Megan Young on giving Victor Silayan his first onscreen kiss: “Para siyang gulat na gulat.”

Megan on maintaining a good working relationship with the three major networks: “Ako, anything is possible. You’ll never know, an offer can be laid out someday. Ako, kung may dumating, mabuti. Kasi, I didn’t burn any bridges naman. And I think, that’s more important. Kung may gawin man ako rito sa TV 5 or sa ABS or if ever, in the future, sa GMA, I think, what’s important is, I have a good relationship with all the networks. Okay pa rin


Tawa nang tawa si Megan Young nang malaman nitong sinabi ni Victor Silayan na ang kissing scene nila ang kauna-unahan nitong screen kiss kung kaya’t si Megan ang lumalabas na naka-"devirginize" kay Victor onscreen.

Naganap ang naturang eksena sa Misibis Bay, ang bagong mini-series ng TV5 na magsisimula ng mapanood sa Lunes, July 1, pagkatapos ng Undercover.

“Parang ang pangit naman, na-devirginize?” natatawa niyang sabi.

“Yun siguro ang headline: ’Megan Young, na-devirginized si Victor!’”

KISSING SCENE. Pero ayon na rin kay Megan, “Noong ginawa namin yung scene, medyo dramatic siya.

“Tapos, parang biglang ginagawa na namin ang rehearsal, take na, biglang nakatitig kaming dalawa, biglang yung A.D. [Assistant Director] namin, bumubulong... ’kiss, kiss na.’”

Dahil hindi sila handa, ibig ba nitong sabihin na bigla na lang ipinasok ang kissing scene talaga habang ginagawa na nila ang eksena?

Sabi naman ni Megan, “Baka hindi namin nabasa bilang nasa kabilang page pala. Kasi minsan, gano’n. Hindi mo nababasa.

“Tapos, nakita ko ang mukha niya [Victor], parang nanigas siya. Parang yung katawan niya. Paglapit niya nang ganyan, hashtag, medyo awkward. Para siyang gulat na gulat.”

Nang i-cut na raw ang eksena ng kissing scene nila, doon lang daw nalaman ni Megan kay Victor na yun nga raw pala ang una nitong kissing scene.

Sa parte ni Megan, ilang beses na raw siyang nagkaroon ng kissing scene, sa pelikula o sa telebisyon man.

“Sabi ni Victor, ’Oh my god, that was my first kissing scene, ever in my life!’

“Seryoso ka? E, yung scene, medyo may sakit-sakit ako. Tapos siya, ’that was my first kissing scene ever.’

“Hindi ko akalain, akala ko nagawa na niya before. Kasi, he worked na with Eula [Caballero], pero, yun pala, daya lang ang kissing scene nila.”

Nang mag-take two raw sila, natatawang inamin ni Megan na medyo awkward pa rin. Pero sa mga sumunod daw nilang taping, mas napag-aralan na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Megan na hindi raw siya ang “mang-aagaw” sa Misibis Bay.

RITZ AZUL. Si Ritz Azul daw yun dahil siya raw ang talagang girlfriend ni Daniel Matsunaga rito. Pero, siya pa rin ang lalabas na kontrabida dahil sa kagustuhan niyang gumanti at sa pagiging paranoid na raw niya.

Nagpa-seksi na nang husto si Ritz dito.

May mga eksena rin siya na seksi.

Kung siya ang tatanungin, sino sa tingin niya ang mas nagpa-seksi ng husto sa mini-series nila?

“Voluptous kasi siya,” saad niya.

“Iba ang body type kasi namin. Siguro ako, tamang sexy lang.

“Meron kaming mga scene na bikini lang, short shorts lang. Buti na lang, puro fruits ang pagkain. Wala kaming ginawa kundi fruits, fruits, fish, fish.”

BOYFRIEND? Bilang sexy-drama ang tema ng serye nila, diretsuhan naming tinanong si Megan kung wala ba siyang kailangang pagpaalamanan.

“Wala naman,” nangingiting sabi niya.

Dugtong pa niya, “Wala akong pagpaalamanan. I don’t have to ask permission.”

Kahit matagal nang nali-link si Megan sa Kapuso actor na si Mikael Daez, walang anumang pag-amin na nanggagaling sa kanilang dalawa.

Kaya ang sabi namin kay Megan, kung sakali at may boyfriend nga siya, kailangan ba niyang magpaalam sa mga sexy scenes na ginagawa niya?

“I don’t think so, work is work.

“I’m just doing my job. I’m putting my character out there. It’s not Megan out there. It’s my character.

“So, no matter what I do, I think... I can make my own decision and I think, my decisions are rational enough,” paglinaw niya.

FUTURE KAPATID? Sa isang banda, naging magandang karanasan naman daw kay Megan ang paggawa niya ng Misisbis Bay at pag-trabaho sa Kapatid network bilang isang Kapamilya star si Megan.

Aniya, “Sobrang maalaga sila sa akin at sa mga kasamahan ko. They are very, very nice to me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad kayang maging Kapatid din siya?

“Actually, hindi ko iniisip yun,” saad niya.

“Kasi, ako, ginagawa ko pa rin asap. I love doing my job there. And at the same time, I love working with them. So ako, I’m not closing any door. I’m not saying yes to anything. Basta ako, I’m just working.”

Ang kapatid niya na si Lauren Young ay nasa GMA-7 na nga.

May balita na rin na babalik daw si Megan bilang Kapuso.

Totoo ba?

“Huh? O, may tsismis na lilipat daw ako sa GMA? Ngayon ko lang narinig,” natawang sabi pa niya.

May posibilidad ba sa balitang yun?

“Ako, anything is possible. You’ll never know, an offer can be laid out someday. Ako, kung may dumating, mabuti. Kasi, I didn’t burn any bridges naman.

“And I think, that’s more important.

“Kung may gawin man ako rito sa TV 5 or sa ABS or if ever, in the future, sa GMA, I think, what’s important is, I have a good relationship with all the networks.

“Okay pa rin ako sa tatlong networks,” banggit niya.

ON SISTER LAUREN. Nagkakausap naman sila ng kapatid niya.

Kumusta naman daw ito bilang Kapuso ngayon?

“Yeah, she’s doing very well. Minsan, nagkukuwento siya sa set nila, kung paano sila ro’n. And, si Lauren naman kasi, natural naman yata sa kanya ang pagiging kontrabida,” natatawang sabi pa niya.

Siya talaga yun?

“Hindi talaga siya yun,” paglilinaw naman niya sa unang sinabi.

“Hindi siya pala-away. But, she has a very strong character lang. She’s very straight forward. E, ako rin naman, straight forward din ako. Pero, if she doesn’t like something, she will say it,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN