Alice Dixson on her love life: “I’m giving my heart a break right now.”

Alice on working with Derek Ramsay: “We’re very… how do you say it? Siguro, because he grew up in UK and ako naman I grew up in the States, we sort of have a way of looking at things differently. I’m not saying it’s bad or good, it’s just that we have a way of looking at things differently. And then, he’s one of the smarter actors naman that I’ve worked with. First time ko siyang nakasama and he is very...


Handa na si Alice Dixson sa pagsabak sa mga umaatikabong action scenes sa bagong TV series ng TV5 titled Undercover na pinangungunahan ni Derek Ramsay at magsisimula na ngayong Lunes, July 1.

Sinabi ni Alice na excited siya sa Undercover dahil for a change, hindi siya magda-drama this time, kundi mag-a-aksiyon siya rito.

Magiging bahagi siya ng undercover team ni Derek na maghihiganti sa mga taong sumira ng kanyang buhay.

UNLEASHING HER “ACTION” SIDE. Ayon kay Alice, excited siya sa seryeng ito dahil magagamit niya ang kaunting background na kakailanganin niya sa kanyang karakter dito.

“Yes, mag-a-aksiyon ako rito. May background na naman ako sa gymnastics and also in yoga.

“I’ve done a little bit of basic martial arts, not formal training. Pero madali na akong… I do it as part of my work-out,” panimulang kuwento ni Alice nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, June 28, sa taping ng naturang serye sa Escolta, Manila.

“Hindi lang now, even before… I do it as part of my work-out talaga.

“So, parang… I think the fight scenes, although siyempre I wanna do the best that I can, a lot of them will be mostly that difficult, pero kasi mayroon naman akong background.

“Currently, I’m doing boxing, like I’ve said, I have background in gymnastics.

“If we can do our own scenes without hurting ourselves, why not naman, di ba?

“Kung kaya ko na walang stunt double, there’s no problem. I look for the challenge at saka gusto ko para ma-exercise din ako, maging fit ako,” mahabang dagdag pa ng Kapatid star.

Nagbalik-tanaw pa siya sa movie nila noon ni Cesar Montano at ang kanyang Dyesebel days na siya mismo ang gumagawa ng kanyang sariling stunts.

Saad ni Alice, “Iyong movie namin dati ni Cesar Montano na Silakbo, I did most of my stunts there, we even jumped in the pool, me and Cesar…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We did like, parang, fight scene ni AJ [Anjanette Abayari] under water.

“So, I mean, I did my own shot in Dyesebel, natuto akong mag-swim from one diver to another. So, it’s not new, na dapat maging flexible ang isang artista.”

ROLE. Ano ang role niya sa Undercover?

“I come in... he finds me in an abandoned warehouse, si Derek. Tapos, ang kuwento kasi, somebody just took him and put him in prison for six years.

“Tapos, while he is looking or he is trying to search for the person who did that, he finds me— ganoon din— in an abandoned warehouse, tied-up.

“And then when he asked me, ’what happened to you?’ ako din nakulong din ako, I was in that same situation that he was in for six years.

“Pero ako, I know who did it. Kumbaga, alam ko kung sino ang may kagagawan. So with my help, he gets whatever intel and we go for the team na parang we’re all undercover looking for the culprits.

“Ako kasi, they’re not giving my background pa, it’s part of the story.

“Yun kasing ex-boyfriend ko, kasama siya roon sa mga samahan na hinahanap namin... na parang undercover mafia sila. Bale si Phillip [Salvador] ang kontrabida rito,” detalye pa niyang kuwento.

Magkakaroon ba sila ng love angle dito ni Derek?

“More on partner sa investigation, but not ka-love team ko or anything like that. Ewan ko lang kung lalagyan nila,” saad niya.

ALL PRAISES FOR DEREK. Nagka-eksena na kayo ni Derek?

“We did our first scene together this afternoon, this is my first taping day,” matipid na tugon niya.

Ano ang masasabi niya kay Derek bilang katrabaho?

“We’re very… how do you say it? Siguro, because he grew up in UK and ako naman I grew up in the States, we sort of have a way of looking at things differently.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not saying it’s bad or good, it’s just that we have a way of looking at things differently.

“And then, he’s one of the smarter actors naman that I’ve worked with. First time ko siyang nakasama and he is very... how do you say it?

“He is very quick, quick to pick-up. Alam ko naman, if you are a smart actor, you pick-up on cue.

“Let’s say for example, wala naman sa eksena kanina na bubuhatin niya ako.

“But ang acting ko kasi was, talagang hirap akong maglakad ’coz I have been in bonds and chains for six years.

“At kung may dumalaw man, it’s just parang para i-rape ako or para pagsamantalahan lang ako o pakainin ako.

“That’s what happened to me in six years e, so when I stood up, hinang-hina yung tuhod ko and all of a sudden I just felt, ooops… binuhat niya ako, instead of making me walk.

“So, those are things na, siyempre you just don’t do that if you’re not a thinking actor,” papuri niya sa kanyang co-star.

TV5 SHOWS. Bukod sa pagiging excited sa Undercover, sinabi rin niya na maganda ang mga prime time shows ng TV5 lalo na ngayon dahil sa pagke-cater nito sa iba’t ibang klase ng audience.

“It’s a very good mix, kasi ang Cassandra ay pambata na fantasy action, pero more fantasy.

“And then the next time slot is itong Undercover nga, which is a little bit drama-action, and then after that is Misibis Bay which is sexy adult.

“So, may graduation siya, I think it’s a… siyempre TV5 has always been experimenting with different time slots now, and I think the mix for this starting July 1st is a very good one.

“Yung, not the mix, but the time slot for the shows…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Alice na dapat ay kasama rin siya sa Misibis Bay na pinagbibidahan ni Ritz Azul, subalit naging busy daw siya sa remake ng pelikulang Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi.

Kung inilagay siya sa Misibis Bay, okay rin ba sa kanyang magpa-sexy?

“Actually, they were asking me to come in, kaya lang I was busy shooting Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi.


“And what happened was, after two months of our shoot, nabenta yung bahay na location namin.

“And then, nagkaroon si Boss Vic [del Rosario] ng revision, kasi nagandahan siya sa rushes namin.

“So, instead of making-daya the house, he said let’s re-shoot in a more beautiful house. Let’s make the beach, instead of a local beach, Bali.

“So talagang, he saw the potential… It’s an adult movie, but it’s glossy, it’s a beautiful movie, hindi siya indie, pang mainstream ito.

“This is what I’ve been wanting to do for a long time at dumating naman siya.

“Kaya nawalan ako ng time para sa Misibis Bay,” paliwanag pa niya.

RITA-GARDO CONTROVERSY. Tungkol naman sa untoward incident na nangyari sa nagtapos na drama series nila sa Kapatid network na Never Say Goodbye, ang natutunan ba niya sa nangyaring insidente sa kanila nina Rita Avila at Gardo Versoza ay ia-apply niya sa Undercover para hindi na maulit ang experience niyang iyon?

“Ah... I guess, yes and no. Kasi ah... siguro... how would I say?” nakangiting saad niya habang matamang nag-iisip ng isasagot.

“Ahh… maybe I will become more sensitive, oo.

“Pero in the last series kasi, hindi nagsasalita, e. Ako kasi, if I have a problem, I’ll tell you. Sasabihin ko na, ‘O…’, pero iba siguro talaga ang… iba-iba ang tao e.

“Pero I don’t think we’ll have a problem like that here. Because this is all fight scenes, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, iyong nangyari sa Never Say Goodbye ay parang miscommunication lang?

“Yeah,” nakangiting sambit niya. “Actually, no communication e,” biglang bawi pa niya habang natatawa para ilarawan ang naging sitwasyon noon.

Sa tingin mo, hindi na mauulit dito iyon at wala nang magiging intriga sa iyo dito sa aksiyon serye nyo sa TV5?

“Ako I communicate, so hopefully, you know, if somebody has a problem with me, they will communicate,” panalangin niya.

Nagpasalamat din siya sa entertainment press sa pagbibigay sa kanya ng chance na liwanagin o ibigay ang kanyang panig sa ilang isyu na kanyang kinasangkutan recently.

“Alam mo. Okay lang naman na magka-intriga e, you know it’s part of it. e.

“And nagpapasalamat ako sa press, kasi before they print out anything, they’ll get my side first.

“Iyon ang maganda, iyon ang naa-appreciate ko sa inyo na kahit na may lumalabas na intriga, you’ll find a way na, before you believe in it, na magtatanong muna,” pagpapasalamat ni Alice.

WISHES FOR TALK SHOW. Ipinahayag din ni Alice na bukod sa pag-arte, gusto rin sana niyang magkaroon ng talk show sa TV5.

“My next project, ito naman ang ibabato ko, kasi everytime I speak, bumabalik naman. So, I would like to do a talk show, I’d like to a something like lifestyle, health, fitness- related. So, that’s the next,” saad niya.

Nang usisain naman ng PEP kung siya ba ay nakikipag-date na since na-annul na ang kasal nila ni Ronnie Miranda earlier this year, malulutong na tawa lang ang isinagot ng tisay na aktres.

Although inamin niya na marami nang umaaligid na manliligaw sa kanya, umiwas naman siyang magbigay ng detalye.

EXCLUSIVELY DATING? Handa na ba siyang ma-in love ulit this year?

“I don’t think so, kasi, hindi ko naman sila sineseryoso. I mean, I’m giving my heart a break right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you know, if somebody comes along, then, I mean kung magpapasaya sila... I mean, kung masaya ako going out, especially If I’m with friends, then so be it, di ba?

“God! You know my age naman, hindi ba malapit na ang birthday [July 28] ko. So, dapat ay i-enjoy ko naman ang buhay ko, kung ano ang mayroon ako ngayon.”

So, exclusively dating na ba ito?

“Ayaw ko na, walang exclusively dating, sa TV5 lang may exclusive [contract],” natatawang saad pa niya.

“Ilagay mo na lang, ‘Tumawa lang si Ms. Alice sa question na iyon,’ pabirong udyok pa niya sa amin.

“Ayaw kong sumagot, magdi-dig kayo e, magfi-fish kayo pag sumagot pa ako. e. Ayaw ko na, tama na, mananahimik na ako,” nakatawang wika pa niya.

Paano kung maramdaman mong nai-in-love ka na, pipigilan mo ba ang iyong sarili?

“Oo, titignan ko munang mabuti yung guy,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN