Alessandra de Rossi on being single: “Sabi nga nila, hindi mo makukuha ang hindi mo hinahanap. E, hindi ko talaga s’ya hinahanap.”

Alessandra on her "stereotyped" roles: “Yung roles ko sa TV, oo, minsan nabu-bore ako kasi paulit-ulit lang naman ang ibinibigay sa kanila kahit yung mga bida. Sweet na naman ang role ko. Kulot na naman ang hair ko. Red ang lipstick. Naka-heels na naman ako. Ganun din naman ako. Never akong lumabas sa TV na naka-maong, would you believe?”


“I love acting more than I love showbiz.

“Mas nai-enjoy ko ang pagiging isang artista kaysa yung sabihing isa akong taga-showbiz,” bungad ni Alessandra de Rossi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin ito kamakailan lang.

Sabi pa niya,“Ang sosyal no’n. Yung you work with people behind the scenes. Like yung director ko sa Sta. Niña, si Direk Manny [Palo], galing na galing yun sa akin. Ha-ha-ha!

“Kaya nga kahit sinong director ang katrabaho, ibinibigay ko ang best ko kasi ayaw kong mapahiya. Ayaw kong isipin na panghihinayangan nila na ako ang kinuha nila.

“Parang gano’n.”

Si Alessandra ang nanalong Best Supporting Actress sa nakaraang 36th Gawad Urian Awards para sa pelikulang Sta. Niña.

NEVER NAG-MAONG. Ano pa ba ang goal niya sa kanyang career ngayong na-recognize na muli ang kanyang kakayahan after so many years?

Ani ng award-winning actress, “Wala naman ako talagang goal na sobra. Ang gusto ko lang, sa bawat proyekto ko ay may mapupulot ang tao.

“Hindi man yun mabigay sa akin sa TV kasi iisa lang naman na role ang ibinibigay sa akin, bumabawi naman ako sa pelikula.

“So, kahit hindi ako kumikita dito [sa pelikula], kumikita naman ako sa TV, masaya na ako do’n.

“Yung roles ko sa TV, oo, minsan nabu-bore ako kasi paulit-ulit lang naman ang ibinibigay sa kanila kahit yung mga bida.

“Sweet na naman ang role ko. Kulot na naman ang hair ko. Red ang lipstick. Naka-heels na naman ako. Ganun din naman ako.

“Never akong lumabas sa TV na naka-maong, would you believe?”

Dugtong pa niya, “Ako kadalasan kontrabida. Pero, wala tayong magagawa. Yun ang choice na ibinigay natin sa viewers, di ibigay natin ang hilig.

“At least sa indie [films], puwede kang maglaro. Thanks talaga sa indie.”

LOVELESS BUT NEVER LONELY. Kinulit namin siya tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Alex [palayaw ni Alessandra], “Zero! Six years or seven years na ’ata? Okey lang.

“Sabi nga nila, hindi mo makukuha ang hindi mo hinahanap. E, hindi ko talaga s’ya hinahanap.”

Paano kung may isang tao na siyang maghahanap sa kanya?

Muli siyang natawa, “Yun ang misteryo ng life. May mga bagay tayong hindi hinahanap pero minsan may pangyayari na, ’Uy, nandito pala ’to!’

“Tapos magiging importante na sa ’yo. Pina-prioritize mo na na s’ya.

“Pero sa ngayon ay hindi ko talaga s’ya maisip. Ayaw kong isipin.”

Paano nga kung siya ang hanapin? Muli naming tanong sa kanya.

Tili ng kapatid ni Assunta de Rossi, “Ay, bonga s’ya! Congratulations!

“Pero, siyempre, kailangang magpahabol ka at magpapahanap ulit,” natatawang sabi pa niya.

Pero aminado naman siya na masarap din kapag may special someone ang isang babae.

Saad niya, “Yea, masarap na may nag-aasikaso sa ’yo. Yung may nagki-care.

“Lalo na ako wala dito ang family ko, nasa Italy [except for Assunta], nalulungkot ako.

“Pero, hindi… wala talaga s’ya sa isip ko.”

Sa mga panahong dinadatnan siya ng lungkot, sino ang nagiging sandalan niya para maibsan ito?

“Friends,” mabilis niyang tugon. “I have naman many friends.

“Pero never akong nag-emote about my lovelife kahit matagal na akong single. Sila pa ang nagagalit sa akin.

“Sasabihin nila, ’Alex, go out. Explore.’ Na para bang ba’t ba kayo naii-stress sa akin, e, okay lang ako.

“Kasi, tumatanda ka na… para sa akin, darating at darating ’yan.”

Twenty-eight na si Alex and talking about it, may worries ba siyang tumandang mag-isa?

Bulalas niya, “Wala akong worries. Hindi ako magtataka na one day ay magigising na lang ako at, ’Oh, my God, tumatanda na pala ako. Matandang dalaga na pala ako.’

“E, ano naman? Sa hindi ka naghanap, e. Ikaw rin naman ang may gawa no’n, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As of now, wala pa talaga. Kasi, ipagdadasal ko talaga ’yan kapag gusto ko na talaga, e.”

Kaya naman daw niya ang kanyang sarili na mag-isa, “Kaya ko naman talaga. Non-issue ’yan sa akin.

“Pero siyempre, gusto ko rin naman magka-family... magka-anak. Magpadala ng mga anak sa college.

“Gusto ko rin kasi yun naman ang pangarap ng mga babae, di ba?

“Pero kung hindi yun ang will ni God for you, e, di hindi.”

SLEEPING WITH HER ACTING AWARD. Hindi rin namin maiwasang itanong ang acting trophy na kakatanggap pa lang niya.

“Ang ganda, ang ganda,” pagmamamalaki niya. “Ang sarap nga matulog na katabi s’ya.

“Yung effect n’ya sa akin, ang sarap lang. Parang na-inspire ulit.

“Actually, hindi lang ulit kundi lalo pa na pumili ng mga proyektong gagawin ko.

“Mahusay— the best! Lahat ng naging desisyon ko ay tama.

“Bravo! The best! Ikaw na!”

Bagamat inulan na si Alex ng kaliwa’t kanang papuri at awards, inaamin din niya na may mga araw na hindi siya masaya sa kanyang acting performance.

“There are times na palpak din ako,” sabi niya. “Pero sa mga panahong palpak ako, doon ko na re-realize na kailangan kong maging mabuti next time.

“Tapos, kapag sinasabi na nila na, ’Ang galing-galing mo,’ ang sagot ko, ’Di nga?’ Ha-ha-ha!

“Ano ba yun, once na magaling ka kailangang magaling ka palagi or tsinu-chos [binobola] ka lang nila?

“Hindi ko talaga alam, promise. Pero, alam ko kung saan ako hindi magaling. At kayang-kaya kong aminin yun.”

ON ASSUNTA. Hindi rin namin naiwasang itanong sa kanya si Assunta.

“Hayun, nagmamaganda,” pabirong sagot niya. “Hindi, actually, masaya rin sana ako kung pareho kaming nanalo sa Urian.

“If ever sana, pangalawang award na n’ya ito sa Urian at kung nagkataon, sabay kami. Pero, hindi nga nangyari…okay lang. Tuwang-tuwa naman siya for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang gusto ko sa amin ni Ate, lagi kaming masaya for each other. Kung ano ang na-achieve n’ya, bonggang happy ako for her.

“Kapag ako naman ay parang fan ko ’yan. Siya yung unang kinikilig for me.

“Hindi ganung ka-perfect ang relasyon namin as sisterets [sisters] pero masasabi ko na isa na kami sa pinakamasayang magkapatid.

“Over!” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN