Matt Evans on former live-in partner Johnelline Hickins: “Meron din kaming pinagsamahan, doon din naman ang punta na magkakaayos talaga kami. Pero hindi na talaga magkakabalikan.”

Matt on settling things amicably with his ex-partner: “Pero doing good na rin naman na. Kumbaga, going well na rin. Kasi yun nga, civil na kami ng ex ko, nakakapag-text na kami. Tapos, yung baby ko nakikita ko na. Siguro hindi lang talaga nagkaintindihan nung time na yun. And I think, siguro hindi na rin mag-work out, trauma na kaming dalawa sa nangyari. Pero okay na kami. Siguro yung pagkukulang, yung anak ko hindi ko naalagaan. Pinakamahirap sa part ko.”


Hindi man siya nagbibida, hindi naman nawawalan ng trabaho si Matt Evans sa ABS-CBN.

Dalawang buwan pa lang mula nang magwakas sa ere ang Paraiso na pinagbibidahan nina Mateo Guidecelli at Jessy Mendiola, kung saan kasama rin si Matt bilang support character.

Itinampok din siya kamakailan lang sa Maalala Mo Kaya sa episode na “Ilog.”

Kaya masasabing hindi pinababayaan ng Kapamilya network kahit dumaan sa isang controversial love affair ang mestishuhing aktor.

Sa pagharap ni Matt sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press para sa isang panayam sa kanya sa set visit ng Muling Buksan Ang Puso noong Biyernes ng hapon, June 28, nagpakita kaagad ng maaliwalas na ngiti ang aktor.

Ang nasabing serye ay ang pinakabagong TV project ni Matt, at siya ring pinagbibidahan nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil.

Kumusta naman ang isang Matt Evans, bungad na tanong sa kanya ng PEP at ng press.

“Mabuting-mabuti naman,” masaya nitong tugon bilang tanda ng pagpapakita niya na maayos na siya ngayon.

Ano ba ang role mo dito sa Muling Buksan Ang Puso?

“Ako po si Pancho Mercado na kababata at best friend ni Enchong na laging barkada niya sa lahat.

“Si Pancho makikita mo siya na parang salamin ni Enchong, kung paano si Enchong ganun din siya.

“Ginagaya niya yung character ni Enchong pero hindi niya ipinapakita, kaya suporta lang sa lahat ng ginagawa,” detalye niya.

Anong masasabi mo at aktibo pa rin ang career mo? Hindi ka halos nauubusan ng project?

Aniya, “Actually, doon nga rin ako nagulat. Sabi nga nila good or bad publicity is still publicity.”

LAST YEAR’S CONTROVERSY. Ang tinutukoy ni Matt ay ang nangyaring sigalot sa pagitan nila ng kanyang live-in partner at ina ng kanyang anak na si Johnelline Hickins o Jelline (anak ng dating ’80s sexy star na si Coca Nicolas) noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakulong ng dalawang araw si Matt nang ireklamo ito ng kapatid ni Jonhelline ng “Slight Physical Injury” samantalang inakusahan naman siya ng kasintahan ng violation of Anti-Violence against Women and Children Act.

Paliwanag ni Matt sa pagtanggap niya sa bad publicity na bunga ng nasabing kontrobersya, “Kumbaga, brinush-off ko na lang lahat.

“Kung ano yung dapat gawin ko, kung ano yung sinimulan ko dati, ipinagpapatuloy ko na lang.”

Ibig sabihin, thankful ka sa ABS-CBN?

“Sobra! Sobra! Isipin mo, wala akong hiniling, ibinigay nilang lahat.

“Kung tutuusin talaga, yung malaking dapa na yun sa buhay ko kung tutuusin, puwedeng maging malaking tuldok na nang sa career ko. Pero hindi,” pasasalamat ni Matt.

LESSON. Maituturing mo bang malaking aral ito sa buhay mo?

“Sobra po. Hindi lang aral, kumbaga, naging malaking experience ko sa buhay para matuto,” pag-amin niya.

Noong kalagitnaan ng controversy na yun, kinausap ka ba nang ABS-CBN para ibigay ang suporta sa iyo?

“Oo, kinausap ako ng ABS, huwag daw akong ma-bother. Talagang dumarating raw yun sa buhay ng tao, iba’t iba nga lang ang sitwasyon.

“Sabi nila, yung ibang tao bumabagsak pero hindi ganyan. Nagkataon lang na nangyari sa akin.

“Hindi talaga nila ako binitiwan, sobrang encouragement ang ibinigay nila sa akin, hindi nila ako iniwan.

“Kaya hindi ako nanghinayang. Ako naman, lahat ng ibigay nila tinatanggap ko, e. Hindi naman ako namimili e.

“Kung saan ako puwede, flexible naman ako. Basta makapag-work lang,” dagdag niyang kuwento.

CUSTODY AND SUPPORT. Nakakapag-usap na raw sila ng kanyang ex pero malabo na raw silang magkabalikan nito. Wala rin sa pangangalaga ni Matt ang kanilang anak at naiintindihan niyang sa custody talaga ibinibigay ang bata.

“Custody nasa kanya yun. Kumbaga, tanggap ko naman yun,” saad ni Matt.

Sa kasalukuyan, sa isang apartment sa Quezon City naninirahan ngayon si Matt na malapit sa kanyang parents, kasama ang kanyang best friend na tumatayong assistant na rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang kaso mo?

“Actually, hindi pa tapos. On-going pa rin.

“Pero doing good na rin naman na. Kumbaga, going well na rin. Kasi yun nga, civil na kami ng ex ko, nakakapag-text na kami. Tapos, yung baby ko nakikita ko na,” masaya niyang sagot.

RECONCILIATION? Isinasara mo ba ang posibilidad na magkakaayos rin kayo ng ex mo?

“Meron din kaming pinagsamahan, doon din naman ang punta na magkakaayos talaga kami. Pero hindi na talaga magkakabalikan,” diin niya.

Umiling si Matt sa tanong namin kung mahal pa ba niya ang dating ka-live in.

Kung babalikan mo yung naging takbo ng buhay ninyo ni Johnelline, ano yung mali sa relasyon ninyo?

“Siguro hindi lang talaga nagkaintindihan nung time na yun. And I think, siguro hindi na rin mag-work out, trauma na kaming dalawa sa nangyari. Pero okay na kami,” pagbabalik-tanaw niya.

SHORTCOMINGS. Kung meron kang pagkukulang, ano sa palagay mo ang mga yun?

“Siguro yung pagkukulang, yung anak ko hindi ko naalagaan. Pinakamahirap sa part ko,” muli niyang pag-amin.

Sinabi ni Matt na tuluy-tuloy ang sustento niya sa kanilang baby. Pinag-uusapan na rin nila yung flexible o extension ng support nilang dalawa para sa kanilang 9-month-old baby girl.

“Basta, monthly siyempre. Walang definite amount, pero kailangan talaga maging product,” patuloy niya.

Hindi imposibleng magkaroon ng isyu sa financial support niya sa anak pagdating ng panahon.

Laging ganito ang nagiging isyu sa mag-asawa o magkasintahang nagkaroon ng anak at nagkahiwalay.

Paano mo pinaghahandaan ang possibility na kuwestyunin ang pagbibigay mo ng financial support o maghabol para sa karagdagang support mo sa baby mo?

“Siyempre, alam nating lahat na tayo dumaan sa ganyan.

“Kumbaga, alam natin na yung bata lumalaki... dumadami yung pangangailangan, so, ngayon alam ko na yun bilang tatay...

“Oh, si kuya Ogie [Diaz] pinagsasabihan nga ako na kapag lumalaki ang bata dumadami ang pangangailangan. Kailangan mo talagang maging productive,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Darating ka ba sa point na kailangang i-black and white yung ibibigay mong support para maipakita yung ebidensya na hindi ka nagkukulang sa financial support sa bata?

“Oo naman. Sa akin naman, alam ng lahat ng tao na hindi naman ako… kumbaga, masuportang tao naman ako kahit saan,” depensa niya sa sarili.

TAKE FIVE. Ano ba ang natutunan mo sa mga nangyari sa iyo?

“Ahmm, siguro ano... yun lang pagdating sa hakbang na gagawin, pag-isipan mo na ng marami bago ka humakbang agad.

“Kung dati sobrang patient sa mga bagay-bagay, ngayon sobrang logical na ako bago ko gawin. Limang beses muna [pag-iisipan].”

Pati ba sa pagpili ng susunod na makakarelasyon?

“Hindi, basta okay. Basta okay sa lahat, okay ako.

“Magtu-twenty five na ako this year, pero hindi naman ako nagmamadali [magpakasal],” saad ni Matt na umaming nakikipag-date na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN