Kim Chiu’s eldest sister defends young actress against bashers: “Hindi naman tayo perpektong tao. Tama na ang paghuhusga.”

Kim Chiu’s eldest sister Lakam (left) issues her statement defending Kim: “Siyempre, hindi naman natin lahat ma-please yung mga tao. Pero, ’eto lang ang gusto kong sabihin. Just to everyone know, si Kim, porke’t artista, nasasaktan at umiiyak bilang ordinaryong tao. Konting respeto. ’Eto nga, nagluluksa nga kami dahil sa Nanay namin. Tapos, dyina-judge pa siya ng ibang tao.”


Kumpleto ang pamilya ng young actress na si Kim Chiu nang ihatid sa huling hantungan ang kanilang namayapang ina, si Louella Yap Chiu, noong Sabado, June 29.

Isang misa muna ang idinaos sa St. Therese Church sa Lahug, Cebu, bago ilibing ang mga labi ni Mrs. Chiu sa Cebu Memorial Park.

Naging emosyunal si Kim habang ginaganap ang misa, at sa sementeryo naman ay iyak ito nang iyak.

(Read: Kim Chiu attends her mother’s funeral in Cebu)



BASHERS. Noong nakaburol pa ang kanyang ina, kinailangan ni Kim na lumipad papuntang Thailand noong Miyerkules (June 26) para sa isang commercial shoot na two years ago pa raw nai-schedule.

Pagkatapos ng shoot ay bumalik agad siya ng Pilipinas para sa libing ng ina.

Dahil dito ay umani ng batikos si Kim mula sa ilang bashers.

Na kesyo inuna pa raw ni Kim ang trabaho kaysa sa inang nakaburol.

Mayroon ding nagsasabi na “plastikada” si Kim at nagkukuwestiyon kung bakit daw ngayon ito nagparamdam sa ina at hindi noong panahong nabubuhay pa ito.

Sa kabila ng mga birada sa kanya, minabuti ni Kim na manahimik muna at maaaring sa ibang pagkakataon na nito sasagutin ang lahat ng isyu o akusasyong ibinabato sa kanya.

Upang magkaroon ng ideya ang publiko sa naging relasyon ni Kim sa kanyang namayapang ina, binalikan ng The Buzz ang ilang reports na lumabas noon, ayon sa mga kapatid ni Kim at ilang taong malalapit at nakakakilala sa kanila.

Siyam na taong gulang pa lamang diumano si Kim nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Noong panahaon din daw na iyon umalis ang kanilang ina at iniwanan silang limang magkakapatid.

Ito ang dahilan kaya lumaki ang magkakapatid sa iba’t iba nilang tita at sa kanilang paternal grandmother.

LAKAM DEFENDS KIM. Bukod sa ama na si William Chiu at sa ka-loveteam at rumored boyfriend na si Xian Lim, isa rin sa nagtanggol kay Kim ay ang panganay niyang kapatid na si Lakambini Chiu o Lakam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lakam sa The Buzz, “Siyempre, naghiwalay na sila [their parents], di ba? Like, ang tagal na.

"Ang tagal na namin yung lola na talaga ang nagpalaki sa amin.

“Basically, yung nanay na talaga namin, yung lola namin.”

Wala silang naging komunikasyon sa ina?

“Wala,” sagot ng ate ni Kim.

“Siyempre, ayaw na rin ng mommy namin na guluhin kami.

"Siyempre, mahigpit ang Chinese family. Alam mo naman kung paano ang Chinese tradition ng family.”

Lumipas daw ang panahon na hindi nagkikita at nagkakausap ang magkakapatid at ang kanilang ina.

Nang maospital ang kanilang ina, naging masakit daw para sa kanilang magkakapatid na makita ito sa ganoong kalagayan.

Sabi pa ni Lakam, “Yun nga, pagdating namin, nakita namin, oh, my god, mixed emotions.

“Talagang, totally iyak. Yung hindi mo talaga mapigilan na, ’Ma, bakit ka nagkakaganito? Ngayon lang nga tayo nagkita, dito pa.’”



KIM WAS CLOSEST TO MOM. Sa kanilang magkakapatid, si Kim daw talaga ang pinakamalapit sa kanilang ina.

Sabi ni Lakam, “Si Kim talaga ang close ng Mama namin.

“Favorite siya, oo. Siya ang bunsong babae, e.

"So, yun… umiyak talaga.”

Habang nasa ICU (Intensive Care Unit) ang kanilang ina, yun naman daw ang panahong sunud-sunod ang trabaho ni Kim.

Pero sa kabila nito, pinupuntahan at dinadalaw pa rin daw ni Kim ang kanyang ina sa Cebu.

Lahad ni Lakam, “Noong Monday [June 24], kinabukasan [June 25], first flight, out ulit. Kasi, may taping siya the next day.

"So, right after ng taping, ang ginagawa niya, pag pack-up, diretso agad dito. Balik agad sa Cebu.”

Dugtong pa ng ate ni Kim, “To let everyone know na lang, ginagampanan pa rin ni Kim ang pagka-anak niya sa mommy namin.

“Hindi naman siya nagkulang sa time or nagkulang kasi may ibang priorities, hindi naman po...

“Ginagawa niya ang work niya bilang artista, tapos ginagampanan din niya bilang isang anak din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BY HER MOM’S SIDE. Noong nasa ICU ang kanilang ina, ayon kay Lakam, kinakausap at kinukuwentahan daw ito ni Kim bagamat “comatose” na ito.

“Sabi ng doctor, kahit coma siya, nakakarinig siya.

“We make sure na sinasabihan namin ang mommy namin na, ’Ma, nandito kami, buo kami. Ganito na ang nangyayari sa amin ngayon.’

“Siyempre, si Kim, ikinuwento niya kung ano na siya ngayon. Siyempre, alam siguro niya, di ba?

“Pero kahit naririnig niya, sinasabi niya na, ’Ma, hindi kami naging ganito kung wala ka.’”

Humingi rin daw sila ng tawad sa ina kung anuman ang naging pagkukulang nila rito bilang mga anak.

Sabi ni Lakam, “Kaming lahat, oo. Kung ano ang pagkukulang namin bilang isang anak, nasabi namin kung ano ang gusto naming masabi.”



LAKAM’S MESSAGE TO KIM’S BASHERS. Nagbigay rin ng pahayag si Lakam sa mga bumabatikos sa kanyang kapatid kasabay ng pagkamatay ng kanilang ina.

“Regarding ’yan sa mga bashers... siyempre, hindi naman natin lahat ma-please yung mga tao.

"Pero eto lang ang gusto kong sabihin...

“Just to everyone know, si Kim, porke’t artista, nasasaktan at umiiyak bilang ordinaryong tao.

“Konting respeto.

“’Eto nga, nagluluksa nga kami dahil sa nanay namin. Tapos, dyina-judge pa siya ng ibang tao.

"Hindi naman tayo perpektong tao. Tama na ang paghuhusga.

“Sino naman sila para maghusga ng ganyan?”



JP’S MESSAGE TO KIM. Maging ang bunsong kapatid ni Kim na si JP ay nagbigay rin ng kanyang pahayag at reaksiyon.

Aniya, “Binabasa ko ang mga comments. Hindi nila alam. Tinulungan, ginawa lahat ni Kim para mabuhay si Mama.

“Pero, wala tayong magawa. Huwag na lang nating intindihin, alam naman natin ang totoo.”

Nagbigay rin ito ng mensahe sa kapatid.

“Ang message ko kay Ate Kim, be strong. Kaya natin ’to. Malalagpasan natin ’to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN