Lovi Poe on Rocco Nacino: “Never namang naputol yung communication naming dalawa. Yung friendship namin, it’s still the same naman.”

Lovi on finally being able to work with her idol Cesar Montano: “Yun nga talaga… I’m so nervous! Noon ngang nag-photo shoot kami, sobrang kinakabahan na talaga ako. Dahil parang… pinapanood ko lang siya noon. Parang it was just a dream na makatrabaho ko siya someday. And then ’eto na nga… nangyari.”


Sa July 29 ang nakatakdang airing ng Akin Pa Rin Ang Bukas, ang bagong soap na tatampukan ni Lovi Poe sa GMA-7.

Excited na raw ang Kapuso actress habang hinihintay ang schedule ng taping niya para rito.

“I think mauuna munang kunan bukas [Monday, July 1] yung mga kids na kasama sa cast,” masiglang pahayag ni Lovi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Sunday, June 30.

“Kasama ko rito si Rocco Nacino and Cesar Montano. Ms. Helen Gamboa and Solenn Heusaff are also a part of it. At saka si Charee Pineda rin.”

WORKING WITH CESAR. First time pa lang na makakatrabaho ni Lovi si Cesar. At aminado siya na kinakabahan siya kaugnay nito.

“Yun nga talaga… I’m so nervous!” sabay tawa niya.

“Noon ngang nag-photo shoot kami, sobrang kinakabahan na talaga ako. Dahil parang… pinapanood ko lang siya noon.

“Parang it was just a dream na makatrabaho ko siya someday. And then ’eto na nga… nangyari.”

Anong preparations ang ginagawa niya bago ang pagsisimula ng pakikipagtrabaho niya with Cesar?

“Wala pa. I’m working on Teacher rin kasi, e,” pagtukoy niya sa isa pang seryeng tinatampukan niya sa GMA News TV 11.

“So, I’m just preparing myself na I’ll be taping two shows at the same time.

“Dahil bukod sa Akin Pa Rin Ang Bukas, meron di nga akong Teacher. So, I’m preparing myself na halos wala na naman akong pahinga at tulog!” nangiting sabi pa ni Lovi.

Si Cesar ay nananatiling sentro pa rin ng intriga sa ngayon dahil hindi pa rin ganap na nagkakaayos ito at ang asawang si Sunshine Cruz.

Aware ba si Lovi na si Cesar ay nananatiling isang controversial figure?

“I don’t get to ano… yung sa personal things ng mga katrabaho ko.”

Malabo bang mailang siya working with Cesar dahil sa pangamba na baka pati sila ay intrigahin din?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No. Not at all.

“Wala namang gano’n. Of course!” sabay ngiti ulit ni Lovi.

“We should all be professionals naman when it comes to work.

“And excited na nga ako to work with him at iba pang kasama namin sa show. Pero wala pang ibinibigay na taping schedules sa akin. Siguro next week pa.”

Ano ang koneksiyon ng role niya sa character na gagampanan naman ni Cesar?

“Uhm… I can’t say kasi maganda yung twist, e,” pagsisikreto ni Lovi.

Pero may love angle sa mga karakter na bibigyang buhay nila?

“Oh, yes! Definitely.”

May love triangle sa kanilang tatlo ni Rocco sa istorya?

“Uhm… it’s the unusual kind of triangle. You’ll be surprised,” saad niya.

REUNITED WITH ROCCO. Third time na bale nila ni Rocco to work together. At masaya naman daw siya hinggil dito.

“Oo. Balik-tambalan na naman kami. At mas exciting ito.

“Doon pa nga lang sa plug shoot namin, iba na yung saya ng ano namin, na parang nai-imagine ko na kung ano ang mangyayari sa set,” dagdag niya.

Noong second time na nagkatambal sila sa Yesterday’s Bride, naging usap-usapan ang nabuong closeness nila; na bukod sa madalas nilang pagsasama sa taping nito, regular din sila nakikitang lumalabas.

Dahilan ito para magkaroon din ng isyu that time na nagkakamabutihan na sila. Ngayon, sa muli nilang pagsasama sa isang bagong serye sa GMA, hindi malayong maulit muli na ma-link na naman sila.

Inaasahan na raw ito ni Lovi. Dahil hindi naman daw talaga maiiwasan ito.

“It’s normal naman, e... na kapag may katrabaho ka o katambal mo, usually gano’n ang nangyayari.

“But then, magkaibigan kami ni Rocco. So we don’t let things affect us naman,” paliwanag niya.

And she’s looking forward na makapag-hang out ulit sila nang madalas kagaya ng dati. Bakit nga ba naputol yung gano’ng regular nilang pag-gimik-gimik o paglabas together?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because we’re both very busy din. Marami kaming ginagawa.

“But then, never namang naputol yung communication naming dalawa. Yung friendship namin, it’s still the same naman,” paglinaw ng dalaga.

Sabi ni Rocco, special na kaibigan daw si Lovi. At gano’n din daw naman ang aktres sa binata.

“Oo naman. Special din siya sa akin. Basta… we’re really good friends.”

Bakit nga ba walang humahantong sa ligawan kahit maging ka-close niya ang kanyang nagiging leading man? Hanggang friendship lang gaya nga noong sa kanila ni Rocco at maging yung sa kanila rin ni Jake Cuenca?

“I don’t know, e,” matipid na sagot ni Lovi.

Dahil ba hindi niya type ang mga nakakapareha niya?

“No. I’m just very… it’s hard for me to say kapag ganyan… when I talk about those things.

“Siyempre katrabaho mo, e. Mahirap namang ano…

“And… some things kasi are meant to be private. Whether something is going on or not, di ba?” sabay ngiti ulit niya.

So she wanted it private, ganyan?

“No. I mean… for some people,” paglinaw niya muli.

SUITORS. Sa ngayon, open naman daw siya sa pag-i-entertain ng suitors. At aminado siyang may mga nanliligaw nga sa kanya sa ngayon pero ayaw na lang niyang pag-usapan pa kung sinu-sino ang mga ito.

Ano ba ang nakakapigil para magkaroon ulit siya ng boyfriend?

“A… ano, e… wala ring time.

“Kumbaga, wala akong time para kumilatis ng mga manliligaw o makapamili kung sino kaya ang pinaka-okay.

“Kasi nga, trabaho pa rin ang priority ko sa ngayon, e. Sa career naka-set ang focus ko.

“Kung minsan, I do go out with friends. Pero yung magka-boyfriend ulit, wala muna, e.

“Parang… there’s no time for it. Siguro, taping muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Trabaho muna talaga.

“Masakit siguro sa ulo kapag isasabay ko ngayon sa work ang lovelife,” pabiro niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoon nga siguro kapag mga seksi at magagandang gaya niya? Na deadma-deadma muna kahit may mga nagpaparamdam nga?

“Hindi naman!” muling natawang reaksiyon ni Lovi.

“Walang gano’n. Kapag darating yung time na mai-in love ka, darating ’yon.

“Pero sa ngayon, trabaho lang muna talaga ang gusto kong i-prioritize at paglaanan ng panahon.”

LIHIS. Katatapos lang din ni Lovi ng isang indie film. Ito ay ang Lihis kung saan kasama niya sina Jake Cuenca at Joem Bascon. Palabas na raw ito ngayong July.

Nangiti ulit si Lovi nang matanong kung wala ba siyang balak na mag-produce din kahit ng indie film lang muna. Kasi nga, ang kanyang ama, the late Fernando Poe Jr., ay may FPJ Films dati na maraming nagawang pelikula.

Aniya, “I don’t know anything about that field. Pero… hopefully, in the future siguro. We’ll see.

“But then, so far right now, uhm… I just wanna focus on acting first.”

THE FPJ LEGACY. Ano ba yung magandang katangian ng kanyang amang si Da King na gusto niyang manahin?

Aniya, “Well, it’s more of yung pakikitungo niya sa tao. And how people loved him.

“Maganda yung mga stories na naririnig ko about him. So… ’yon. It’s more of that.

“In terms of acting, it’s very different. Well, he is the King of Philippine movies. Siyempre ang dami kong matututunan sa kanya.

“But then, lalaki siya. Babae ako. So, it’s very different.”

Direktor din si FPJ noong nabubuhay pa ito. Gusto rin kaya ni Lovi na i-try ang pagdidirek ng pelikula sa mga susunod na panahon?

“Oo. It’s something that I also feel na interesting,” pag-amin niya.



NO INTEREST IN POLITICS. Kapag sinabing anak ni FPJ, iba ang dating sa marami. Ang daling mapamahal sa masang Pinoy gaya na nga ni Grace Poe na nanguna sa senatorial race nitong katatapos na eleksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging inspirasyon din kaya sa kanya ang pagiging Poe para sumabak din sa politics baling araw?

“No. Not at all.

“It’s not my field talaga.

“Of course, hindi rin ako makakapagsalita nang patapos. Pero sa ngayon, sinasabi ko na it’s not something that I really dream about,” panghuling nasabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN