Empress Schuck on working with Judy Ann Santos: “Sobrang maalalay siya kapag ka-eksena.”

Empress on why she agreed to pose for FHM and why she’s eager to take on more mature roles now: “Siguro, dapat nilang ma-realize na kaming mga artista ay hindi naman puwedeng mag-stick sa isang stage lang. Kailangang mag-level up din naman. So, yun ang ginagawa ko ngayon.”


Kakaibang Empress Schuck ang nasaksihan ng televiewers nang mag-guest siya sa “Ikaw Na!” segment ni Boy Abunda para sa late-night news program na Bandila noong Biyernes, June 28.

Mula sa pagiging child star, nasubaybayan siya sa mga youth-oriented shows at napanood sa mga teleserye tulad ng Rosalka, Guns and Roses, Mundo Man Ay Magunaw.

Dahil kinilala si Empress kamakailan bilang isa sa Ten Sexiest Women in the World ng FHM Magazine at kabilang din sa cast ng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN, masasabing malayo na nga ang narating ng 20-year-old actress.

CROSSFIT. Dahil seksing-sexy siya ngayon, marami ang nagtatanong kung ano ang ginawa niyang exercise regimen para ma-achieve ang pangangatawan niya ngayon.

Panimula ng Kapamilya star, “Nagwu-work out ako kapag walang taping o work. Tapos konting diet.

“Para s’yang CrossFit pero lighter naman. Marami siyang exercises... puwedeng naka-squat at iba pa.

“Gusto kong magpa-thank you sa lahat ng bumoto sa akin [bilang isa sa 10 Sexiest Women]. Thank you.

“At siyempre, happy naman po ako na ganun ang tingin nila sa akin kasi kasabay na rin po ’yan sa pagiging mature.”

LEVEL UP. Part ba ng maturity na ito ang pagpayag niya noon na maging March cover girl ng FHM?

Bakit nga ba siya pumayag?

“Kasi I wanted to show people the new me,” paliwanag ni Empress.

“Parang mas gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko na. Kaya ko na ring mag-accept ng more mature roles.

“Gusto ko rin yung challenging roles at patunayan ang aking pagiging actress.”

Ano ba ang napapansin niyang reaction ng mga tao kapag nakikita siya ngayon na dalagang-dalaga na.

Nakasanayan na kasi siya noon bilang batang mabilis umiyak at magaling sa drama.

Pahayag ng Kapamilya contract artist, “Maraming advantages and disadvantages, marami ring positive and negative.

“So, para sa akin, kailangang mag-focus sa mga positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung iba ay happy for me kasi nasusubaybayan nila ang simula ko sa pagiging bata hanggang makita nila ang growth ko.

“Sinasabi nila na, ’I’m happy for you.’ At natutuwa naman ako dahil nai-inspire ko pala yung iba na dating chubby tapos ngayon ay sexy na.

“Masaya po ako na ganun ang kinalabasan ng nangyari.”

Hindi na nga siya bata pero sa ibang tao ay ganun pa rin tingin sa kanya. Ang reaction niya dito?

Aniya, “Siguro, dapat nilang ma-realize na kaming mga artista ay hindi naman puwedeng mag-stick sa isang stage lang.

“Kailangang mag-level up din naman. So, yun ang ginagawa ko ngayon.”

WORKING WITH JUDAY. Now talking about Huwag Ka Lang Mawawala, kasama niya rito ang isa sa mga iniidolo niyang artista— si Judy Ann Santos.

Ano ang pakiramdam niyang kasama siya sa teleserye nito?

Bulalas ng dating child star, “It’s a dream come true! Sobrang happy ako na nakasama ko siya pero mas nagwi-wish ako na sana ay makasama ko pa siya ng matagal sa isang project.

“Konting eksena pa lang kami [na magkasama sa Huwag Ka Lang Mawawala] pero yung konting yun, sobrang laki na para sa akin.

“Una, kinakabahan ako kasi nasa-starstruck ako sa kanya pero nung tumagal ay naging happy naman ako kasi sobrang simple ni Ate Juday.

“Sobrang inalalayan… sobrang maalalay siya kapag ka-eksena.”

Kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya sa publiko na tinatangkilik ito kahit nakaka-ilang linggo pa lang sa ere.

Sabi niya, “Nagpapasalamat ako sa mga manonood na tinatangkilik ang Huwag Ka Lang….at sana patuloy nilang suportahan gabi-gabi sa primetime bida.”

TUHOG. Bahagi rin siya ng pelikulang Tuhog na pinagbibidahan nina Eugene Domingo at Jake Cuenca under Star Cinema and Skylight Films.

Kuwento ni Empress, “Istorya ito ng tatlong tao na pinagdikit-dikit ang tadhana sa isang extra-ordinary na situation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-partner niya dito si Enchong Dee.

Isang long-distance relationship ang mangyayari sa kanilang dalawa.

Sa totoong buhay, ano ang thoughts niya tungkol sa ganitong sitwasyon?

“Para sa akin, mas kailangan akong maniwala at magtiwala dun sa partner ko,” opinyon ni Empress.

“Kasi, kung sasabihin mo na long-distance [relationship] kami, hindi mo sure kung magwu-work talaga yun, e.

“Pero kung maniniwala ka sa partner mo na may trust kayo sa isa’t isa, dun ay magkakaroon kayo ng positivity.”

SEARCHING FOR THE PERFECT GENTLEMAN. In a relationship na siya ngayon?

Mabilis niyang sagot, “Hindi po. Gusto ko kasi sa lalaki na isang perfect gentleman. Ang gusto ko ay responsible s’ya.

“Kahit ano naman, basta responsible and perfect gentleman, okay lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN