindi sinasadyang nagkaka-in love-an sa office, tapos may dagdag na kumplikasyon na boss yung babae, tapos lalaki yung bagong-pasok sa office.

“Yung mga nangyayari sa pelikula na mga sitwasyon, I think very relatable, iyon yung ginawa naming highlight sa movie kasi iyon yung napapanahon at saka iyon yung parang concern ng marami din.

“Iyon, iyon yung kanyang talagang main na core ng pelikula.

“Tapos, kung paano siya naging bago, para sa akin, kumbaga, nagsasalit-salit ako, e.

“Parang, hindi naman ako laging gumagawa ng romcom. Minsan, comedy lang na all-out, tulad ng Zombadings.

“So, ito, parang pinasok ko lang din yung personality ko sa kanya na hindi lang siya basta nakakatawa, nakaka-touch din siya, may drama rin, tapos very real din yung mga pangyayari.

“Pero minsan kengkoy din, minsan yung mga patagong mga pangyayari nakakatawa... ganun.

“So, ganun siya,” panimulang bungad ni direk Jade Castro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan tungkol sa My Lady Boss ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.

Pinagbibidahan nina Marian Rivera at Richard Gutierrez, magkakaroon ng premiere night ang pelikula today, June 30, Linggo, 7pm sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Sa July 3 naman ang regular showing nito.

REVELATIONS. Pagpapatuloy pa ni direk Jade tungkol sa pelikula…

“Tapos bago rin siya for Yan [Marian] and Richard, I think kaya din nila ginawa yung project, e.

“Si Yan sobrang excited na bago yung role niya sa movie na ’to. Boss siya, nag-i-English.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually natatakot siya dun nung una e, pero kinaya naman niya, e.

“Tapos si Chard very relaxed sa movie na ’to, para siyang... na-discover ko siya as a comedian sa movie na ito.

“Sobrang ganda ng timing ni Richard at saka napaka-natural nung comedy niya, iyon.

“Tingin ko magugulat ang maraming tao e, pag nakita nila si Marian ’tsaka si Richard.”

ISSUES. Speaking of his stars, nadawit sa issues sina Richard [about Sarah Lahbati] and Marian [about Mother Lily Monteverde] kamakailan.

Sa tingin ba ni direk Jade ay advantage o disadvantage sa magiging resulta ng My Lady Boss ang mga naging isyu sa kanyang lead stars?

“Hindi ko talaga alam, e. Hindi ko alam,” pag-amin niya.

Bilang direktor ng pelikula, naapektuhan rin ba siya sa mga naging isyu sa dalawa niyang bidang artista sa My Lady Boss?; na ang naging sentro ng publicities ng movie ay ang mga issues kina Marian at Richard at hindi ang mismong pelikula nila?

“Hindi naman. Medyo tanggap ko na rin iyon pagdating sa showbiz, na interesado talaga ang mga tao sa mga buhay-buhay ng mga artista so hindi maiiwasan.

“I think… hindi kasi ako magaling pagdating diyan, sa kung ano ang nakakatulong o hindi na intriga.

“Pero sa akin naman, pag nababanggit yung pelikula tapos as long as hindi negative yung dating sa pelikula, tingin ko nakakatulong.

“So far, yung mga intriga wala namang binabanggit na pangit yung pelikula.

“Yung isyu na yun, ang ganda nga ng nangyari, nagkaroon ng resolution na nangyari [between Marian and Mother Lily].

“I like them both, Mother and Marian and I think naayos naman yung problema na yun,” pasasalamat ng direktor.

ISSUE WITH STAR CINEMA. Si direk Jade ba at ang Star Cinema, nagkaayos na?

“Wala naman kaming… although recently nagdirek ako ng episode ng Jeepney TV sa ABS, si Juday [Judy Ann Santos] yung episode na yun, interview. Nagtrabaho na ulit ako [sa ABS].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi pa ulit ako nagtrabaho sa Star. Yung mga kaibigan ko sa Star, kaibigan ko pa rin sila. Pero parang wala pa namang, kumbaga, hindi pa napag-uusapan uli,” at tumawa si direk Jade.

So wala pang resolution?

“Parang feeling ko parang natural closure na lang siya, hindi na kailangang hanapan ng confrontation or ano,” saad niya.

Ang naging isyu sa kanila noon ay ang pagsama ng loob ni direk Jade sa pagsasabay ng showing ng Zombadings at ng Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema.

Pero si direk Jade ang nagwagi dahil box-office hit ang Zombadings, kaya siya ang na-vindicate.

“Medyo,” at muling tumawa si direk Jade.

Kapag in-offer-an siya ulit ng Star Cinema na gumawa ng pelikula sa kanila…

“Hindi sarado ang isip ko doon, as long as maganda yung project at saka tama lahat yung mga factors.

“Pero hindi ko na-expect na, I think puno din sila e, they have good directors and lagi silang… puno na yung line-up nila, di ba, so hindi naman ako nag-e-expect anytime soon.

“Pero if it happens, I’m open to it,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN